25

12 1 2
                                    

"Hala? Ano kaya ang ibig niyang sabihin nang sinabi niyang 'Ako rin' sa reply niya?"

Matagal nang tinitigan ni Anya ang screen ng kanyang telepono matapos sumagot si Gelo sa kanyang post sa Instagram. Hindi niya maiwasang mag-isip at mag-assume tungkol sa kahulugan ng mensahe nito. Sa dalawang posibleng kahulugan lang siya nakatingin – baka ito'y simpleng pasasalamat lamang o kaya naman ay nagpapahiwatig na rin ng damdamin nito sa kanya.

Gustong-gusto niyang mag-reply, subalit alam niyang hindi iyon ang tamang hakbang. Ayaw niyang magmukhang umaasa, lalo na't alam niyang sobrang abala ni Gelo sa kanyang propesyon, at malayo pa sa kanyang mundo. Gayunpaman, hindi niya mapigilan ang sarili na mag-isip ukol dito.

Palagi niyang iniisip kung paano ito nagiging tanda o indikasyon ng mga nararamdaman ni Gelo. Ito'y isang maikling pahayag, ngunit puno ito ng kahulugan. Hindi rin niya alam kung paano i-i-interpret ang mga salitang iyon. Sa huli, iniwan niyang walang reply at nagpatuloy sa kanyang mga gawain.

Sa mga sumunod na araw, paulit-ulit niyang inalala ang "Ako rin" na sagot ni Gelo. Hindi niya mapigilan ang puso niyang mag-alab sa tuwing iisipin ito. Subalit sa kabila ng mga tanong, hindi niya ito tinanong o ineksplika kay Gelo. Iniwan niyang misteryo ang mga salitang iyon, nangangarap na isang araw ay malalaman niya ang tunay na kahulugan nito.


Few weeks later, before Christmas...

Mas lalong lumalim ang pag-iisip ni Anya tungkol sa kanyang nararamdaman kay Gelo at sa mga susunod na hakbang na kailangang gawin. Hindi niya maiwasang ma-overthink ang mga bagay, pero sa kabila ng lahat, natutunan niyang maging bukas sa mga posibilidad ng pag-level up ng friendship nila ni Gelo. It was the first time she felt an unfamiliar rush of excitement for a guy. It was also the first time she would confess, thinking that there was nothing to lose, she told herself.

Kaya nagdesisyon si Anya na isulat ang kanyang mga damdamin sa isang journal. Binanggit niya roon ang mga bagay na natutunan niya sa concert at kung paano ito nagbigay-liwanag sa kanyang nararamdaman. Isinulat niya rin ang mga pangarap niya para sa sarili at kung paano ang pagiging fan girl niya ay naging bahagi na ng kanyang buhay. To be specific, ang kakaibang excitement ng pagiging fan ni Gelo at ng grupo nito.

Habang binabasa niya ang kanyang mga sinusulat, napagtanto ni Anya na ang pagiging totoo sa sarili at pagtanggap sa kanyang mga damdamin ay mahalagang hakbang. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon ni Gelo, ngunit ang mahalaga ay ipinahayag niya ang kanyang nararamdaman. Kaya lang, hindi pa niya alam kung paano ito ipapadala sa binata, pero nasa option na niya na gawin na lamang na regalo ang journal para sa Pasko. O kaya naman, ipadadala na lang niya kay Shantel.

"Anya, may good news ako! May fan meet ang BGYO sa darating na buwan, at may mga free tickets ako. Gusto mo bang sumama?"

Ang ganda nga naman ng timing ni Shantel, naiisip pa lamang niya na i-message ito, nauna pa pala itong mag-message sa kanya.

Napangiti si Anya sa mensaheng iyon. Isa itong pagkakataon para mas makilala pa niya ang BGYO, and just maybe, magkaroon siya ng pagkakataon na makausap ulit si Gelo.

Sa huli, nag-reply siya kay Shantel, "Oo, Shantel, sobrang gusto kong sumama! Salamat sa invitation! Kaso wala pa yata ito sa announcement at schedule lists nila? Legit ba 'to?"

"Oo. Hindi pa talaga ilalabas 'yong sched, pero sinabihan na ako ni Gelo," tugon naman ni Shantel.

"Aw, ikaw na naman ang una niyang sinabihan kahit mutuals na kami sa IG," tila nagtatampong reply naman ni Anya.

"Selos yarn?" May kalakip na laughing emoji sa mensahe ni Shantel. "Hindi na siya nagbubukas ng private IG for a while."

"Of course not, wala akong right na magselos, noh," mariing depensa ni Anya na hanggang ngayon, tila kumikirot ang puso habang nagre-reply. Wala naman silang label ni Gelo, pero bakit ganito ang nararamdaman niya?

"'Di kami talo no'n dati pa kaya hindi nga naging kami. Hindi kami bagay. Saka may asawa na ko, kahit LDR kami okay naman kami. 'Wag na selos," reply pa ni Shantel.

Hindi pa man tiyak ang hinaharap, mas naging handa si Anya na yakapin ang mga pagkakataon na magdadala sa kanya sa mas malalim na koneksyon sa mundo ng musika at sa kanyang puso.

Habang lumalapit ang araw ng event, nagbigay ng karagdagang impormasyon si Shantel. Ipinakita niya kung paano sila makakapanood ng BGYO nang personal, kung paano makapagbibigay ng gifts at makakakuha pa ng autograph. Hindi mapigilan ang takbo ng puso ni Anya sa ideya ng posibleng one-on-one na usapan kay Gelo. Sana.

Fanmeet day!

Nagkita sina Anya at Shantel, pareho silang may suot na BGYO merchandise at puno ng kasiyahan. Puno ng fans ang lugar na lahat ay puno ng energy at excitement.

Hindi napigilan ni Anya na mag-ikot ang kanyang mga mata, naghahanap ng mga kakilala. Hindi nagtagal, natagpuan niya si Gelo sa entablado, kasama ang iba pang miyembro ng BGYO na nagre-rehearse at naghihanda para sa event.

Kumabog ang puso ni Anya habang siya'y nanonood. Nakita na niya si Gelo sa entablado dati, pero ngayon ay may kakaibang pakiramdam. Mayroon siyang sekreto na nais niyang ibahagi dito.

Sa buong takbo ng fan meet, may mga group interactions, games, and performances. Hindi mapigilan ni Anya na hindi mapansin ang karisma at talento ni Gelo sa entablado. He is just standing there right now, but he is as stunning and illuminating as if he is the only person on the stage. Hindi magkamayaw ang hiyawan at paghanga ng mga tao, ngunit ang tibok ng puso ni Anya ay may sariling awit na sumasabay sa kanyang pag-indak sa musika.

Habang papalapit na ang pagtatapos ng event, siniko siya ni Shantel at inusisa, "Ngayon na ang chance mo. Mayro'n silang maikliang Q&A session sa mga fans. Baka gusto mong magtanong o magbigay ng message o mag-ask ng kahit anong question."

Nag-atubiling saglit si Anya, pero pinagsama-sama ang kanyang lakas ng loob. Itinaas niya ang kanyang kamay at pinalad naman siyang napili ng host.

Sa pagbitiw ng malalim na hininga, tinitigan ni Anya si Gelo bago siya nagsalita.

"Hi, Gelo! Matagal na akong fan, at malaking bahagi na ang music ninyo sa buhay ko. Gusto ko sanang itanong, ano ang paborito n'yong bagay sa pagpe-perform at sa pagkakaroon ng koneksyon sa iyong mga fans?"

Ngumiti si Gelo sa kanya, at ang sandaling iyon ay tila isang kahabaan ng panahon ang kanyang ginugol dahil pinag-isipan niya ang magandang sagot

Hi! Maraming salamat sa support. Ang paborito ko, namin, sa pagpe-perform ay ang koneksyon na nabubuo namin sa aming audience. Parang nasa iisang dimension lang tayong lahat at nakakapawi kami ng lungkot dahil sa enthusiasm namin. Isa itong magandang karanasan bilang p-pop group sa Pilipinas na nag-a-aspire na makagawa ng pangalan at makapagbahagi ng talento nating mga Pilipino."

Napuno ng kasiyahan ang puso ni Anya sa kanyang sagot, at tila ba hindi lamang para sa buong karamihan kundi para na rin sa kanya.

Pagkatapos ng fan meet, lumapit siya kay Shantel at sinabi, "Gusto kong magbigay kay Gelo ng isang bagay, na parang Christmas gift ko na rin sa kanya."

Ibinigay niya kay Shantel ang journal na kanyang isinulat, kasama ang isang liham. May iba pang laman ang kahon na kanyang ibinalot at hindi niya nakalimutang lakipan iyon ng pagmamahal.

"Bakit hindi na lang kaya ikaw ang magbigay? Tapos sabayan mo na lang ng pag-amin?" hesitant na suggestion ni Shantel.

"Hindi ko kaya. Basta. Kung mabubuksan niya, much better. Kung hindi, okay lang," sagot naman ni Anya sa tila nonchalant na tono.

Hello, Gelo! (A BGYO Fanfiction) [FINISHED]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant