9

12 1 1
                                    

Habang si Anya, nakatingin pa rin sa kisame ng kanyang kwarto. Hindi siya nabusog sa isang cup noodles. Pinagsisihan niya ang pagtanggi sa alok ni Gelo kanina. Pero, anong magagawa niya? Hindi siya mapakali kapag malapit sa kanya ang binata, gano'n din kung distant ito. Hindi niya maintindihan kung paanong sa isang iglap, sinalakay ng presensiya ni Gelo ang isip at puso niya. At alam niyang hindi dahilan ang kagwapuhan nito. Pinagsawa niya ang sarili na mag-isip ng kung anu-ano hangga't sa tumunog na lang ang phone niya na nakasagap na pala ng signal.

SHANTEL: Anya, bakit hindi ka nag-update na nakarating na kayo ni Gelo sa resort?

ANYA: Sorry, ngayon lang nakasagap ng signal itong phone ko, eh.

SHANTEL: Ah, gano'n pala. Nag-message na rin naman sa akin si Gelo. Nag-update na rin siya na nakarating na kayo dyan. Kumusta ang panahon dyan?

ANYA: Mainit haha. Perfect na perfect for summer buti nga hindi umulan. Eh dyan sa Manila?

SHANTEL: Super duper init. Haha, kumusta? Okay ba si Gelo?

ANYA: Medyo masungit or baka introvert gaya ko. Nahihiya akong makipag-usap. Pero kanina niyaya naman niya ako na kumain. Kaso, tinanggihan ko.

SHANTEL: Nubayan. Bakit naman? Naiilang ka ba? Mabait naman 'yon.

ANYA: Alam mo namang wala akong mga kaibigang lalaki.

SHANTEL: Meron kaya. Eh ano pala 'yon si Radson? Yiee

ANYA: Luh siya. Colleague ko lang 'yon dati saka nag-aalok sa'kin na mag-try ng ibang business. Intrigera ka. Sige, matutulog na ako. Bukas na ako gagala rito sa Bataan.

SHANTEL: Okay goodnight hihi.

Napangiwi si Anya nang ibalik sa mesa ang phone ngunit bigla naman niyang naalala na may kailangan pa pala siyang ma-contact na supplier sa shop at nakita rin niyang nag-pm ito sa page niya. Kailangan pa niya itong tawagan.

"Kailangan ko ng stable na signal. Sana may Wifi dito. Hirap pala ng signal dito," pagmamaktol niya at lumabas ng nirentahang silid. Naghanap siya ng pwesto kung saan makakasagap siya ng mas malakas na signal.

"Woah! Dito lang pala sa balkonahe." Napabuga ng hangin si Anya at sa 'di kalayuan, natanaw niya na naroon pala sa bandang dalampasigan si Gelo na malayang nakatanaw sa bawat alon ng dagat. Hindi mapigilan ni Anya na i-ignore na lang ang kanyang natatanaw.

Nakatayo ang matangkad at kaakit-akit na lalaking tila nagniningning sa dilim ng paligid. Ang kanyang mga mata ay pinagmamasdan ang mga alon na humahampas sa dalampasigan. Ang kanyang tuwid na itim na buhok ay marahang ginulo ng simoy ng hangin, na nagbibigay sa kanya nang may komportableng mood. Nakasuot siya ng khaki shorts at plain white t-shirt, na lalong nagpa-emphasize ng kanyang kagwapuhan. Habang nakatayo siya roon, tinitingnan ang nakamamanghang tanawin ng karagatan, masasabi ng sinumang nakamasid na ganap siyang payapa sa kanyang sarili at sa mundo sa paligid niya.

Anya, on the other hand, could not help but savor the sight of the young man in the distance.

Gelo gave off the impression of being the kind of person who always had things under control, but he was also warm and approachable. Gelo remained there, gazing at the waves, and Anya wondered what he was contemplating. He might have been reflecting on life or just taking in the simple pleasures of nature. She smiled, realizing how amazing Gelo is just by simply existing.

"Hindi ko maiwasang maramdaman ang calmness na hinahanap ko habang pinagmamasdan ko siya. Nagpapasalamat ako na masaksihan ang magandang sandali na ito. Umaasa ako na saan man siya susunod na magpunta, patuloy niyang ipadama ang positibong enerhiyang ito at bigyan ng inspirasyon ang ibang tao, katulad ko..."

Anya was taken aback when Gelo unexpectedly glanced back at her while she stood on the balcony. It seemed that Gelo noticed Anya staring at him.

Hello, Gelo! (A BGYO Fanfiction) [FINISHED]Where stories live. Discover now