15

10 1 1
                                    

Bumalik din naman si Gelo pagkatapos niyang subukin na ayusin ang gusot sa panig ng nakaalitan ni Anya sa KTV. Naabutan din niya na ini-interrogate pa rin si Anya ng pulis na sa in-charge sa desk na kinaroroonan nito.

"Nakita kong may inilagay sa basong may inumin ang lalaki tapos pinipilit niyang painumin ang babaeng kaka-meet pa lang niya sa KTV bar," mahinahong giit ni Anya at sinasalubong ang masamang tingin ng lalaking nakaalitan niya.

"Kung may pruweba ka, ilabas mo!" hamon sa kanya ng lalaki.

"Oo nga naman, may video ka ba na pwedeng magsuporta sa statement mo? Kasi miss, ang ganitong verbal accusations, hindi ito considered as evidence. Kumbaga, mananatili lang na haka-haka ang mga ito," pahayag naman ng police officer.

"Nakita ko siya! At natatakot talaga ang babaeng 'yon sa kanya! Talagang pinilit niya!" Halos maglupasay na si Anya para lang paniwalaan siya ng mga tao sa kanyang paligid.

Nakatunghay lang sa mga pangyayari si Gelo, at iyon ang bagay na hindi na rin niya dapat ipagtaka dahil una nang inamin ni Anya na mahilig siyang mangialam lalo na kapag hindi niya kayang tiisin na manood lamang.

"Iyong babae, kailangan ko siyang mahanap. Siya lang ang makakapagpatunay na talagang balak siyang bastusin ng lalaking pangit na ito!" sigaw ni Anya.

Sa pagkakataong iyon, nagpakita na si Gelo. Nagitla si Anya at nag-iwas kaagad ng tingin. Kapansin-pansin kasi na nakakapangilabot ang tingin sa kanya ng binata. Parang anumang oras ay kakainin siya nang buhay. Hindi niya ito masisi. Nakaabala pa rin siya sa binata dahil sa nangyayari ngayon. Isa man itong kahihiyan, pero walang pagsisising naramdaman si Anya. Bahala na kung anong isipin sa kanya ni Gelo kung tuluyan siyang makukulong—ang mahalaga, tumupad naman ito sa pangako na babalikan siya nito.

"Miss, bakit hindi na lang kayo makipag-areglo sa lalaki? Baka misunderstanding lang po ito," rekomenda ng officer na ikinapantig ng tainga ni Anya.

"Huh? Are you just letting this pass? Akala ko ba panig kayo ng—"

"Tama si chief. Makipagkasundo ka na lang, hindi rin naman tama na inakusahan mo ang lalaki nang wala kang solidong ebidensya. Unfair 'yon sa part niya."

Mas lalong sumidhi ang inis ni Anya dahil sa panggagatong ni Gelo. Pero sa kabilang banda, batid niya ang gusto nitong iparating. Ngunit, alam niya sa kanyang sarili na walang nangyaring misunderstanding. Talagang may balak ang lalaking nakaaway niya sa babaeng kakilala nito.

"Siya ang mag-sorry sa'kin. Dahil halos basagin na niya sa bibig ko ang baso kanina nang ipilit niyang ipainom ang alak," sabi pa ng lalaki.

"Kung lason man 'yong nakalagay sa inumin na 'yon, sana napagtagumpayan kong ipainom sa'yo para tuluyan sanang bumula ang bibig mo!" gigil na pahayag ni Anya at balak pang sunggaban ang lalaki. Mabuti na lang at nagapi siya ni Gelo.

"Pasensya na po sa asal nitong kaibigan ko. May problema lang siyang iniinda. It's something personal." Napilitan tuloy na magsinungaling si Gelo; at hindi nagustuhan ni Anya ang kasinungalingang iyon.

Sa kasalukuyang sitwasyon, naramdaman ni Anya ang bigat ng mga salitang sinabi ni Gelo. Hindi niya alam kung bakit ito nagkukunwaring may personal na suliranin at nagsisinungaling para sa kanya. Lumalalim ang kawalan niya ng tiwala sa kanya.

"Nagkakamali ka, Gelo. Hindi ko maintindihan kung bakit mo kailangang magsinungaling para sa akin," sabi ni Anya, may halong pagsisisi sa boses niya. "Kailangan kong harapin ang katotohanan at ipaglaban ang sarili ko, kahit anuman ang kahihinatnan nito."

"Madam. With all due respect, lahat ng mga sasabihin mo, pwedeng magamit laban sa'yo. Kaya ganito na lang, siguro kailangan mo nang kumalap ng ebidensya sa tulong naman itong kaibigan mo." Sa wakas, namagitan na ang pulis para humupa man lang ang tensyon.

"Kailangan mong mag-ingat sa mga sinasabi mo dahil mas mapatatagal ka pa rito kung matigas ang ulo mo. Okay?" sikmat naman ni Gelo na tinaasan ng kilay si Anya nang magtama ang kanilang paningin.

Hello, Gelo! (A BGYO Fanfiction) [FINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon