Chapter 148

1K 66 13
                                    


Mas lumalalim ang gabi sa Thilawiel ay siya din ang mas kinakain sa dilim ang bansa. Dahil sa mga halimaw na naglipana, animo'y hindi nauubusan ang mga ito. Bawat nababawasan, may mga panibagong dumarating na mga panibagong kalaban. Kahit ganoon ay hindi 'yon hadlang upang iligtas ang naiwang bansa.

Mas pinabilis pa ni Vencel ang pagtakbo ng sinasakyan niyang kabayo. Nasa likuran naman niya ang kaniyang esposa na si Emperatris Theavia, umaalalay sa kanila sa tuwing may nakakasalubong silang halimaw sa bawat dinadaanan. Nakasunod naman sa kanila ang iba pa mga kasamahan. Dala din nila ang mga kawal at mga kabalyero na maghahatid ng tulong sa mga Thilian. Hindi rin inaasahan ang pagsunod ng mga dagdag-pwersa ng mga kawal at kabalyero mula sa mga bansang Oloisean at Severassi. Siguro ay natanggap ng dalawa pang emperador ang masamang balita---ang pagkawala ng isa sa mga malalapit nilang kaibigan, si Emperador Audrick. Kaya naman hindi nagdalawang-isip ang mga ito na magbigay ng tulong.

Tumalim ang tingin ni Vencel nang may isang halimaw na naliligaw na kanilang makakasalubong. Binitawan ng isa niyang kamay mula sa pagkahawak sa tali ng kabayo. Inilipat niya 'yon sa kaniyang espada saka mabilis niya itong hinugot. Ibinaba niya ito ng kaunti upang kumuha ng tyempo. Mas iniyuko pa niya ang kaniyang sarili para mas pabilisin ang pagtakbo.

Mukhang natunugan ng naturang halimaw ang kanilang pagdating. Agad sila nito tiningnan. Tila umalarma ito at walang paligoy-ligoy na susugurin siya ng mga ito. Kusang umigting ang panga at mas sumeryoso ang mukha ng Emperador at Emperatris ng Cyan. Inangat naman ni Theavia ang isa nitong kamay habang ang isa naman ay nanatiling nakahawak sa kaniya. Naglabas siya ng mahika ng apoy sa ibabaw ng palad nito at mabilis niyang binato sa direksyon ng halimaw na nasa kanilang harap. Nagsisigaw sa sakit ang kalaban pero hindi pa doon nagtatapos. Palapit nang palapit ang kabayo at saka hiniwa ni Vencel ang halimaw sa pamamagitan ng hawak niyang matalim na espada. Nahati sa dalawa ito at tumilapon kung saan. Hindi pa kuntento si Theavia. Mas pinalawak pa niya ang kaniyang mahika. Binakuran ng mga matatas at malalakas na apoy ang kanilang dinadaanan. Ang layunin nila sa ngayon ay makarating sila agad sa loob ng Palasyo sa lalong madaling panahon, sa gayon ay matulungan nila ang naiwang prinsipe at prinseas ng Thilawiel, sina Prinsesa Eglantine at ang bunsong anak ni Emperador Audrick na si Prinsipe Hadden. Nakuha din nila ang balita na paparating na din ang hukbo mula sa Kaharian ng Crossa na pinaghaharian ni Haring Eomund, at Aliron na pinamumunuan naman ni Haring Mival kaya wala na sila dapat alalahanin pa kung pagdating man sa digmaan.

Hindi rin nagtagal ay natatanaw na nila ang Palasyo. Mas binilisan pa nila ang kanilang pagdating, gayundin ang kanilang kasamahan. Naniningkit muli ang mga mata ni Vencel nang unti-unti niyang nakikita ang mga kawal na nagbabantay sa malaking tarangkahan papasok sa Palasyo. Mukhang nakuha din nila ang atensyon ng mga bantay. Walang mintis na nakikilala sila ng mga ito. Nagsisigaw ang mga ito tila natataranta na buksan ang naturang malaking tarangkahan dahil sa kanilang pagdating. Napansin din niya na base sa mga boses ng mga ito ay nakikita ng mga ito ang isang malaking liwanag---ang pag-asa na umahon mula sa malaking unos na kinahaharap ngayon ng Thilawiel.

Hindi sila nag-abala pa na tumigil. Dire-diretso sila sa pagpasok. Tumigil lamang sila nang nakita nila na inaabangan sila ng isa sa mga katiwala ng mismong bagong emperador, ang dating prinsipe na tagapagmana na ngayon ay ang Emperador Otis, si Egos.

Naunang siyang bumaba mula sa likod ng sinasakyan na kabayo. Pagkatapos ay sinulyapan ang asawa at tinulungan niya itong bumaba. Isa-isa din nagsibaba ang mga kasamahan nila. Agad sila dinaluhan ni Egos at nagbigay-pugay sa kanilang pagdating.

"Mga kamahalan, lubos kaming nagagalak sa inyong pagdating sa Thilawiel." magalang na bati nito sa kanila.

Bahagya siyang tumango. "Wala ang presensya ng emperador at ng emperatris ng Thilawiel dahil sa isa pang matinding misyon. Nasaan ang Prinsipe Hadden? Nais ko siyang makausap nang hindi natatapos ang gabing ito." malamig niyang turan sa kausap, iginagala din ang kaniyang paningin sa paligid. "Anong lagay ng mga Thilian?"

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2) - EDITINGWhere stories live. Discover now