Chapter 170

290 21 0
                                    


Dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata. Kisame ng silid agad ang unang bumungad sa akin. Ilang saglit pa ako nakipagtitigan doon. Biglang nanlaki ang mga mata ko nang may napagtanto ako. Agad akong bumalikwas ng bangon. Agad hinahanap ng aking paningin si Otis. Nang makita ko siya mismo sa aking tabi at mahimbing na natutulog ay kusang bumagsak ang magkabilang balikat ko. Marahan akong nagbuntong-hininga. Kung kanina ay pangamba ang nayanig sa akin, mabilis itong napalitan ng kaginhawaan lalo na't nasa maayos naman si Otis. Mukhang hindi siya nalagay sa alanganin habang nasa gitna kami ng ritwal - sandali, buhay na buhay na kaya si Lorah? Naging tagumpay kaya ang ritwal na 'yon upang siya'y mabuhay nang magmuli? 

Napatingin ako sa pinto nang bigla 'yon nagbukas. Umawang nang kaunti ang aking bibig nang tumambad sa akin ayi Vencel na pumasok dito. Nang makita niya akong nakabangon na ay umiba ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Mabilis niya akong dinaluhan saka umupo sa gilid ng kama. Marahan niyang hinawakan ang aking kamay. Pinisil niya 'yon. Hindi ko maitanggi na nababasa ko sa kaniyang mukha ang labis na naman na pag-aalala niya para sa akin. 

"Papa..." mahina kong tawag sa kaniya. 

"Kamusta na ang iyong pakiramdam, aking bunso?" malumanay niyang tanong. Inabot niya ang aking mukha saka marahan niyang hinaplos ang aking pisngi. "Ang sabi ng manggagamot ay aabutinng ilang araw bago bumalik sa dati ang inyong mana..."

"Patawad kung muli na naman kayong nag-aalala para sa amin." wika ko. May bakas din na kalungkutan sa aking mukha. Aminadong naging magaslaw ako bilang isa sa mga prinsesa ngunit, ipinapakita ko lang kung ano talaga ako. Subalit, kaaibat ng mga bawat kilos ko ang pag-aalala ng aking ama sa mundong ito. 

"Naiitindihan ko, Rini. Kahit na nilagpasan mo na ang aking inaasahan tungkol sa iyo, kahit na mas malakas na ka kumpara noon, hindi pa rin mawawala ang pagiging ama ko para sa iyo, anak." aniya.

Saglit ako natahimik.Bumaba ang aking tingin sa kumot na nakatakip sa aking mga binti. Mapait akong ngumiti. Muli ko siyang tiningnan. "Hinding hindi rin po mawawala na ako'y bilang anak ninyo, papa." saka ginawaran ko siya ng matamis na ngiti. 

Sumilay na din ang ngiti sa kaniyang mga labi. "Naging maayos ba ang paglalakbay ninyo sa mundo ng mga mortal?" sunod niyang tanong. 

Dahil sa inopen niya ang topic na 'yan, hindi ko na rin mapigilang magkwento sa kaniya sa mga karanasan na naganap noong nasa dating mundo ako. Lalo na tungkol sa pamilyang Black na mismong tumulong sa amin. Siyempre, mga pili lang 'yon. Hindi ko isinali sa pagkukwento ko kung papaano namin na nakaengkuwentro si Elio Mancini dahil sa tingin ko ay hindi naman 'yon kinakailangan. Bukod pa doon, nakwento ko rin sa kaniya kung anu-ano ang mga reaksyon ng mga kasama ko noong unang tapak palang namin sa mundo ng mga mortal. Mataimtim lamang nakikinig sa akin si Vencel, pawang may ngiti sa kaniyang mga labi, tila natutuwa siya sa mga kwentong hatid ko para sa kaniya. Minsan ay nagtatanong din siya sa mga bagay-bagay na siya din ang pagbigay ko ng sagot. 

"Kung mabibigyan lang ako ng pagkakataon na makarating sa mundong 'yon, una kong hahanapin ang pamilyang tinutukoy mo, Rini. Upang magpasalamat sa pagkupkop nila sa inyo." naging kumento niya sa haba ng aking kinuwento. Dumapo ang kaniyang palad sa aking ulo. "Maaari ka munang matulog ulit, o kung gusto mo'y kumain ka muna sa gayon ay mas manumbalik pa ang 'yong lakas." 

Sasagot sana ako nang biglang gumalaw nang kaunti si Otis sa aking tabi. Sabay kami napatingin ni Vencel sa kaniya. Inaabangan kung magigising na ito at hindi nga kami nagkakamali. Bumangon na ito saka kinusot-kusot pa ang mga mata. Tumingin siya sa amin na namumungay ang mga mata. 

"Nasaan tayo...?" namamaos na tanong ni Otis.

"Kasalukuyan kayong nasa Empermeryal (Infimary) ng Palasyo dahil sa pagkahimatay ninyong dalawa." si Vencel ang sumagot. Napagtanto ko na hindi pala pamilyar sa akin ang lugar na ito. Buhat na tumapak ako dito sa Thilawiel, ay ngayon lang ako nakapadpad dito. "Magiging maayos din kayong dalawa, base sa bilin ng manggagamot na nakausap ko."

I'm Born as an Eryndor! (Book 1-3) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora