Chapter 12

11 1 1
                                    

"Are you calm now?" Tanong niya matapos niya akong painumin ng tubig. Ngayong natigil na ako sa pag-iyak ay nagkaroon ako ng pagkakataon upang ipalibot ang tingin sa paligid ng bahay niya. Though it is small, sobrang linis at organize naman noon.

"Sorry sa abala Silas, hindi ko lang talaga alam kung saan ako pupunta." Tumango lamang siya.

"Pupwede ka namang magpalipas ng gabi dito, ikaw nalang sa kwarto at dito nalang ako sa sala." Aniya na agad kong inilingan.

"Huwag na, ako nalang dito, bahay mo naman ito kaya okay lang ako dito." Pagtanggi ko.

"Sigurado ka ba? Sasakit ang likod mo dito, sa kwarto ko ay may kutson kaya mas magiging komportable ka roon." Though his offer is tempting, umiling parin ako dahil sa labis na kahihiyan. Nakikitulog na nga lang ako ay hahayaan ko pang siya ang maging hindi komportable.

Pinahiram niya ako ng kanyang damit dahil suot suot ko parin ang damit na sinuot ko sa acquaintance party namin.

Paglabas ko ng banyo ay nakahanda na ang unan at kumot doon sa kawayan niyang upuan. Nginitian ko lamang siya at nagpasalamat bago niya ako tinanguan at dumiretso na sa kwarto niya.

Pinagpapasalamat ko na lamang na hindi na siya nagtanong pa dahil hindi ko alam kung handa ba akong magkwento. Mas lalo lamang akong naiiyak kapag naaalala ko iyon.

Nagising ako kinaumagahan mula sa masarap na tulog dahil sa kalampag sa labas. Hindi ko pa man napoproseso kung paano ako nakarating dito sa kwarto ni Silas nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto niya at pumasok doon ang galit na galit na si Miss Magnaye.

Hindi pa ako kumpletong gising nang maramdaman ko na lamang ang kamay niya sa buhok ko at hinihila ako palabas ng kwarto.

"Aray, ano ba?!" Pilit kong inaalis ang kamay niya sa buhok ko ngunit masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya at halos maiyak ako sa sakit noon.

"Jane, ano bang problema mo? Bitawan mo nga si Nicolei!" Narinig ko ang boses ni Silas. I even saw him trying to remove Miss Magnaye's hand but to no avail, ayaw niya akong bitawan. "Jane!" Pagalit na sigaw niya dahilan upang mapatigil si Miss Magnaye at padarag na binitawan ang buhok ko.

"What? Magpapalusot ka? Did you fuck her? Dito pa talaga sa bahay mo! Kung hindi pa kita binisita hindi ko malalaman na pinaglololoko mo ako." Galit na aniya. I was so shocked na hindi ko magawang maipagtanggol ang sarili ko.

"Ang immature mo. Wala ka talagang tiwala sa akin." Disappointment lingers in his voice.

"May tiwala ako sayo, dito sa babaeng ito, wala! Oo at pinakiusapan ko siya na huwag niyang itanggi ang kumakalat na chismis tungkol sainyo pero mukhang inienjoy niya pa! At ano? Tinitira niyo ako patalikod?"

"Stop being irrational Jane! Walang ginagawang masama dito si Nicolei. Ano bang pinagpupuputok ng butsi mo! Kung wala ka naman palang tiwala sakin, mas mabuti pang maghiwalay nalang tayo." Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya.

What the hell is happening. Bakit sa isang iglap ay andito ako, inaakusahan na kabit. Did I just ruin a relationship?

"At ano? Lilipat ka dito sa babaeng ito? Kasi totoo? Totoo na gusto mo siya? Na mahal mo siya? Kaya ka nakikipaghiwalay." Hindi ako makapagsalita, parang wala akong karapatan. Nakita kong napapikit si Silas at minasahe ang noo niya na tila ba masakit iyon.

"This is bullshit. Hindi ko nga siya kabit, walang namamagitan samin. Ilang beses ko na bang sinabi sayo na magkaibigan lang kami. Bakit ba ang kitid kitid ng utak mo? Palagi nalang itong issue sayo."

"That's true Ma'am, walang namamagitan samin." Tila nahanap ko ang boses ko ngunit sinamaan niya lamang ako ng tingin.

"Shut up bitch."

"Jane!"

"Sige, maghiwalay na tayo. Magsama kayo niyang kabit mo!" Sigaw niya bago ito naglakad palayo.

Silas smiled at me apologetically.

"Are you okay? Masyado atang napalakas ang sabunot niya sayo. Masakit ba ang ulo mo?" Umiling ako.

"I'm sorry Silas, nag-away pa kayo dahil sakin. Sana pala ay hindi na lamang ako nakitulog sayo." Umiling siya.

"Hayaan mo na. Ganun talaga siya. Kahit pa wala ka rito ay mag-aaway at mag-aaway parin naman kami. Maybe it's about time for us to part ways." Malungkot na aniya.

I felt guilty. I feel like it's all my fault. Kahit naman siguro ako, kung mahuhuli ko ang boyfriend ko na may ibang babae sa kama nito at suot suot pa ang damit nito ay malamang iaassume ko na na nagloloko ito. I don't think I can ever listen to his explanation.

"Sorry talaga Silas, hayaan mo, kakausapin ko si Miss Magnaye."

Umiling siya.

"Wag na, hayaan mo na."

The next days were hard. Hindi na umuwi si papa sa bahay at si mama naman ay sinusubukan akong kausapin ngunit hindi ko magawang harapin siya. Dumagdag pa ang biglang pag-alis ni Noah. Hindi man lang siya nagpaalam.

Dahil ba sa bigla kong pagtakbo noong inalok niya ako ng kasal?

Paulit ulit ko siyang tinitext at tinatawagan ngunit hindi naman siya sumasagot. Tinanong ko rin ang mga kaklase niya ngunit walang nakakaalam kung saan siya nagpunta.

Naglaho talaga siya nang parang bula.

I can't stop thinking about Noah. Galit ba siya sa akin?

Tapos si Miss Magnaye pa, sinusubukan ko siyang kausapin ngunit hindi niya ako pinapansin. I feel like kapag nag-explain ako ay maaayos pa ang relasyon nila ni Silas.

Tangina, bakit sa isang iglap ang naging ganito kagulo ang buhay ko?

Napaigtad ako nang isang araw, pag-uwi ko ng bahay ay nakita ko na lamang ang mga gamit namin ni mama sa labas ng bahay at rinig na rinig ko ang sigawan nila ni mama. I was so tired from school at ito ang maaabutan ko.

"Putangina, lumayas kayo rito sa pamamahay ko! Pagod na pagod na ako sainyo! Mga pabigat!" Galit na galit na wika ni papa. Nag-alab ang kanyang tingin nang makita niya ako sa hamba ng pintuan. "Bakit hindi nalang kayo pumunta sa ama nitong anak mo? Sakanya ka manghingi ng tulong. Punyeta!"

I saw my mom helplessly crying, begging him not to do this to us. This is the first time I saw her this weak. Oo madalas ko siyang galit at hindi nagpapakita ng kahinaan ngunit alam ko namang mahal niya si papa kahit na nagsisisi siya.

That night, pinalayas kami ng ama ko. Hindi ko alam kung saan kami pupunta o kung anong kahihinatnan ng buhay namin ni mama.

A Sad Sight Where stories live. Discover now