13

9 1 4
                                    

Dahil hindi nasunod ang itenerary sa araw na ito, napagpasyahan ni Anya na magpunta sa bayan ng Mariveles. Inabot na siya ng gabi at nakapukaw ng atensyon niya ang mataong KTV Restaurant. Bigla niya kasing na-miss na kumanta ng kahit ano kahit na sintonado ang kanyang boses.

"Pahiram naman po ng songbook," request niya sa waiter na agad namang tumalima sa kanya.

Ngunit hindi pa man din siya nakakapili ng kanta sa songbook, napansin niya ang babae sa kabilang table na kasama ng isang lalaking may kakaibang gesture. Kanina din niya napansin na may inilagay na kung ano ang lalaki ng customer sa inumin ng babae bago pa sila tuluyang magkita. Ang tagpong iyon, para sa kanya ay nagpabalik lang sa nakaraang ayaw niya sanang alalahanin pa. Nagkunwari muna siyang busy sa pag-inom hangga't narinig na niya ang pagsigaw ng babae.

"Hindi ako sasama at hindi ko iinumin 'yan!"

Naibagsak ni Anya ang songbook at hindi na mapigilan na pumagitna sa dalawa.

"No means no! Kapag sinabi niyang ayaw, wala ka nang karapatan para magpumilit pa!" saway ni Anya.

"Sino ka namang boring na babae at mukhang matandang dalaga huh?" tanong ng lalaki. "Baka gusto mong ikaw na lang ang pagtrip-an ko kaysa rito sa chicks ko?"

Binaling ni Anya ang tingin sa babae bilang pagbibigay hudyat niya na paalisin ito. Unti-unti namang tumalima ang babae.

"Sige. Ako na lang ang pagtrip-an mo pero inumin mo muna ang drinks na gusto mong ipainom sa kanya!" matapang na hamon ni Anya.

Hindi siya sinunod ng lalaki kaya pinilit niya na ingudngod na lang ang baso na may inumin sa bibig ng lalaki.

Mabilis ang mga sumunod na pangyayari, muntik na siyang suntukin ng lalaki sa KTV resto, mabuti na lang at may security guard na lumapit para umawat sa kanila.

***

Wala pa rin si Anya sa designated room nito at napansin ni Gelo na late na rin ng gabi. Baka may nangyari nang masama kay Anya. Ipinagkibit-balikat niya ang mga isiping iyon. Dapat nga wala muna siyang pakialam kay Anya dahil minsan, hindi niya matantsa ang demeanor nito at parang gano'n din ito kahit kaswal na silang nakapag-usap. Sa halip, nagsimula siyang tumawag sa fast food delivery services ngunit sa kasamaang palad, wala siyang nakuhang response. Sinubukan niya ang higit sa tatlong iba't ibang fast food at restaurant ngunit wala pa ring tumanggap sa kanyang tawag. Hindi niya alam kung bakit mahirap maabot ang mga ito. Pero bigla niyang na-realize na baka dahil nga nasa probinsya siya at dahil madama ang panahon; iyon ang mga posibleng dahilan kung bakit nagtatagal ang mga fast food sa pagtanggap ng mga order ng tawag sa telepono. Impatient na siya sa paghihintay. Wala na siyang option pagkatapos nito. Bigla niyang naisip na dahil pinagluto siya ni Anya ng sopas, mas mabuting kumain na lang kaysa magutom bago matulog. Wala siyang choice kahit ayaw niyang gawin ang kanyang huling paraan.

Buti na lang umalis na Anya. In fairness to her, umalis naman siya sa kusina ng walang gulo. Malinis na ang lahat ng pinggan at walang bakas ng hindi kanais-nais na amoy ng sibuyas at iba pang pampalasa. Organized naman pala si Anya kahit papaano. Binuksan niya ang kalderong naglalaman ng ipinagluto ni Anya. Mainit pa ito, sapat na para masunog ang kanyang dila ngunit hindi napigilan ng kanyang gutom na matikman iyon. Natuwa siya sa unang lasa.

"Paano siya nakakapagluto ng ganitong klase ng sopas? Anong uri ng mga sangkap ang ginamit niya upang maging malasa ito?" Ngumiti siya at nagpatuloy sa pagkain para ngayong gabi.

So far, satisfied talaga siya sa lasa nito. Natigilan lang siya sa pagkain nang biglang mag-ring ang kanyang cellphone.

"Shantel? Bakit ka napatawag?" panimula ni Gelo.

"Si Anya, nasa police station daw!"

"Huh! Paanong nangyari 'yon?"

"Nakipag-away sa lalaki! Ah basta. Puntahan mo muna, please?"

Hello, Gelo! (A BGYO Fanfiction) [FINISHED]Where stories live. Discover now