18

11 1 4
                                    

“Bakit naman ayaw mong malaman na idol ka? Hindi ba’t dapat ipagmalaki mo rin ‘yon dahil may nakakakilala na sa’yo,” usisa naman ni Anya kay Gelo.

“For me naman kasi, hindi na kailangang malaman ng iba. I’m just here, para magbakasyon lang naman at parang hindi ko naman kailangang i-brag ‘yon dahil hindi naman ako kilala ng ibang tao,” katwiran naman ni Gelo para linawin ang kanyang side.

Itinagilid ni Anya ang kanyang ulo at obviously, hindi siya lubos na kumbinsido sa tinuran ng binata. But she commended him for keeping a low profile.

"Pero Gelo, isang malaking accomplishment ang pagiging idol. Maraming tao ang nangangarap na magkaroon ng ganoong pagkilala at katanyagan. Naroon na tayo sa hindi ka naman kilala ng lahat, pero ako lang naman ‘to na pwede mo sanang paglantaran ng profession mo kasi hindi naman kita ija-judge. Buti ka pa nga, eh. May na-accomplish agad sa buhay.”

Bumaba ang tingin ni Gelo, magkasalungat ang kanyang ekspresyon. "I appreciate the support pero ‘yon nga. Basta—hindi ko naman kailangan ipangalandakan lagi ‘yong profession ko. I just wanted a break from my usual routine and experience life without the constant attention and pressure. Basta."

Saglit na pinag-isipan ni Anya ang kanyang sinabi bago muling nagsalita. "Naiintindihan ko. Maaari mong i-enjoy ang iyong bakasyon habang kinikilala at pinahahalagahan pa rin ang mga taong humahanga sa iyo. Hindi naman kailangang maging all-or-nothing ang sitwasyon."

Sinalubong ng tingin ni Gelo si Anya, at ramdam niya ang tunay na pag-aalala sa boses nito. Napagtanto niya na sinusubukan niyang tulungan siyang mag-navigate sa kanyang magkasalungat na emosyon.

"May point ka, Anya," pag-amin ni Gelo. "Siguro nga masyado akong nakatutok sa pagtakas sa career ko, sa halip na maghanap ng work life balance. Siguro oras na para suriin ko muli ang views ko sa buhay at mag-isip ng mas magandang gawin para mag-enjoy pa rin."

Napangiti si Anya at nabuhayan ng loob ang sinabi niya kay Gelo. "Remember, beingan idol does not define your entire being, pero bahagi siya lagi ng journey mo. You have the power to shape what you want that aspect of your life to be."

Tumango si Gelo, at bakas sa kanyang mga mata ang bagong determinasyon na naramdaman niya dahil sa suporta ni Anya. “Tama ka. Oras na para mahanap ko ang balanseng iyon. Salamat sa pagpapaalala sa akin ng kung ano ang mahalaga. After all, pinaghirapan ko naman kung nasaan ako ngayon.”

“Saka sana sinabi mo rin ang status mo para naman makapag-ingat ako sa kilos ko habang magkasama tayo sa bakasyong ito. But wait—paano pala kung may kumuha ng picture habang nasa presinto ka?” Biglang napatakip ng bibig si Anya dahil sa sarili niyang assumption.

“Wala naman siguro. Nevermind. Kung mayro'n man, ako na ang magpapaliwanag,” kibit-balikat na turan ni Gelo.


The next morning…


Sumikat na ang araw sa White Haven Resort, talagang na-enjoy ni Anya ang magandang bungad sa kanya ng umaga. Nakaramdam siya ng pagkagutom, kaya minabuti niya munang mag-agahan at concerned pa rin siya kay Gelo, kung nag-agahan na ba ito o kung mahimbing pa ang tulog.

“Baka nga nagpapahinga pa ‘yon. Lalabas na lang din ako pagkatapos nito at mags-swimming, kahit hindi ako marunong lumangoy,” aniya at humarap sa salamin.

Sinubukan niyang hubarin ang suot na robe at sukatin na ang dinala niyang swimming attire. At nang matapos niyang sukatin iyon, medyo namangha naman siya sa kanyang sarili. Her confidence was being taken away by those inconveniences in her life. Alam niyang hindi naman siya ganito noon. Back then, she was a beautiful girl and the proudest of whatever she did.

Habang tumatagal ang tingin niya sa kanyang sarili, lalo siyang naging hesitant na lumabas sa suot niyang rash guard at swimming shorts.

Mabilis siyang tumakbo at nagtampisaw sa dagat. Ipinagsasalamat niya na wala pang mga tao na nasa dagat upang maligo. Pakiwari niya ay solo niya ang paligid. Sinubukan niyang pumunta sa abot baywang na lebel ng dagat hangga't sa mapansin niya ang isang lalaking paahon na rin sa hindi kalayuan.

“Gelo?” Kinakabahan siyang lumubog sa dagat para hindi lang siya nito mapansin. Saka na lang siya aahon kapag lumipas na ang ilang minuto at masiguro niyang nakaahon na talaga ito. Nakalubog siya sa tubig sa loob lamang ng tatlong minuto hangga't sa hindi na niya kinayang magpigil ng hininga kaya siya sapilitang umahon at laking gulat niya na nasa harapan na pala niya si Gelo sa mga sandaling iyon.

“Anong ginagawa mo kanina? Do you think na malulunod ka sa ganito kababaw na tubig?” seryosong tanong ni Gelo na tila nagpipigil ng halakhak.

“Well, ayaw ko lang na may nakakakita sa'kin na nags-swimming dahil hindi ako marunong na lumangoy,” sagot naman ni Anya.

“Hindi ka marunong lumangoy?” Halatang nagpigil pa ng halakhak si Gelo.

“Sa tingin mo, nakakahiya ba? Na sa edad kong ito, hindi pa rin ako marunong na lumangoy?”

“Not really. Sige, mauuna na ‘ko.” Gelo looked away when he got out of the water. Sa hindi malamang dahilan, bigla na lang siyang napangiti.

Hello, Gelo! (A BGYO Fanfiction) [FINISHED]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu