2

21 1 3
                                    

Nabasa ni Anya ang text ng dati niyang kaklase na si Shantel. Ayon sa kaibigan, pinasasalo nito sa kanya ang ni-reserve nitong accommodation papunta sa isang isla dahil sa hectic nitong schedule. At ang maganda doon, hindi na pababayaran ni Shantel ang reserved accommodation sa kanya.

"Parang nakakahiya naman na hindi niya ako pabayarin doon. Sabihin ko na lang kaya na uutangin ko na lang? Or kung ayaw niya talaga akong pabayarin, ipapasalo ko na lang sa iba yung ni-reserve niya. Wala rin naman akong pocket money sa pagagala. Ang dami ko pa kasing utang." Bumusangot si Anya at kinuha ang cellphone na nakalagay lamang sa ibabaw ng mesa na nagsisilbi rin niyang kainan at pinagbibilangan ng benta sa shop.

Tatawagan na sana niya si Shantel ngunit sakto, tumatawag na ito pagkahawak pa lang niya ng sariling cell phone.

"Hi Anya. Ano? Nabasa mo text ko? Hindi iyan prank. Legit iyan gusto mo tawagan mo pa yung nakalagay na number sa ipinasa ko." Hindi na pinagsalita pa ni Shantel si Anya kahit kasasagot pa lang nito ang kanyang tawag.

Anya made an audible laugh. "Oo, nakakahiya naman kung libre 'yon. Mukhang mahal yung resort. Saka busy ako sa shop ko, kailangan kong makaipon ng benta."

"Huh? Ano ba naman iyan, mga limang araw ka lang naman na magsasara ng shop mo, mahirap ba 'yon? Ganito na lang, io-order ko na lang ulit si Addie ng maraming laruan. Ire-refer na rin kita sa mga kaibigan ko na legit seller ka ng mga mumurahing laruan na magaganda ang quality. Bibigyan din kita ng pabaon na pera para matuloy lang ang bakasyon mo. Minsan lang naman ito. Saka gift ko na 'yan for always making my daughter smile. Tuwing nandyan kami napaka-thoughtful mo sa kanya. Gustong-gusto ka ni Addie. At makakasama mo naman 'yong friend ko, si Gelo." Bawat salita yata ni Shantel ay hindi mawawala ang hagikhik.

Anya, on the other hand, tried to recall that name, Gelo. Napakapamilyar ng pangalang iyon kaya bigla siyang napaisip.

"Wait. Kilala ko ba siya? Nevermind. Hindi lang naman siya ang Gelo sa mundong ito," pakli ni Anya. Ilang saglit pa, sinadya niyang i-loud speaker na lang ang phone para makapag-ayos na rin bago buksan ang shop.

"I'll send you his picture. For sure kilala mo siya. Kaklase natin ito. Hindi naman siya late kung pumasok. Sa bandang likod kasi siya nakaupo at hindi namamansin. Ikaw naman, walang paki sa paligid maliban sa akin na seatmate mo. Ni minsan hindi n'yo yata nasubukang manghiram ng notes o kahit anong mga gamit sa kaklase. Pati paghingi ng papel at paghiram ng ballpen hindi n'yo pa yata nagawa. Ah basta. Sana matandaan mo siya. So, I hope magiging okay kayo doon," mahabang paliwanag ni Shantel at ang ilang bahagi sa mga sinabi niya ay pilit namang pinoproseso ni Anya sa kanyang isipan.

"Okay. Salamat nang marami huh? Titingnan ko na lang ang picture niya." Ngumiti si Anya at narinig niya ang huling kataga ni Shantel bago nito tapusin ang tawag—isang bye bye na may nakakalokong hagikhik.

Ilang saglit pa, tumunog ang message notification tone ni Anya. Nakita niya na mabilis na ipinasa ni Shantel ang picture ng lalaking nagngangalang Gelo. At nang i-zoom niya ang larawan, unti-unting naalala niya na kilala niya ang lalaking ito.

"Parang nakita ko na siya sa TV." Then, she giggled.

Hello, Gelo! (A BGYO Fanfiction) [FINISHED]Where stories live. Discover now