30

17 1 4
                                    

"Bakit umalis agad 'yon?" tanong ni Anya kay Shantel nang makabalik siya sa booth. Hindi pa rin maalis sa kanya na masaktan dahil pinabatid talaga ni Gelo na hindi na sila magiging magkaibigan pa, gaya nang sinabi nito noong huli nilang pagkikita.

"Nagmamadali. May flight papuntang SG. May event kasi doon na sila ang guest, pero may iba pa silang ppop groups na kasama," sagot naman ni Shantel.

"Ah. I see." Nagkibit-balikat si Anya at umupo. Nagkunwari siyang abala sa pag-aayos ng mga naka-display na laruan sa estante.

"May pinabibigay siya sa'yo," sabi pa ni Shantel at iniabot ang selyadong paper bag.

"Ano raw ba 'yan? And, what for?" curious pang tanong ni Anya at hinuhulaan na agad ang nakapaloob sa ibinigay ni Gelo. Her inner mind wishes that it won't hurt her. Sana nga.

"Hindi ko alam, eh. Siguro dahil birthday niya. Gano'n kasi 'yon. Kapag birthday niya siya pa ang nagbibigay ng gift sa mga ka-close niya. Nagbigay din naman siya sa'kin at para kay Addie." Lumaki ang ngiti sa labi ni Shantel sa sandaling iyon. "If you have something to discuss with him, siguro makipag-usap ka na. It's now or never, Anya. Kung talagang ayaw mo kay Gelo, make it clear. Umaasa pa rin kasi 'yong tao sa'yo. Tinatanong ka pa nga kanina sa'kin."

"Pero siya naman itong nagsabi na hindi na kami magiging friends. Hindi na rin kami nag-uusap. Hindi ko na siya aabalahin. May flight pa siya sa SG, hindi ba? Mas okay na rin 'yong ganito na mas magf-focus siya sa career niya. Gano'n din ako," katwiran naman ni Anya.

"Bahala ka, Anya. Sayang naman si Gelo," panghihinayang na pakli ni Shantel, while making a long face.

"Hindi siya sayang. Mas deserving siya sa mga ka-level niya."

"That guy has been putting you on a pedestal. Paano mo nasabing hindi kayo magka-level?" turan pa ni Shantel. "Bumalik ka na sa Playful Dreams. Ako na ang bahala rito. Tingnan mo na lang 'yong mga binigay ni Gelo at ayusin n'yo muna ang dapat ayusin."

"What? Hindi pwede. Mag-isa ka lang dito," bwelta naman ni Anya.

"Pupuntahan ako ni hubby, huwag ka nang ma-alala dyan," sagot naman ni Shantel.

Even though there's hesitation, sinunod na lamang ni Anya ang mungkahi ng kaibigan. Napuno ang pag-asa niya sa kanyang pagbabalik at sumisikdo pa rin ang puso niya habang unti-unting inilalabas ang kung anong mga regalo ni Gelo sa paper bag. She was quickly stunned upon seeing them.

"Cell phone with a letter, and sweet candies?" Mas itinuon ni Anya ang paningin sa phone at nagtataka siya kung bakit ibinigay iyon ni Gelo. Kaya naman, nag-proceed siya sa pagbasa ng letter.

"Please, find the video that I recorded last year— last Christmas. And that phone is yours, Anya. Natandaan ko kasi na hindi na maayos ang phone mo noong kasama kitang magbakasyon sa Bataan. Gamitin mo 'yan to make more memories bilang fan girl, kahit pinagpalit mo na ako agad sa isang Thai artist. Peace! Hehe." - Gelo

Nagmadali si Anya na buksan ang phone at pumunta sa gallery. Naroon nga ang kaisa-isang video na ni-record ni Gelo na nakapetsa noong last December 2022. Pinanood niya agad ang mensahe nito.

*Gelo's video*

"Hello, Anya. Maraming salamat sa journal na ito. Sa totoo lang, natuwa ako at nagulat sa mga nabasa ko. Hindi ko akalain na gusto mo rin pala ako. I want you to know that I appreciate our friendship, and I'm glad to have you as part of my life, kahit noong una oo aaminin ko na hindi talaga maganda ang impression ko sa'yo. But after ng vacation natin sa Bataan, I finally felt a special connection with you, and reading your words has made me realize that there's something deeper here. Hindi rin pala matitinag ang nararamdaman ko.

Sana hindi ito maging sagabal sa ating mga buhay, at sana magkaroon tayo ng pagkakataon na mas makilala pa ang isa't isa. At nararamdaman ko na ito ang tamang oras na sabihin sa'yo na, gusto na rin kita, Anya. Happy holidays, good luck sa Playful Dreams at naniniwala ako na lalago pa ang business mo. Fighting!"


*End of video*

Hello, Gelo! (A BGYO Fanfiction) [FINISHED]Kde žijí příběhy. Začni objevovat