12

11 1 3
                                    

Tanging sopas lang ang mailuluto ni Anya dahil nagsimula nang lumamig sa labas dahil sa lakas ng ulan. Sa kabilang banda, nabahala siya sa kalagayan ni Gelo. Mabuti na lang at hindi rin sila natuloy sa pag-a-island hopping.

Kinatok niya muna ang binata sa room nito. Wala siyang narinig na sagot kay Gelo. Hindi rin siya nito pinagbuksan man lang ng pinto. That's the moment she felt more alarmed.

"Gelo? Pwede ko bang ma-check kung okay ka lang?" Nilakasan ni Anya ang boses niya para makuha man lang ang atensyon ng binata sa loob.

"Sige," mahinang sambit ni Gelo na naging hudyat sa pagpasok ni Anya sa silid.

"Malakas ang ulan sa labas. Kumusta na ang pakiramdam mo? Nagluto pala ako ng sopas," panimula ni Anya. Lubhang nalukot ang kanyang noo nang matunghayan si Gelo na nakatalukbong sa kumot at tila giniginaw.

"Nilalagnat ka ba? Kanina medyo okay ka pa naman. Sorry, paano ba kita matutulungan?"

"Okay na ako. Salamat sa concern," kibit-balikat na sagot naman ni Gelo.

"Anong okay? Nakatalukbong ka nga dyan. Kapag okay ka na, samahan mo na lang ako na kumain. Doon sa dining area ng beach house," pakli naman ni Anya saka umiling.

Pagkalabas niya ay nakahinga rin siya nang maluwag. Naghain na rin siya ng sopas para sa kanyang sarili. Nagustuhan din naman niya ang lasa nito.

Hindi pa nga siya nangangalahati sa pagkain, biglang may narinig siyang nagsalita sa likuran.

"Sa tingin ko, made-delay ang pagbalik natin sa Maynila dahil sa sama ng panahon," biglang sambit ni Gelo habang pinapanood si Anya na tahimik sa pagtikim nito sa sopas.

"Hindi pwedeng hindi ako makauwi agad. Kailangan kong makabenta ulit ng mga laruan. Kailangang hindi ako magmukhang loser," pakli naman ni Anya. Sa isang iglap, napangiwi siya nang matikman ang lasa ng sopas na kanyang niluluto. Tila sa isang iglap, nagbago ang panlasa niya. Kanina, okay naman. Baka dahil na naman ito sa presensiya ni Gelo?

"Maalat masyado. Parang dinala ko sa kaldero ang karagatan."

"Pwede na rin 'yan. Pantawid gutom," turan naman ni Gelo. Ipinaling niya sa mesa ang mata niya at napansin ang broken screen ng phone ni Anya.

"Pinagtatyagaan mo pa 'yan? Parang sumasâma na ang bubog ng screen sa daliri mo kapag hahawakan mo 'yan." Hindi niya napigilang magkomento.

"May phone ba na tig 2k ngayon? 32gb ram at 5000mah? Kung mayro'n, bibili ako kaagad," unenthusiastic na sagot ni Anya.

"Bakit ayaw mo pang palitan?"

Nabitawan tuloy ni Anya ang hawak niyang sandok. "Eh ikaw, bakit hindi mo pa pinapalitan ang kotse mo? Mukhang outdated na. Hindi bagay sa'yo."

"Walang pang sapat na pera."

"Same answer." Nagtaas ng kilay si Anya at dinagdagan ng kaunting tubig ang niluluto niya. "May sentimental value ang phone ko na 'yan."

"Phones are one of the basic needs nowadays." Pinandilatan naman siya ni Gelo. "Kaya kung bibili ka, dapat 'yong matibay na."

"Walang extra phones ang mga kapatid ko. Alam mo, noong bata ako, umaasa lang ako sa mga pinaglumaang bagay," pag-amin ni Anya.

"Pero okay lang, as long as masaya ang mga kapatid ko. You will never understand what it feels like. But it's all worth it because alam ko, pinagpapasalamat naman nila ang sakripisyo ko," pagpapatuloy niya.

"Nagpapasalamat lang sila dahil kaya mong magtyaga sa mga left-over." Tila sinasalungat ni Gelo ang mga prinsipyo ni Anya sa buhay. It sounded like he meant to offend her.

"Alam kong hindi maganda ang pakiramdam mo pero pwede naman sanang hindi mo ibaling sa iba ang nararamdaman mo," bulalas ni Anya sa biglang lakas na boses. Lumingon siya sa likod at inabala ang sarili sa mga sinabi ni Gelo tungkol sa kanya.

"Lalabas lang ako," she explained.

"Sige. Pero hindi na pala ako kakain ng niluto mo," bwelta naman ni Gelo.

Tumawa lang si Anya, "Hindi na 'yan para sayo."

"Fine. Pero saan ka muna pupunta? Aalis ka talaga nang ganitong panahon? Maulan," usisa naman ni Gelo.

"Hindi mo bet ang mga gano'n. Dyan ka na at doon na lang ako sa kwarto mo saglit. Sapat na sa'kin na hindi ka makita. Nakakainis ka kasi," aburidong tugon ni Anya.

"Pero aalis ka talaga nang hindi mo dadalhin ang phone mo?" curious ang pagtatanong naman ni Gelo.

"Aw. Oo nga pala." Nakasimangot pa rin si Anya nang bumalik sa mesa para kunin ang kanyang cell phone. 

Hello, Gelo! (A BGYO Fanfiction) [FINISHED]Where stories live. Discover now