Chapter 48

15 2 5
                                    

"Sandali!" Nagmamadali kong inahon ang nilulutong pananghalian namin nila Shiloah at Aleng Gloria nang may mag-doorbell.

Napatigil ako nang bumungad sakin ang mama ni Silas at si Jane sa labas ng pinto.

"Pasok po kayo," aya ko kahit na nagtataka ako kung anong ginagawa nila rito. "

Pinalibot nila ang tingin sa kabuoan ng bahay.

"My son really got a taste, pero parang ngayon lang siya pumalya sa pagpili." Natahimik ako dahil alam ko naman ang pinaparating niya.

"Ano hong kailangan ninyo?" Magalang kong tanong kahit na hindi naman siya kagalang galang. Nanay pa rin siya ng boyfriend mo, Nicole. Kalma. "Wala dito si Silas, nasa Manila." Ani ko pa dahil baka siya ang sadya ng mga ito.

"Oh, don't worry. We came here for you." Naupo sila sa sofa at dumako ang tingin sa frame na malapit sa may TV kung saan naroroon ang picture ko na malaki ang tiyan na kuha sa Paris. Sa likod ko ang Eiffel Tower. Hiningi ito ni Silas nang makita niya sa cellphone ko nang minsan niyang hiramin iyon upang tingnan ang mga baby pics ni Shiloah.

I heard her tsk.

"Did you know that my son is dating Astrid Salva before you came back? They are almost getting married but you suddenly get into the picture. They are supposed to work on a project on Italy, that's my son's dream. Nung bumalik ka ay siya ring pagsira mo sa pangarap niya. He rejected the offer because he wants to focus on you and your stupid son." Tila nagpintig ang tenga ko dahil sa sinabi niya. Nanlalaki ang mata kong nag-angat ng tingin sakanya at tila wala man lang regret sa sinabi niya.

"How dare you?" Iyon lamang ang nasabi ko dahil paulit ulit kong sinasabi sa utak ko na nanay pa rin siya ng taong mahal ko.

"What? Totoo naman ang sinabi ko. Kung hindi ka bumalik, sana ay sila ang ikakasal. She's an accomplished, fine lady from a decent family. Hindi kagaya mong anak lang sa labas. Hindi ba ay nabuntis ka lang naman ng anak ko? Also, hindi mo ba alam na magkasama ang anak ko at si Astrid sa Manila ngayon? If I know, he's winning her again. He want her back. Ginagamit ka lang niya para makuha ang anak ninyo at magpapakalayo layo sila at sila ang magpapakasal ni Astrid. I'm sure, she'll accept your bastard of a son. Magkano ba ang kailangan mo? Sampung milyon? But I won't waste such money for a trash like you." Patuloy niyang pag-iinsulto sakin hanggang sa hindi ko na napigilan at sinugod ko siya.

"Mas basura ka parin kesa sakin para abandunahin ang sarili mong anak! And for your information, my son is not a bastard you fucking idiot!"

Pero siyempre hindi ko ginawa iyon. Wish ko lang. Hindi naman ako kagaya niya. Nanahimik lang ako sa isang tabi at tinanggap ang pang-iinsulto niya.

"Kung tapos kana po, makakaalis kana. At isa pa, kahit pa bayaran mo ako ng isang bilyon hinding hindi ko iiwan ang anak mo. Alam ko naman sa sarili ko na mahal ko siya, at huwag mo po akong igaya sayo na iniwan ang sariling anak. Hindi ka ho ba nahihiya na kiniclaim mo na anak mo siya ngayong successful na siya ngunit nagawa mong iwan noon dahil hindi siya tanggap ng pamilya mong mayaman?"

Natahimik siya.

"How dare you say that, Nicolei!" Jane butt in.

"Wag kang sasabat sabat dyan Miss Magnaye. Isa ka pa, tinuhog mo iyong magkapatid. Ganda ka?!" I angrily spatted at her. Akala niya ba. Kung hindi ko magawang sigawan ang mama nila, I can sure shout at this bitch.

"Asal squatter."

"Mama mo squatter!" Kita ko ang litid na lumalabas na sa kanyang leeg dahil sa inis. Tangina. Napangisi ako.

Ngunit kaagad na nawala iyon nang lumapit sakin si Miss Zabala at sinampal ako ng malakas.

"Hindi ko alam kung anong nagustuhan sayo ng anak ko, pero alam ko na darating din ang oras na pagsasawaan ka niya. Na babalik siya kay Astrid. Don't tell me I didn't warn you." Napatabingi parin ang mukha ko ngunit kaagad na nanglaki ang mata ko nang may malakas na sumampal din sakanya.

"Ang dami mong dada Franzia. Bakit hanggang ngayon hobby mo parin mangialam. Sawsaw ka ng sawsaw sa relasyon ng mga bata, ganyan ka ba kabored sa buhay?" Nagulat ako nang makita ko ang mama ni Noah na halatang kadadating lang at nakashades pa. Siya ang sumampal sa mama ni Silas.

"Anong ginagawa mo dito, Althea Verano?"

"I heard inaapi api mo raw itong anak ko. I just came to see if it's true. And to give you that slap of course. Hanggang ngayon pala pakialamera ka parin."

"Anak mo 'to?" Dinuro pa ako ni Miss Zabala kaya hinawi iyon ng mama ni Noah. I can feel her rolling her eyes behind that sunglasses.

"Oo, kaya kung ayaw mong bawiin ko lahat ng shares sa kumpanya mo, tatantanan mo ang anak ko at ang asawa niya. Tangina, ang tanda tanda mo na insecure ka parin sa mas maganda sayo." Gusto kong maiyak dahil sa sinabi niya. She acknowledged me as her daughter. I know she doesn't treat me right before but it's understandable, her husband cheated on her on their marriage at ako ang naging bunga. I understand why she's being hard on me.

Nakita kong natahimik si Miss Franz Zabala at kahit alam kong inis na inis na siya ay mas pinili niyang tumalikod nalang.

"Thank you tita," Ani ko sakanya nang makaalis sila Miss Zabala. Umirap siya. Ngayon ay kitang kita ko na iyon dahil wala na siyang suot na sunglasses.

"Don't be fluttered to much, ayoko lang na may ibang umapi sayo dahil ako lang ang may karapatang gumawa noon." Inirapan niya ako ngunit mas lalo lang lumaki ang ngiti ko at kaagad na sinugod siya ng yakap.  She seems disgusted but she didn't push me away.

"Paano niyo po nalaman na dito ako nakatira." Nagkibit balikat siya.

"I know everything."

*****
I can't remember if may pangalan ba ang mama ni Noah or wala WHAHAAH. Also, I forgot Noah and Nicolei's surname huhu. Please tell me if alam niyo. Ititake note ko na talaga siya sa sunod huhu.

A Sad Sight Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon