23

13 1 7
                                    

Nabigla si Anya nang makita si Gelo sa kanyang toy shop nang dis oras ng gabi, lalo na't naririnig ang kanta ng grupo nito sa background. Naghalo ang kanyang pagkahiya at hindi na magkandaugaga dala ng pagkabigla sa pangyayari. Binilisan niya ang pagpindot sa pause button ng speaker at sinubukang ibalik ang kanyang kumpiyansa na harapin ang kanyang unexpected visitor.

"Uh, hello ulit," bati ni Anya na medyo kabado ang boses. "Napadaan ka? Paano mo 'to nalaman? Dahil ba kay Shantel?"

Ngumiti nang malumanay si Gelo at ipinaliwanag, "Narinig ko kasi mula sa kanya na bukas na ulit ang tindahan mo, at naisipan kong bisitahin ka para malaman kung kumusta ka na. Nabanggit nga pala niya na nag-upgrade ka na ng ticket sa showcase concert namin, when in fact, you don't have to do that. Libre ko naman iyon at bokal sa loob ko."

"Hindi ko mafi-feel ang tunay na meaning ng supportive fan kung hindi ako bibili ng ticket," paglilinaw naman ni Anya at ibinaling niya ang tingin sa paper bag na hawak ni Gelo, na naglalaman ng pagkain galing sa isang fast food. Saka lang niya naalala na nag-order nga pala siya sa food delivery app ng makakain at baka kanina pa siya hinihintay ng rider sa labas. Maaaring hindi niya lang napagtuunan ng pansin dahil masaya pa siya sa moment na na-achieve ng kanyang negosyo.

"Wait lang huh! May order nga pala ako," nagmamadaling pakli ni Anya ngunit mabilis naman siyang nahawakan ni Gelo sa kanyang braso, sa banayad namang paraan.

"Anya." Kasabay ng pagbigkas ni Gelo sa kanyang pangalan, ay ang pagtapon din nito sa kanya ng seryosong tingin at parang nakaramdam si Anya ng 'di maipaliwanag na thrill sa sandaling iyon. They are close with each other. Ramdam nila na kaunti lang ang agwat ng kanilang mga mukha ngunit wala man lang sa kanila ang maglakas-loob na dumistansya. Dahil kung isa man sa kanila ang lumayo, tila hindi nila kakayanin ang outcome ng pagtago nila ng kanilang damdamin sa isa't isa. Stepping backwards also meant of allowing their feelings being caged.

"Ang lakas ng heartbeat mo," pabulong na sambit ni Gelo at siya na nga ang dumistansya nang kaunti.

"Paano mo narinig 'yon?" nahihiyang tanong ni Anya saka umiwas ng tingin.

"Of course. Tahimik na ang gabi, naka-pause na rin ang kanta ng grupo namin," may halong pambubuyo na sagot naman ni Gelo. "Hindi mo na kailangang lumabas pa. Ako na ang nag-receive ng order mo, ako na rin ang nagbayad."

"Awts. Ibig sabihin, nadagdagan na naman ang utang ko sa'yo?" Pumalatak si Anya at apologetic na ngumiti. "Magkano na ba? Magkakaroon na ba ako ng demand letter kung hindi ko mababayaran kaagad? Anyway, may pambayad naman ako sa in-order ko. Tanggapin mo na."

"Hindi na. I-save mo na lang 'yan pambili ng comeback album namin," mungkahi naman ni Gelo at muling ibinaling ang tingin sa pagkain na nakabalot pa sa paper bag. "Anyway, kumain ka na. Pansin ko rin na may natira pang cup noodles sa table mo. Hindi rin maganda sa health ang pagkain ng ganyan. Pero nauunawaan ko na sa pagiging busy mo, wala na na ring time na magluto."

"Sige. Salamat sa paalala. Kakain lang din ako ng in-order ko kapag makiki-share ka sa akin. Ikaw naman ang nagbayad, eh. In ka ba sa mga ganitong pagkain? Or baka nay strict diet kayo? Just tell me, para sa susunod, alam ko na," masayang pakli ni Anya at siya na rin ang naghain at naglapat ng mga pagkain nang maayos sa mesa.

"Ibig sabihin, paghahandaan mo na ang susunod na pagkakataon na kakain tayo ng dinner na tayong dalawa lang?"

Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Anya sa tanong ni Gelo.

'Wow. Bakit parang may meaning 'yong tanong? Bakit enough na para magpakilig?'

Saglit siyang natahimik at bumawi ng ngiti. "Concerned lang ako sa health ninyong mga idol. Saka gano'n naman talaga kapag artist, hindi lang mukha at boses ang inaalagaan, 'yong kalusugan din at figure."

Hello, Gelo! (A BGYO Fanfiction) [FINISHED]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant