Chapter 173

291 16 0
                                    

Tahimik kaming pumasok ni Berrian sa loob ng aking Opisina. Samantalang sina Ramas at Raymound naman ay inumpisahan nang misyon na ibinigay ko sa kanila. Sa halip ay nagpadala ako ng mensahe kay Otis na nahingi na lang ako ng ibang kawal na maaari kon tapagbantay at sasabihin ko na lang sa kaniya mamayang gabi ang dahilan. Siguro naman ay mapagbibigyan niya ako.

Umupo ako. Samantalang si Berrian naman ay tumayo sa aking harap. Tumingala akong tumingin sa kaniya sa mapapagitan ng aking seryosong mga mata. Tanging office table lang ang pumapagitna sa aming dalawa. Parehong nasa likuran niya ang kaniyang mga kamay. Bago man namin sisimulan ang aming pag-uusap ukol sa kaniyang misyon, may inilabas siya mula sa loob ng kaniyang coat. Isang nakarolyong papel.Maingat niya 'yon inilapag sa mesa. Bumaba  ang tingin ko doon. Hindi ko mapigilang kumunot ang aking noo habang nakatitig doon. Mukhang may ideya na ako kung ano ang nilalaman noon pero may parte sa akin nahindi sigurado. Sa huli ay pinili kong hawakan 'yon hanggang sa unti-unti ko 'yon ibinuklat. Kusa 'yon umilaw at naglabas ng pixie dust sa ere. Napatingala kami ni Berrian doon hanggang sa namumuo ang mga mahika na 'yon ay naghugis globo pero oblong shape.

Isang mapa ang tumambad sa akin.

Mapa ang buong mundo. Napaawang ang aking bibig nang makita ko ang kabuuan nito. Hindi ko sukat-akalain na mas malaki pa pala ito kaysa sa inaasahan ko. Kaya pala sinasabi sa akin ni Raegan, maski ng mga prinsipe na mas maraming aktibong Imperyo na nais akong makuha. Dahil maraming kontinete ang makikita ko dito. Karamihan sa mga ito ay hindi ko pa napupuntahan at lingid pa sa aking kaalaman.

"Kamahalan, ayon sa aking natagpuan nang ipinadala ninyo sa lugar na 'yon. Ngunit bago ko nasimulan ang inyong ibinigay na misyon, nagawa akong sundan ng mga Panginoon ng Cyan dahil kuryusidad ngunit agad ko din sila iniligaw dahil nasisiguro kong magiging sagabal lamang sila at alam kong ayaw ninyo rin iparating sa ibang tao." panimula ni Berrian.

Napatingin ako sa kaniya sa naging pahayag niya. Sumilay ang ngiti sa aking mga labi. Inaasahan ko na 'yon. Mabuti at magaling magtago ang isang ito. And this plan must a surprise for everyone. Na malalaman nilang may susunod sa yapak ni Raegan pagdating ng panahon. And of course, the Eryndors have a right to know the missing heir - another crown prince of Cyan.

"Natagpuan ko po siya - ang inyong pamangkin."

"Tulad ng aking inaasahan." malamig kong turan. Ibinalik ko na sa kaniya ang aking tingin. "Ipagpatuloy mo."

"Lingid sa kaniyang pinagmulan, kasapi siya bilang rebulosyonaryo."

Umiba ang ekspresyon sa aking mukha nang marinig ko ang bagay na 'yon. Ito ang hindi ko inaasahan. Isang rebolusyonaryo ang aking pamangkin? Bakit? Sa anong dahilan?

"Subalit, mas gusto kong malaman kung sino ang mga nagpalaki sa kaniya buhat nang siya'y isang sanggol. Kung ano ang nangyari sa kaniya sa mga panahon na nawawala siya." wika ko.

"Mula sa isang lihim na Kaharian, kamahalan. Doon siya napadpad hanggang sa nagkaroon siya ng muwang." sunod niyang sagot sa akin. "Ayon din sa aking nalaman, siya mismo ang pinuno ng rebulosyon. Hindi malinaw para sa akin kung sino ang kanilang kalaban."

Tahimik akong tumango. Naiitindihan ang ibig niyang sabihin. Kasalukuyan nang nagtatalo ang aking isipan kung aalis ba muna ako sa Palasyo upang puntahan ang Lihim na Kaharian na tinutukoy ni Berrian o mananatili ako rito at ipagpapatuloy ko pa hanggang sa tagumpay kong maibalik sa Cyan ang aking pamangkin?

Kumawala ako ng malalim na buntong-hininga. Tumayo ako. Tahimik na nanonood sa akin si Berrian. Inangat ko ang isang palad ko sa aking kanan. May lumabas mula doon ang isang itim na mahika. Sumasayaw 'yon sa ere hanggang sa nagkaroon ito ng hugis - ang doppleganger ko. Tahimik itong nakatayo animo'y isang manika.

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2) - EDITINGWhere stories live. Discover now