27

21 1 11
                                    

Matapos basahin ni Gelo ang journal na may naglalaman ng damdamin mula kay Anya, kusa na lang siyang napangiti dahil hindi niya inakala na may ganitong pagtingin si Anya sa kanya. Tumambad sa kanyang mga mata ang mga salitang puno ng pag-asa at pag-ibig mula kay Anya, at hindi niya matitinag ang kiliti sa kanyang puso.

Nagdesisyon si Gelo na hindi na niya pwedeng balewalain ang nararamdaman niya. Matapos niyang tapusin ang pagbabasa ng journal, isinilip niya ang camera ng kanyang phone at nagsimulang mag-record ng video message para kay Anya.

"Hello, Anya. Maraming salamat sa journal na ito. Sa totoo lang, natuwa ako at nagulat sa mga nabasa ko. Hindi ko akalain na gusto mo rin pala ako. I want you to know that I appreciate our friendship, and I'm glad to have you as part of my life, kahit noong una oo aaminin ko na hindi talaga maganda ang impression ko sa'yo. But after ng vacation natin sa Bataan, I finally felt a special connection with you, and reading your words has made me realize that there's something deeper here. Hindi rin pala matitinag ang nararamdaman ko."

Tumigil si Gelo sandali at ngumiti.

"Sana hindi ito maging sagabal sa ating mga buhay, at sana magkaroon tayo ng pagkakataon na mas makilala pa ang isa't isa. At nararamdaman ko na ito ang tamang oras na sabihin sa'yo na, gusto na rin kita, Anya. Happy holidays, good luck sa Playful Dreams at naniniwala ako na lalago pa ang business mo. Fighting!"

Matapos niyang matapos ang mensahe, ibinaba ni Gelo ang phone at inilapag ito sa mesa. Ramdam niya ang kaba at excitement sa kanyang puso kahit hindi pa niya ipinapadala kay Anya ang message niya. Napapitlag na lang siya nang tumunog ang kanyang phone. It's their manager calling.

"Baka urgent ito. Gabing gabi na, ah."

Huminga nang malalim si Gelo bago sagutin ang tawag. Matapos marinig ang sermon ng kanyang manager, nagkaroon na siya ng hesitation kung itutuloy pa ba niya ang pag-amin kay Anya.

***

Hello 2023

January 4, 2023

Hindi magkamayaw ang customers ni Anya sa Playful Dreams kahit natapos na ang Pasko at Bagong Taon. Bumalik siya sa pag-aayos ng mga laruan at hindi pa rin matibag ang nararamdaman niyang kasiyahan dahil naka-witness na naman ng mataas na demand sa kanyang negosyo. Ngunit sa kabila ng kasiyahan sa tagumpay nito, may kahalong lungkot din sa kanyang puso. Hindi niya alam kung paano lalabas ang kanyang nararamdaman kay Gelo pagkatapos ng kanyang heartfelt video message.

Kasabay ng pag-assist sa mga customers, natanggap ni Anya ang isang message notification mula kay Gelo. Tumibok ang kanyang puso sa sobrang kaba at excitement.

Text Message from Gelo:

*Hi Anya! Happy Holidays nga pala! Congrats! By the way, may message ako sa'yo. Medyo mahaba, pero gusto ko sana sabihin in person. Pwedeng mag-meet tayo mamaya sa coffee shop? Let me know. 😊*

Nang makita ni Anya ang mensahe, nag-alsa ang kanyang kalooban. Hindi niya alam kung paano niya haharapin si Gelo. Mabilis niyang iniisip ang mga pwedeng mangyari, mula sa posibleng pag-reject ni Gelo sa confession na ipinabatid niya mula sa journal.

Hindi nagtagal, nag-reply din si Anya.

*Hi Gelo! Salamat sa lahat. Sure, magkita tayo mamaya. I'm free after mag-close ng Playful Dreams. Anong oras sayo ang okay?*

Sa kabilang banda, sa pagtanggap ng reply ni Anya, naging kalmado si Gelo. Ngunit sa kabila ng ganoong pakiramdam, naroon pa rin ang kaba sa kanyang puso. Hindi niya alam kung anong sasabihin niya kay Anya. Kaya't habang naghihintay, nagdesisyon siyang magdala ng bouquet ng bulaklak at chocolates.

Sa takdang oras, nagkita sina Gelo at Anya sa isang cozy na coffee shop malapit sa Playful Dreams. Pansin ni Anya na tila naka-disguise attire si Gelo dahil nakasuot ito ng shades at cap.

"Hi Anya," bati ni Gelo na may ngiti sa labi. "Congrats ulit sa success ng Playful Dreams!"

Nakangiti ring sumagot si Anya, "Salamat, Gelo! Ang bilis ng pangyayari, no? Sobrang saya ko. Kumusta ang Pasko mo at New Year?"

Hindi agad sumagot si Gelo. Sa halip, isang makahulugang ngiti ang pinakita niya bago niya ilapag ang mga bulaklak at tsokolate sa mesa.

"Para sa'yo," nahihiyang sambit ni Gelo, "Alam ko sobrang busy mo na, para lang itong maliit na paalala na huwag mong kalimutan ang sarili mo sa kabila ng success ng Playful Dreams. And isipin mo na lang na symbolism 'yan ng friendship natin."

Tumango si Anya nang may ngiti na halatang alanganin. Sa wari niya, hindi friendship ang sinisimbolo ng mga bulaklak at tsokolate. Obviously, he's already hinting at something romantic!

"Salamat, Gelo." Despite being hesitant, kinuha pa rin ni Anya ang regalo ni Gelo. Naisip na niya na nabasa na yata nito ang confession niya sa journal.

"Anya, gusto ko sanang sabihin sa'yo na..."

Biglang umeksena ang waiter ng coffee shop.

"Hi ma'am and sir, may promo kami ngayon. Narito po sa menu," graceful na pagkakasabi ng umeksenang waiter. Parehong natawa sina Anya at Gelo nang abutin ang menu at saka lang umalis ang waiter sa harapan nila na tila kinikilig sa kanilang tagpo.

Gelo acted normal, as if hindi talaga siya magko-confess. Nagkunwari na lang siya Anya na pumili ng kanilang order. Hindi alintana ni Gelo ang kaharapang pag-uusap at nagpatuloy.

"So, final na 'tong order mo? Pupunta lang ako sa counter," pakli ni Anya na tila nagmamadali dahil alam na niyang may gustong sabihin sa kanya si Gelo. Whether if it's good or bad, kinakabahan pa rin siya.

"Waiters can wait. Kaya nga sila waiter, hindi ba?" pabirong hirit naman ni Gelo upang pigilan si Anya sa pag-alis nito.

"Hindi ko akalain na may corny side ka rin pala," komento naman ni Anya. "Kung may sasabihin ka, sabihin mo na. Nagugutom na kasi ako. Hindi pa ako nag-dinner o meryenda man lang dahil sa sobrang kabusy-han."

"Anya, gusto ko sanang sabihin sa'yo na... gusto ko rin kita. Hindi ko alam kung paano magsisimula pero gusto ko sanang subukan. Gusto ko lang malaman mo na andito lang ako para sa'yo, kahit saang sitwasyon. Alam ko na sa career differences natin, malabong ma-focus natin ang isa't isa sa pagkakaroon ng official relationship. Pero gusto ko lang ipaalam sa'yo na pareho tayo ng feelings."

Nanatiling tahimik si Anya, ngunit kita sa kanyang mga mata ang halong tuwa at kaba dahil sa isiniwalat ni Gelo, na gusto naman niya talagang marinig.

"Salamat, Gelo," sagot ni Anya ng may ngiti, "Ako rin, gusto rin kita. Natutuwa ako at sinabi mo ito. Lahat ng inamin ko sa journal, galing pa 'yon sa puso ko."

Sa loob ng coffee shop, nagsimula ang kanilang masusing pag-uusap tungkol sa kanilang nararamdaman at ang mas malalim na koneksyon sa pagitan nila kahit na 'it's complicated' ang peg ng career situation ni Gelo sa ngayon. Ang mahalaga para sa kanya, masabi niya ang totoo niyang nararamdaman, before it gets too late.

Ngunit sa kalagitnaan ng moment nilang dalawa, napansin ni Anya na may nagmamasid sa kanila ni Gelo at pasikreto silang kinukuhaan ng pictures.

"Gelo," pabulong na banggit niya sa pangalan ng binata.

"Bakit?"

"Parang may sumusunod sa'yo," kabadong sagot ni Anya.

Nang marinig ni Gelo ang sinabi ni Anya, bigla niyang binawi rito ang bulaklak at inilapag sa bakanteng upuan, to which only made Anya shocked in disbelief. Hindi naman gano'n katanga si Anya para hindi ma-gets ang pagbawi ni Gelo ng mga binigay nitong may romantic symbolism. Sa isang iglap, parang nakaramdam siya ng kirot sa puso.

"Itinatago ni Gelo ang private life niya at parang may gusto silang malaman. Hindi siguro makakatulong sa career niya kapag may girlfriend siyang mari-reveal. Para saan pa kung magle-level up kami?"

Pumagitna ang katahimikan sa kanilang dalawa pero sinikap ni Gelo na i-cheer up si Anya sa sandaling iyon.

Hello, Gelo! (A BGYO Fanfiction) [FINISHED]Onde histórias criam vida. Descubra agora