29

13 1 1
                                    

Three months later...


Patuloy ang pag-boom ng business ni Anya at mas marami nang opportunities na lumapit para mapalago iyon. Kabilang na sa mga ito ang natanggap niyang invitation sa isang toy expo na kasalukuyan niyang pinagkakaabalahan. Thanks to Shantel for her big help.

"First time ko lang talaga na ma-invite sa mga ganito tapos patuloy pa rin ang paglapit at pagbili ng mga tao rito sa booth. Ang ganda ng setup mo rito, Shantel. Tatanawin ko talaga itong utang na loob," magiliw na sambit ni Anya nang pansamantala silang makapagpahinga ni Shantel dahil kumonti nang bahagya ang mamimili sa kanilang booth. Kasalukuyan din kasi na may pinapanood ang iba na performances ng mga OPM artist na nakuhang guest sa nasabing expo. Bukod pa ro'n, may nakuha rin silang guests na Thai actor at may nag-iisa pang Western act na magpe-perform daw sa dulong bahagi ng lineup.

"Anya, tinulungan mo rin naman ako noong kailangan ko. Binabalik ko lang," nakangiting sagot naman ni Shantel saka umakbay sa kanya. "Pinasaya mo rin ang anak ko sa mga laruan na binigay mo sa kanya."

"Maliit na bagay. Anyway, sino pa ba ang magpe-perform bukod sa band na unang nakasalang sa stage? In fairness, ang ganda ng music nila. Sa tingin ko kailangan ko nang mas maging updated sa bagong kanta," pahayag naman ni Anya na nate-tempt na lumabas panandalian sa booth para panoorin ang banda na kanyang tinutukoy.

"Nakalimutan ko na 'yong name. Pero may hit song na nga sila last year. Hindi ko lang trip kasi panghugot masyado, unlike ngayon, nakakaindak na. Gusto mo ba silang panoorin? Ako nang bahala rito," suggest naman ni Shantel na walang hesitation.

"Okay ka lang ba rito? Don't worry, babalik naman ako agad," alanganing tanong naman ni Anya sa kaibigan.

"Yeah of course. Enjoy-in mo itong expo, Anya. For sure, magugustuhan mo ang flow ng lahat."

Lumawak ang ngiti ni Anya saka tinunton ang stage ng performer. Nakiindak din siya habang tumutugtog ang mga ito sa entablado. Hindi niya napigilang kumuha ng kaunting pictures at videos, para naman may pruweba na for the first time, nakapanood din siya ng live performance ng banda na hindi niya pa kilala.

Pagkatapos ng performance ng banda, sunod na tinawag sa stage ang isang ppop group. Bahagyang kinabahan si Anya dahil naalala niya ang BGYO. Nakahinga rin siya nang maluwag dahil ibang ppop group pala ang tinawag, at isa itong girl group. At hindi rin siya bumitiw sa performance ng mga ito at agad siyang naging fan.

"Sino kaya ang next performer?" bulong ni Anya sa sarili at siningit ang sarili sa unahan. Madali siyang nakakasingit dahil hindi naman siya kalakihan. Ang downside nga lang ng pangagatawan niya ay kapag may gitgitang nagaganap, madali siyang maipit.

"Narito na ang pinakahihintay ninyo. Ang isa sa popular actors ng lakorn industry at bumida na sa ilang top rated Thai action, and drama series. Please welcome, Joss Wayar!"

Napatingin si Anya sa pinagmulan ng malalakas na hiyawan, naroon pala ang fan club ng nasabing Thai actor at may mga banner pa silang hawak na nakasulat sa Thai. Nakita rin ni Anya ang pag-flash ng picture ng actor sa screen na nakapwesto sa stage at napahanga siya agad sa itsura nito.

"Gosh. Ang gwapo," komento ni Anya at dali-daling binuksan ulit ang camera ng phone.

Nag-perform si Joss ng isang Thai at English song. Pagkatapos, nagkaroon din siya ng games segment para sa fans at siya mismo ang mamimili ng iimbitahan niya sa stage. Hindi inaasahan ni Anya na siya ang unang mapipili ng aktor. Nakaramdam siya ng kilig dahil narinig niya ang malamyos nitong tinig.

"Can you join me on stage?" sabi ng aktor sa magalang na tono. Naka-off ang mic nito at nakatingin sa kanya habang nilalahad ang palad para alalayan siyang umakyat.

"Ginawa mo pang fan meeting itong event. Anyway, fans mo naman ang makikinabang," bulong ni Anya na hindi nakaabot sa pandinig ni Joss at ng ibang nanonood.

"Okay!" Saka lang niya nalakasan ang boses nang tinanggap niya ang malambot na kamay ni Joss at umakyat siya sa stage. Hindi lang naman siya ang nag-iisa, may dalawa pa na galing sa PH fan club nito na kasali sa games. Pagkatapos ng palaro, nagkaroon sila ng photo op. Hindi maiwasan ni Anya na makaramdam muli ng kilig dahil katabi niya sa larawan si Joss sa solo photo op nila.

"Thank you," sabi ng aktor. "You're so pretty."

Pumalakpak naman ang tainga ni Anya sa narinig. "Thank you."

Umaawit pa rin ang puso niya sa pagbaba ng stage. Sino ba namang hindi kikiligin kapag pinuri ng isang gwapong celebrity?

"Walang-wala ang fan service ng ppop idols sa fan service ng mga Thai actors. Grabe, convincing!" hirit pa ni Anya na excited nang ibalita kay Shantel ang sudden interaction niya sa isang Thai actor na as usual, hindi naman niya talaga kilala pero nahatak pa siya sa stage.

"Totoo talaga na kung sino pa ang hindi fan, sila pa ang mas nagkakaroon ng chance na makalapit sa isang personalidad! God gave me this prerogative. Hindi ko na 'to kasalanan," inner dialogue niya pa nang makalapit na sa booth.

Napatigil nga lang ang paglapit niya nang mapansin ang pamilyar na lalaki na kausap ni Shantel. Nakasuot ito ng hoodie jacket na nakita na niya noon.

"Gelo?"

Inipon niya muna ang lakas ng loob para magpatuloy sa paglakad palapit kay Gelo, na talagang na-miss niya. Ngunit, sa eksaktong pagtatama ng kanilang mga mata, bigla itong umiwas ng tingin at lumakad palayo.

Hello, Gelo! (A BGYO Fanfiction) [FINISHED]Where stories live. Discover now