5

17 1 3
                                    

Sa backseat na umupo si Anya at pinanatili niyang kalmado ang sarili. Mag-iisang oras na nga silang bumabyahe ni Gelo papunta sa Bataan pero ni isa sa kanila, walang gustong magsalita.

Para naman maibsan ang awkwardness, binuksan na lamang ni Gelo ang radyo ng kanyang sasakyan. Natipuhan naman niya ang music kaya hindi na niya nilipat ang station.

"Lightning, don't strike the same place twice..."

Narinig niyang kumanta si Anya, iyong tipong pagkanta na parang nagpipigil. She sounded like a squeaking puppy. Hindi naiwasan ni Gelo na tumawa nang bahagya. May tunog pa nga iyon. That's bad. Hindi na niya kayang bawiin ang ginawa niya. Natahimik ulit si Anya at napansin niya sa rear view mirror na parang malapit na itong malusaw sa kahihiyan.

"Si Britney ba ang kumanta nyan?" tanong na nga lang ni Gelo para naman maging maganda na ang mood nilang dalawa sa byahe.

"Hindi. Si ano 'yan—Beyoncé," sagot naman ni Anya kahit na hindi naman niya talaga alam kung sino ang singer ng kantang "Angel's Cry" na tumutugtog sa radyo.

"Basta iyon lang ang alam kong kanta niya. Mga elementary pa lang yata ako that time," dagdag ni Anya. Bahagya naman siyang natuwa dahil kinakausap na siya ni Gelo. And she didn't expect na ito pa talaga ang unang kikibo sa kanilang dalawa.

"Akala ko pa naman si Mariah Carey," tugon naman ni Gelo.

"Ay oo. Siya nga pala 'yan. Alam mo naman pala kung sino, eh," sagot nama ni Anya na nilakipan pa ng bahagyang hagikhik ang bawat salitang sinabi.

"Pero hindi mo alam kung sino talaga?"

"Naghahalo-halo na kasi sa utak ko kung sino 'yong singers eh, lalo na sa babae. Puro babaeng singers lang ang madalas kong pakinggan. Tapos pag sa lalaki naman, ano—Backstreet Boys mas luma sila kaysa sa One Direction. Kilala mo ba sila?" Naging enthusiastic ang tono ni Anya. Kumbaga sa kpop culture, ultimate bias group niya ang American boyband na iyon. They were already legends.

"Tell me why?" Gelo sang that line from Backstreet Boys' famous song "I Want It That Way."

"Ayun! Alam mo pala 'yon! Hmmm... Tinatanong mo ba kung bakit ko sila gusto? Or gusto mo rin ba 'yong kantang 'yon?" hirit naman ni Anya.

"Well, they're everywhere. Established na sila sa loob ng ilang taon. Sana gano'n din kami someday, 'yong kahit hindi nila maalala 'yong mukha namin, or kahit hindi nila matandaan 'yong group name namin, at least maririnig naman kahit saan 'yong kanta namin at makilala pa rin kami ng anumang henerasyon." Gelo smiled, but he just hid it. That's his aspirations for BGYO ever since they've been introduced as trainees before the pandemic started.

"Sorry for asking this, pero singer ka ba? Aspiring? Or underrated? Pwede ko bang malaman kung may stage name kang ginagamit?" tanong naman ni Anya dahil nagsimula na siyang ma-curious dahil sa sinabi ni Gelo. Alam niyang mula pa sa kaibuturan nito ang mga sinabi.

Nagtaas naman ng kilay si Gelo. Safe siya sa palagay niya dahil mukhang walang ideya si Anya na isa siyang p-pop artist. Pero posible rin naman na nagkukunwari lang ito na hindi talaga siya kilala o hindi man lang dumaan ang larawan niya at ng kanyang grupo sa news feed nito sa Facebook.

"Hindi. Simpleng part timer lang ako sa boutique ni Shantel," pagsisinungaling naman ni Gelo.

"Pero maganda ang boses mo," tapat na komento naman ni Anya. Hindi pa rin siya convinced na walang pinanghuhugutan ang sinabi ni Gelo. Para kasing pinangalandakan na nito ang pinaka-goal nito sa buhay na hindi mananakaw ng sinuman.

"Ilang segundo mo lang akong narinig." Pumalakpak naman ang tainga ni Gelo. He's used of getting compliments or being praised online, pero iba pa rin pala kapag ang papuri ay nagmula sa isang tao na walang kaalam-alam ng status niya at propesyon.

"But I'm into dancing talaga," dagdag pa ni Gelo. Kahit ayaw niyang mag-open up, tila naging komportable naman na siya kay Anya sa sandaling iyon. Natapos na rin ang kanta at nagkaroon na ng commercial sa pinakikinggan nilang istasyon kaya naisipan niyang muli iyong ilipat. He felt the sudden thrill upon hearing BGYO's song "Kundiman."

Napalingon din siya kay Anya dahil parang natahimik naman ito at napansin niyang ngumingiti ito.

"Ang ganda naman ng kanta."

"Iyan? Talaga? Maganda?" usisa ni Gelo.

"First time ko lang napakinggan 'yan. Hindi kasi ako mahilig sa OPM," pag-amin ni Anya, na sa kabilang banda ay ikinalungkot naman ni Gelo. Parang naging backhanded kasi ang dating ng remark ni Anya at that time.

"Hardworking din naman ang OPM artists gaya ng mga nasa West. Bakit hindi mo na lang suportahan?" Nakangiwi na tuloy si Gelo habang nagtatanong.

"Oo alam ko naman. Pero hindi lang ako invested. Puro nonsense ba naman 'yong sumisikat na kantang Pinoy nowadays," pakli naman ni Anya. Hindi na rin maalis ang ngiti niya dahil nagagandahan talaga siya sa kantang naririnig niya sa radyo.

"Hindi ka lang naghahanap ng bagong pakikinggan kaya mo nasabi. Ang dali mo namang mag-judge," himutok naman ni Gelo na sinabayan niya ng munting halakhak para naman hindi ma-sense ni Anya na medyo nasaktan siya sa take nito.

"Sa dami ng mga problema ko lately, nawalan na rin ako ng ganang makinig o manood ng kahit ano," pagtatapat ni Anya. Iwinaksi na niya ang pausbong na emosyon dahil mas nag-focus siya sa pakikinig ng kanta sa radyo.

"Parang may kaboses ka dyan."

Bigla namang humigpit ang hawak ni Gelo sa manibela matapos niyang marinig ang nilabi ni Anya. Is she really just pretending that she doesn't know his group? Hinuhuli nga lang ba siya nito?

"Compliment na 'yan para sa'kin," nahihiyang sagot naman ni Gelo.

"Ano kayang title ng kanta na 'yan? Ang ganda kasi," curious na tanong ni Anya.

"Hindi ko rin alam. Pero ang natitiyak ko, maraming pangarap ang kumanta niyan," turan pa ni Gelo saka muling sumulyap sa rear view mirror para masulyapan ang kakaibang ngiti ni Anya.

"I-search ko kaya sa Youtube. Wait nga."

Iglap na dagundong ang narinig ni Gelo sa kanyang puso. Aware pa naman siya na madali na lang na mahanap ang isang kanta sa pamamagitan ng pag-type ng lyrics nito sa search bar.

"Wala pala akong load. Hindi na bale, tatandaan ko na lang 'yong line na..." Sinadya ni Anya na tumigil sa pagsasalita para i-type ang lyrics na nakakintal na sa kanyang isip at puso.

Hello, Gelo! (A BGYO Fanfiction) [FINISHED]Where stories live. Discover now