21

12 1 4
                                    

Anya: Shantel, maraming salamat sa support at sa pagtanggap ng mga plano ko. Hindi ko akalaing makakahanap ako ng kaibigan na katulad mo.

Shantel: Walang anuman, Anya. Alam mo naman na nandito ako para sa iyo. Aasahan kita sa boutique ko. Anyway, ano pa ba ang iba mong balak na gawin?

Anya: Inisip ko, kailangan kong magsimula sa pag-aaral ng iba't ibang skills para sa mas madali kong magampanan ang trabaho ko sa boutique. Alam mo naman, undergrad ako.

Shantel: Ganyan nga, maganda 'yan! May mga kakilala ako sa ibang boutiques, baka makatulong ako sa'yo para makahanap ka ng opportunity. Pero naisip ko, mas hassle 'yon sa'yo. Let your experience become your teacher na lang kaya? Magpaka-assistant ka na lang sa boutique ko at 'yon na rin ang magiging training mo. Kasi, kung mag-aaral ka pa, gagastos ka pa.

Anya: Talaga? Naku, Shantel, sobrang nagpapasalamat ako. Tama ka nga. Hindi lang ako confident pero salamat sa payo mo. :D

Shantel: Huwag ka na mag-alala, Anya. Sabay tayo maghanap ng mga possibilities. At kung may mga tanong ka tungkol sa mga bagay-bagay sa boutique ko, nandito lang ako para tumulong.

Anya: Nakakataba talaga ng puso ang support mo, Shantel. Hindi ko na alam kung paano ako nagpapasalamat.

Shantel: Hindi mo na kailangang magpasalamat, Anya. Basta't masaya ako na naririto ako para sa'yo. At hindi ka nag-iisa sa mga pinagdadaanan mo. In that way, maibabangon mo rin ang toy shop mo. Tiwala lang! Fighting!

Habang nagpapatuloy ang kanilang pag-uusap, naramdaman ni Anya ang kakaibang kumpiyansa at lakas. Ang pagkakaibigan nila ni Shantel ay isa sa mga bagay na nagbibigay buhay sa kanya sa mga panahong ito ng pagbabago.

***

Sa mga sumunod na linggo, tuluyan nang na-set in motion ang mga plano ni Anya. Nagsimula siyang mag-aral ng mga bagong kasanayan sa fashion at customer service, habang nagpapalakas sa part-time job. Hindi siya nagkulang sa pagsusumikap at tiyaga, at unti-unti niyang natutupad ang kanyang mga pangarap. Aminado siya na mahirap mag-adjust pero kinakaya naman niya iyon. Also, sa pagiging busy nga niya, nakakalimutan na rin niya na masama ang loob niya kay Gelo.

"Gelo na naman. Anya, burahin mo na siya sa isip mo!" inis niyang sermon sa sarili nang wala man lang tinig na namumutawi mula sa kanyang bibig. Minabuti niyang magpaka-busy na lang para mas marami siyang bagay na matapos.

Habang abala si Anya sa pag-aayos ng mga damit sa boutique, biglang umagaw ng pansin sa kanya ang magazine na cover ang isa sa pinakapamilyar na mukha sa kanya. Kinuha niya iyon sa estante at pinakatitigang mabuti.

"Si Gelo ba 'to? Kalerki naman si lord. Kinalalimutan ko na nga yung tao. In fairness, ang gwapo niya rito, hindi lang siya pati na rin ang ka-member niya sa BGYO," nakangiting pakli ni Anya na sa sandaling iyon, tila nakalimutan ang sama ng loob niya kay Gelo nang iwan siya nito sa White Haven resort nang walang paalam. Habang tinitingnan ni Anya ang magazine cover, napansin niyang napalapit sa kanya si Shantel na may ngiti sa mga labi kaya mabilis naman niyang binitawan ang magazine.

"Anya, napansin kong medyo masaya ka diyan sa pagtingin sa magazine. Sino ba 'yan? Parang kilala ko," panunudyo ni Shantel.

"Wala. Mga model lang, catalogue lang itong hawak ko," pagsisinungaling pa ni Anya na mas minabuting itago ang magazine sa pamamagitan ng pagtabing ng mga damit na hindi pa niya nailagay sa estante.

"Asus. Kilala kita, you're not good at lying. Aminin mo na, magazine 'yan na BGYO ang nasa cover. Kabisado ko mga gamit at babasahin ko rito kaya hindi ka na makakapag-deny," sagot pa ni Shantel.

"Sige na nga. Si Gelo kasi ang nauna kong nakita, Shantel. Mukhang napabuti na rin naman ang lahat sa kanya after noong bakasyon. Pero syempre, iniisip ko pa rin kung paano siya napahiya nang nakasama niya ako doon." May hindi maikakailang frustration sa boses ni Anya. Ngunit nagawa naman niyang dayain ang sariling emosyon nang magpakita siya ng mabilis na pekeng ngiti sa harap ng kaibigan.

"Did you miss him?" maintrigang tanong ni Shantel.

"Hindi ka naman maniniwala kapag sinabi kong hindi," nakatangong sagot ni Anya saka nagpakawala ng hangin. "Medyo matagal na rin kasing hindi ko nasusundan ang mga pangyayari sa mundo niya. Kumusta kaya siya? For sure, galit siya sa'kin dahil sa nangyari sa Bataan. Nakulong pa ko no'n. Malay ko ba na idol pala siya."

"Well, itong magazine cover na 'to ay sign na maganda pa rin naman ang career niya. At tama ka, hindi lang siya kundi pati na rin ang kanyang grupo na BGYO. Balita ko, magre-release na naman daw sila ng music bago matapos ang 2022. Pasensiya ka na rin kung hindi ko nasabi ang tungkol sa tunay niyang trabaho. Ayaw niya kasi, eh. Ayoko naman na magalit din siya sa'kin. Ang laking tulong din ni Gelo sa business ko," paliwanag pa ni Shantel na halatang mapagpaumanhin ang tono.

"Ayos lang, naiintindihan ko." Mabilis na ngumiti si Anya at ibinaling sa ibang direksyon ang tingin.

"BGYO parang bagyo," natatawang dagdag ni Anya.

'At parang binagyo rin ang puso ko dahil sa existence ni Gelo,' ang mga katagang hindi niya naisatinig.

"Pero sana, magkaayos kayo ni Gelo. Kung nag-away man kayo," pakli naman ni Shantel.

"Hindi na. Ayos na lang kung hindi. Saka mas maganda pa na mag-focus na lang siya sa career niya. Saka, hindi naman big deal sa'kin na umalis siya agad sa White Haven. Alam ko naman na kung anong career ang mayro'n siya," pagkibit-balikat na dahilan ni Anya.

"Pero Anya, Gelo invited me to their group's showcase next week. Sama ka?" excited na tugon naman ni Shantel.

"Naku. Hindi na."

"Sama ka na. Please?"

Kapwa natigilan ang magkakaibigan sa narinig na tinig mula sa isang pamilyar na lalaki.

"Gelo?"

Si Shantel na ang unang pumutol ng awkwardness ng dalawa.

"Buti at napabisita ka. By the way, dito na muna nagwo-work si Anya sa boutique ko."

"Mabuti naman. Pero paano ang shop mo?" Sa wakas, nagkaroon ng dahilan si Gelo para kausapin nang kaswal si Anya. Kahit alam niyang may mali siyang nagawa rito, at least ngayon, nakapagpakita pa rin siya ng concern.

"Isinara ko muna. Hindi naman kasi malakas ang benta sa ngayon," nahihiya at kinakabahang sagot naman ni Anya. She didn't understand the way she's feeling right now. Hindi naman siya ganito noong nagkausap sila ni Gelo sa Bataan. Ngayon, parang kaunting kibot lang, parang kinakalabit ng kung ano ang puso niya. Daig pa niya ang sumalang sa isang job interview.

"Makakabawi ka rin. Hindi naman laging dehado palagi. Ikaw naman ang mananalo next time," pang-e-encourage ni Gelo.

Agad namang nagpakita si Shantel ng pagsang-ayon. "Naks, very supportive! Hindi ka naman ganyan sa'kin kung magpakita ng encouragement noon. Parang may—hmmmm..."

Pinaningkitan tuloy ni Shantel ang dalawa na halatang nahihiya sa harap ng isa't isa.

Hello, Gelo! (A BGYO Fanfiction) [FINISHED]Where stories live. Discover now