Chapter166

320 12 1
                                    

Isang nakakabinging tahimikan ang bumalot sa buong silid. Nasa tabi ko si Otis, samantalang ang may-ari ng mansyon na ito - ang lalaking ninakawan ako ng halik ay nasa harap namin. Lumapit sa amin ang isang lalaki na natitiyak ko ay ang tagapaglingkod niya. May hawak itong tray na may lamang tasa. Isa-isa niyang inilapag ang tasa na 'yon sa aming harap, gayundin sa lalaki. Ang lalaking kasama naman namin kanina ay umalis na. Pinakawalan na namin siya dahil mas nangingibabaw ang kuryusidad namin tungkol sa ugnayan niya kay Armino Fiore, ang lalaking minahal ko pero nawala lang 'yon na parang bula.

Sumulyap ako kay Otis na ngayon ay nanatiling nakatulala. May oras na napasapo siya sa kaniyang ulo na akala mo ay may sumakit sa kaniya. Sa tuwing tatanungin ko kung ayos lang ba ang kaniyang pakiramdam ay ang tanging nasasabi lang niya sa akin ay ayos lang daw siya.

Pero, hindi ako panatag. Pakiramdam ko ay may nakaligtaan ako.

Natauhan lamang kami nang biglang umiba ang ayos ng pagkaupo ng lalaki sa harap namin. Nagdekuwatro siya. Pinagsalikop niya ang kaniyang mga kamay saka ipinatong ang mga 'yon sa isa niyang tuhod. Wearing his serious and curious eyes. Para bang hindi niya nagugustuhan kung ano ang nakikita niya. I understand that because we broke into his house. Ang lagay namin ay para bang akyat-bahay gang fantasy version.

"So tell me, why you're here, Miss Eryndor? And who's that guy over there?" sabay tingin niya kay Otis.

Ginantihan ko din siya ng seryosong tingin. "He's my husband." walang kagatol-gatol kong tugon.

Tumaas ang isang kilay niya sa naging sagot ko pero pilit niyang itinago 'yon. Pilit pa rin niyang maging pormal sa harap namin. Alam kong nagulantang siya and it's understandable. Dahil mukhang bata pa kaming bata ni Otis pero 'yon ang totoo.

"Alright, so may I know how did you know about my foster father anyway?" sunod niyang tanong.

Hindi agad ako makasagot. Kusa kong kinuyom ang aking mga kamao. Nagtiim-bagang ako. Kung sasabihin ko sa kaniya ang totoo na ex ko ang umampon sa kaniya - nah, napakaimposibleng maniniwala siya doon. Bukod pa doon, hindi rin namin maaaring isiwalat na mula kami sa ibang mundo tulad ng sabi ni Mr. Black dahil malaking gulo ang mangyayari.

"Miss Eryndor?" muling tawag niya sa akin.

"I... He's the one I used to know." ang tangi kong nasagot sa kaniyang tanong. Siguro naman ay mas katanggap-tanggap pa ito kaysa sa sabihin namin sa kaniya ang totoo.

Nanatili lamang ang tingin niya sa akin. Ngunit nakikita ko pa rin ang parte na hindi siya naniniwala sa sinasabi ko pero hinayaan ko lang. Ayokong maging defensive sa harap niya sa oras na gawin ko 'yon, mas lalo lang siya hindi maniniwala.

Imbis ay tumango siya, tila kungwari ay naniniwala siya. Muli siyang gumalaw. Yumuko para hawakan ang tasa sa kaniyang harap. Humigop siya nang kakaunti mula doon. Hindi matanggal ang tingin niya sa amin, tila pinag-aaralan niya kami sa lagay na 'yon. Kahit ganoon, hindi rin maalis ang tingin ko sa kaniya. Pinag-aaralan ko din ang bawat kinikilos niya. Hindi lang ako makapaniwala na siya ang sinasabing boss ng lalaking nakasagupa ko sa Parking Lot. Ibig sabihin, siya ang drug lord? Siya ang boss ng mafia group?

Pagkatapos niyang sumimsim ng inumin mula sa tasa ay ibinalik niya 'yon sa mababang mesa saka ibinalik ang dati niyang posisyon mula sa pagkaupo. Taas-noo niya kaming tiningnan. "Mukhang may gusto kang sabihin sa akin, Miss Eryndor."

"Ikaw ba talaga ang drug lord?" malamig kong tanong.

He didn't even flinched. Imbis ay mataimtim niya akong tinititigan. "Yes."

"Anong koneksyon mo kay Kethra Buckman?" sunod kong tanong.

Doon ay nagkaroon na siya nang kaunting reaksyon. He pouted and nod. "She's just one of my client. She wants to buy my items, and as a businessman, I gave her a favor."

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2) - EDITINGWhere stories live. Discover now