31 - Finale

10 1 12
                                    

Mabilis na lumandas sa pisngi ang mga luha ni Anya. Nauna pa ang video greeting na 'yon sa unang pagkikita nila noong January 2023. That only means na posibleng pinatutunayan ni Gelo ang sinseridad na kanyang pinagdududahan. Was he trying to prove himself for the second time around?

Napahinto ang pag-iyak niya dahil sa pag-ring ng phone na galing kay Gelo. Nakalagay ang pangalan ng binata sa caller ID kaya hindi na siya nag-hesitate na sagutin iyon.

"Finally. Nari-reach ko na. It means, napanood mo na ang video. Right?" It was Gelo's baritone voice when she answered the call. He's obviously excited as he sounded.

"Oo. Napanood ko na. Para saan ba ito? Nagpapahulugan ka na lang na ng cell phone?" pabirong hirit ni Anya. For the nth time, she's trying to act clueless. That's what 'trying hard to pursue girls' mostly does, by the way.

"Happy birthday nga pala. Gelo."

"Sorry, hindi ako tumatanggap ng greetings lang. What if pagbuksan mo naman ako? Nandito na ako sa tapat ng Playful Dreams," request naman ni Gelo sa pabirong tinig.

Dahil doon, nagmadali si Anya na buksan ang pinto at bumungad agad si Gelo na walang pasabing yumakap sa kanya sa tagpong iyon.

"Bakit? Bakit mo ako niyayakap?" tanong ni Anya at ramdam niya ang pagkabog ng kanyang puso habang nakakulong sa mga bisig ni Gelo. "Ginugulat mo ako, to be honest."

"Denied ang visa ko," sagot lang ni Gelo na mas hinigpitan ang yakap kay Anya.

"So? Kasalanan ko ba? Bakit pinapaalam mo sa'kin?" pag-aalala naman ni Anya at kumalas sa pagkakayakap kay Gelo. Tiningnan niya ito dahil ina-assume niya na maaaring nagbibiro na naman ito o baka gini-guiltrip lang siya for whatever reason it is.

"May reason kung bakit ako na-deny. Pero okay lang. Kaya ko pang humabol. Pero sana, hindi ako ma-deny dyan sa puso mo," hirit naman ni Gelo. "I'm here para mag-celebrate ng birthday. Then, uuwi na rin ako later. Gusto lang kitang makita."

"Bakit?"

"Kasi, mahal kita."

Parang sirang plaka na nagpaulit-ulit ang mga salitang binitawan ni Gelo. This is it! Hindi na ito simpleng pagtatapat na gusto siya nito. He's now hinting at something else! Gusto na niyang mag-level up silang dalawa. Saglit na napaatras si Anya at nagulat na lang siya nang lumiwanag ang buong paligid at kuminang ito dahil sa mga nakapalibot na colorful led lights na hindi niya matandaang inilagay niya sa kanyang shop.

"Anong ibig sabihin nito?" Inilibot ni Anya ang tingin sa nagliliwanag na paligid ngunit mas natuon ang pagkamangha niya kay Gelo.

"Nagbukas 'yan kasi gumagana lang naman 'yan dahil remote ang gamit para ma-switch on," paglalahad nito sabay tawa nang malakas.

"Habang wala kayo, nagpaalam ako kay Shantel na dito muna ako para i-setup ang mga 'yan. Look, mas maganda na siya at hindi na mukhang gloomy," proud na sambit pa ni Gelo.

"Bakit pa? Hindi tayo nagdi-date, Gelo. Hindi mo na kailangang gawin ang lahat—"

"I know you can do everything. Pero habang nandirito pa ako, hayaan mo muna akong gawin itong maliit na bagay. Tama ka naman, mas mabuting mag-focus tayo sa mga career natin. Pero ngayon, hindi ko kailangang pumili between love and career. Hindi ako pipili sa dalawang bagay na parehong mahalaga sa buhay ko," madamdaming paglalahad pa ni Gelo.

Anya remained silent. Hindi pa rin siya makapaniwala sa pag-amin ng binata. Pero ngayon pa ba siya hihindi? Naghuhumiyaw na ang puso niya sa sandaling iyon at si Gelo lang ang sinisigaw nito.

"Last time, tumawag ang manager ko dahil kumakalat pa rin ang pictures ko na kasama kita. Pinagpaliwanag niya ako about that. I told him na you're special and I will pursue you. Hindi ko itatago ang ugnayan natin dahil mahalaga ka, Anya."

"Pero, paano ang career mo?" naluluhang tanong ni Anya na pinipilit namang ngumiti.

"Relax. I understand na hindi ka pa handa, Anya. Pero hindi ako titigil na patunayan ang sarili ko. Lahat ng nararamdaman ko, totoo lahat. As long as hindi ako lumalabag sa kontrata, wala kaming magiging problema ro'n." Then, hinawakan ni Gelo ang mga kamay ni Anya.

"Gelo. Okay, ano bang hinihingi mo? Yes? In what category? Maging GF o pumayag na magpaligaw?" natatawang tanong pa ni Anya na may kislap sa mga mata at malawak na ngiti sa labi na halos aabot na sa kanyang tainga.

"Be my girlfriend, Anya. Please?" pagsusumamo ni Gelo.

"Okay. Yes. Payag na akong maging girlfriend mo. Para naman akong tanga kung magpapaligaw pa ako, gayong alam mo naman na gusto rin naman kita." Napalitan ng pagluha ang pagkakangiti ni Anya nang muli niyang yakapin si Gelo.

"Thank you, this is one of the best birthday gift na natanggap ko. Thank you, Anya," naluluhang tugon din ni Gelo. Sa sunod, mas nagulat si Anya nang tumunog ang speakers at tumutugtog doon ang kantang 'When I'm With You' ng BGYO.

"Coz I like who I am when I'm with you..." 🎶

"Ano ba naman 'yan, may pa-speaker ka rin. Package deal ba 'yan kasama ng led lights noong binili mo?" natatawang komento ni Anya.

"Yep. Naka-sale, eh," pahalakhak na sagot naman ni Gelo.


Wakas.


Michielokim

Hello, Gelo! (A BGYO Fanfiction) [FINISHED]Where stories live. Discover now