Chapter 167

263 17 2
                                    


Dumating na kami sa unit na nanatili pa rin ang katahimikan sa pagitan namin ni Otis. Ni isang salit ay wala siyang binabanggit at gayundin ako. Pansin ko lang ay tahimik lamang nakatunghay sa amin ang mga kasamahan namin, pati na din ang pamilyang Black. Sa tingin ko ay nakukuha na nila kung ano ang sitwasyon na nangyayari sa aming mag-asawa. Malaki na rin ang pagpapasalamat ko dahil hindi sila nagtanong pa o anuman. Binigyan na lamang nila kami ng espasyo hanggang sa sila na mismo ang nauna nang nagpaalam upang umuwi na sa kanilang tahanan at hahayaan na lang kami dito na maiwan. 

Maski narito kami sa loob ng silid ay nanatili pa ring tahimik si Otis. Wala akong palagay kung nasabi ba sa kaniya ni Hyrus ang isa pang dapat naming gawin - ang mabisita kung nasaan ang aming mga katawan. Wala akong ideya kung para saan pero kung ‘yon ay mabibigay ng closure sa amin mula sa nakaraan ay gagawin ko. Ayoko rin na maapektuhan ang pinakarason namin kung bakit kami naririto sa mundong ito lalo na’t maraming naghihintay sa aming pagbabalik, na inaasahan ang aming tulong. 

Tahimik siyang mupo sa gilid ng kama. Gumalaw ako. Nilapitan ko ang kabilang gilid ng kama at maingat na umupo doon. Nasa aking kandungan ang isang kamay ko habang ang isa naman ay nasa mismong kuston. Ni isa sa aming dalawa ay walang balak na magsalita. Sa puntong ito, mas bumibigat ang aking pakiramdam. Hindi ako sanay na ganito ang ipinapakita niya sa akin. Parang pinipiga ang puso ko. 

Unti-unti ko kinuyom ang aking kamao. Nagtiim-bagang ako. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. “Otis…” hindi ko mapigilang tawagin ang kaniyang pangalan. 

“Rini,” 

Agad akong lumingon sa knaiya pero ang buong akala ko ay titingnan niya din ako subalit nagkamali ako. Nanatiling pa rin siyang ganoon ang posisyon. Ayaw niya akong tingnan. 

“Paumanhin… Ngunit kailangan ko muna mapag-isa muna at makapag-isip.” 

There. 

Nanatili akong nakatingin sa kaniya, kasabay na tuluyang nadurog ang puso ko sa mga salita na kaniyang binitawan. Parang kakapusin ako ng hininga. It feels like my head is spinning. Mas lalo ako hindi makapag-isip ng tama dahil lang sa mga sinabi niya. Ang asawa ko. Ang lalaking pinag-alayan ko ng buong-buo. Bakit… 

Sa kabila ng sakit ay pinili ko pa rin maging normal at pilit maging kalmado. Suminghap ako. “Kung iyan ang iyong nais, pagbibigyan kita.” tumayo na ako at nagmartsa palabas ng pinto. Hinawakan ko ang doorknob. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata, mas humigpit ang pagkahawak ko sa seradura. Ayaw ko man umalis sa silid na ito ay mukhang wala na akong pagpipilian pa. “Kung maayos ka na… Sana ay makausap mo na ako agad.” ang huling sinabi ko bago ko tuluyang binuksan ang pinto at umalis na. 

Nang nasa labas na ako ng silid ay nanatili akong nakatayo. Nakayuko. Doon na pumatak ang aking mga luha. Ang hirap dalhin ang bagay na ito. Ang panlalamig niya sa akin bigla nang nalaman namin ang katotohanan - kung ano ang tunay niyang katahuhan bago man siya maging Otis Sergie Cairon. 

Mahirap din sa akin na tanggapin na siya ang lalaking minahal ko, na siya ang lalaking nang-iwan sa akin noon na ang totoo pala ay nawala siya dahil sa isang aksidente. Pero kung kailan nagmahal ako muli nang tunay, saka pa dumating ito, lalo na’t nasa gitna kami ng malaking misyon! 

“Rini?” 

Agad ako tumingin sa aking kaliwa. Si Calevi, nakatayo at bakas ang labis na pag-aalala sa kaniyang mukha. Nang maaninag niya ang mga luha sa aking mukha ay agad niya akong nilapitan. Hinawakan niya ang isang balikat para mas lalo pa ako humarap sa kaniya. 

“Nag-away ba kayo? Inaway ka ba ni Otis?” 

Agad akong umiling. “Kailangan lang niya ng panahon, Calevi.” mapait akong ngumiti pagkatapos. Ako na mismong nagpakawala ang hakbang palayo sa pinto. Sumunod siya sa akin hanggang sa napagtanto niya na lalabas ako ng unit. 

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2) - EDITINGWhere stories live. Discover now