20

10 1 3
                                    

Nang makarating si Anya sa bandang kanan ng istasyon, nagpasalamat siya sa kundoktor at naglakad patungo sa commuter bus. Medyo nahihiya siya sa sarili dahil sa naging eksena sa unang bus, kaya't sinubukan niyang ibalik ang kanyang kalmadong pag-uugali.

Sa loob ng bus, medyo marami nang pasahero kaya't inabot siya ng ilang minuto bago nakahanap ng bakanteng upuan sa gilid. Habang nakaupo, binuksan niya ang kanyang bag at kinuha ang isang maliit na notebook na laging katabi niya. Gusto niyang magsulat ng mga saloobin at nararamdaman niya, para na rin ito sa kanyang paghahanda sa kanyang inaasam na bagong trabaho pagkatapos ng tila roller coaster ride vacation niya kasama si Gelo.

Sa mga susunod na oras, masaya siyang sumulat, nakakalimutan niya pansamantalang ang mga alalahanin at pag-aalinlangan. Nang dumating sa Cubao, masaya siyang bumaba sa bus at naglakad papunta sa isang malapit na kapihan.

Matapos mag-order ng kape, inilabas niya ulit ang notebook at nagpatuloy sa pagsusulat. Habang abala siya sa pagsusulat, bigla siyang napatingin sa labas ng kapihan nang may makita siyang mukhang kakilala. Kinilabutan siya nang makitang tila si Gelo mismo ang nakatayo sa kabilang kanto, nakangiti at tila ba'y nakikipagbiruan sa mga kasamahan niya.

Kahit alam niyang hindi ito si Gelo at baka produkto lang ng kanyang malikot na imahinasyon, hindi niya mapigilang mapalunok sa kabang nakita. Kinabahan siya nang bahagya dahil sa pag-iisip na maaaring nagkakatotoo na nga ang kanyang delusyon o tinatawag ng iba na delulu phase. Ngunit kahit ganito ang nararamdaman, hindi niya muna ito sasabihin sa kahit na sino. Baka mas lalo lang siyang pagtawanan o pag-isipan na baliw na siya.

"Hay naku, Anya. Nasobrahan ka lang sa kape. Kape pa more," sermon niya sa kanyang sarili.

Nagtapos siya ng kape at nagdesisyon na rin na umuwi na. Sa kanyang pag-uwi, mas lalong tumindi ang pag-iisip niya kay Gelo. Maraming tanong ang umusbong sa kanyang isipan, at unti-unti na niyang pinag-isipan kung ano ang maaaring ibig sabihin ng lahat ng ito.

Sa kanyang kwarto, muli niyang binuksan ang notebook at muling nagtuloy sa pagsusulat. Ito ang kanyang paraan ng paglabas ng mga damdamin at pagtanggap sa kanyang mga takot. Hindi pa rin niya alam kung ano ang magiging kahihinatnan ng kanyang nararamdaman, ngunit sa ngayon, mas pinili niyang yakapin ito at subukan na maintindihan ang sarili.

"Makakalimutan ko rin siya," buntong-hininga ni Anya at pagkatapos magsulat, nag-chat na lang din kay Shantel para ipagbigay-alam na nakabalik na siya sa Maynila. Nagkaroon na rin siya ng lakas ng loob na mag-reply sa messages ng kanyang mga magulang at nakababatang kapatid na si Arturo. Hindi nga niya inaasahan ang mensahe ng mga ito.

Mama: Anya? Nasaan ka? Pumunta kami sa Bataan! Wala ka na raw sa kulungan. Nag-alala na kami anak. Pls. Reply.

Arturo: Ate? Nabalitaan namin yung nangyari. Nasaan ka na ba? Kung may problema ka sana kami muna ang sinabihan mo. Huwag ka nang magtampo sa amin, please ate.

Napapikit ang mga mata ni Anya saka muling huminga nang malalim. Nang mabasa ni Anya ang mga mensahe ng kanyang mga magulang at kapatid, nadama niya ang pag-aalala at pagkabalisa nila sa kanya. Marahil ay mas nasaktan sila sa pag-alis niya nang hindi nagpapaalam at hindi sinasabi kung saan siya naroroon.

Naramdaman ni Anya ang pagsisisi sa kanyang naging desisyon kahit alam naman niya sa kanyang sarili na wala siyang financial capacity na kumilos nang naaayon lang sa kanyang kagustuhan. Bagamat may pinanggalingan ang pag-aatubili niya, naisip niya na sana'y sinabi niya muna sa kanila ang talagang problema niya hanggang ngayon at sana'y inamin na lang niya sa kanyang sarili na may kailangan na rin niya ng tulong.

Taimtim siyang nag-isip kung paano magiging tapat at maayos ang kanyang mga salita sa pagtugon sa kanilang mga mensahe. Sa wakas, nagsimulang mag-type si Anya:

Anya: Mama, Arturo, pasensya na po kung biglaan akong nawala at wala pong paalam. Kinailangan ko po ng oras para mahanap ang sarili ko. Nasa Maynila na po ako ngayon at okay naman po ako. Hindi ko po intensyon na mag-alala kayo, at patawad po kung nasaktan ko kayo. Mahal na mahal ko kayo, at mahalaga kayong lahat sa akin. Pero may mga bagay po akong kinakaharap at kailangan kong malaman kung ano talaga ang nararamdaman ko. Sana po ay maintindihan ninyo. Pasensya na po ulit.

Nang ipadala niya ang mensahe, hindi siya sigurado kung mare-receive iyon ng kanyang mga magulang at kapatid. Ngunit alam niya na kailangan niyang maging tapat sa kanila at maging handa sa anumang reaksyon na makukuha niya mula sa kanila. Inilagay niya ang cellphone sa tabi at nagpasalamat na lang sa Diyos na nakaalis siya ng Bataan nang hindi sila natagpuan ng mga ito. Ngunit sa kabila ng takot at pag-aalala, alam niya na hindi niya dapat iwasan ang mga ito.

Habang hinihintay niya ang posibleng mga tugon, nag-isip si Anya kung ano ang susunod na hakbang sa kanyang buhay. Gusto niyang harapin ang kanyang mga takot at alamin kung paano niya malalampasan ang paghanga niya kay Gelo nang hindi ito nakakaapekto sa kanyang pagkatao at mga responsibilidad.

Habang nag-aabang ng reply, sinimulan na niyang isulat ang mga bagong pangarap at mga plano para sa kanyang sarili. Iniisip niya na ito ang tamang pagkakataon para mag-focus sa sarili at sa mga bagay na talagang nagpapasaya sa kanya.

Kahit na hindi pa lubos na malinaw sa kanya kung ano ang hinaharap, mas pinili ni Anya na maging bukas sa pagbabago at personal growth niya. Sa bawat araw na darating, nais niyang maging mas matapang at mas malakas sa pagharap sa mga pagsubok na naghihintay sa kanya. At ang unang step? Humingi ng tulong kay Shantel bilang kaibigan. Kailangan na niyang i-give up pansamantala ang toy shop at magbakasakaling may mahanap na part time sa boutique nito. Sana lang ay hindi siya mabigo. 

Hello, Gelo! (A BGYO Fanfiction) [FINISHED]Where stories live. Discover now