Chapter 22

16 2 1
                                    

It was awkward.

Pareho kaming walang imik habang nasa sala niya. Nakaupo siya sa isang pang-isahang upuan niyang kawayan habang ako'y nasa mahabang upuan.

Ipinalibot ko ang paningin ko sa loob ng bahay niya upang makaiwas sa mapanuri niyang tingin. Hindi ko kinakaya ang klase ng pagtingin niya.

Wala masyadong nagbago sa loob ng bahay niya, kung ano ang ayos noon noong umalis ako ay ganun pa rin ngayon. Kung may nadagdag man ay iyon ang diploma niya nang grumaduate siya ng college.

Magna Cum Laude.

Napangiti ako ngunit kaagad napawi iyon nang magtama ang mata namin at seryoso siyang nakatingin sa akin, tila ba kinakabisa ang mukha ko. Bigla naman akong nailang.

"Uhh, congrats Silas. Naks, Magna Cum Laude." Pinilit kong pagaanin ang atmospera ngunit nanatili siyang seryoso. Tumango siya.

"Thanks. Iyon lang ba ang sadya mo dito? Kung iyon lang ay pupwede ka nang umalis. Diyan ka naman magaling." I can sense the bitterness in his voice. Napayuko ako.

He's mad at me.

Of course Nicolei, matapos mong hindi magparamdam sa tingin mo ba ay may babalikan ka pa ditong kaibigan?

Napatayo ako at lumapit sa kinauupuan niya at niyakap siya ngunit ganun na lamang ang pagkirot ng puso ko nang tanggalin niya iyon.

"Marami pa akong gagawin, pakilock nalang ang pinto kapag aalis kana." Aniya bago ako tinalikuran at naglakad siya patungo sa kwarto niya.

Napabuntong hininga ako at ibinaba ang dala dala kong pasalubong para sakanya bago nagpasyang umuwi nalang.

He's really mad at me. Alam ko naman na simula nang mangyari iyon ay hindi na talaga mababalik sa dati ang pagkakaibigan namin. At oo, hindi lang pagkakaibigan ang gusto ko aaminin ko.

I still like him, no, it's more than a simple liking. It's much more deeper.

Sa ilang buwan naming hindi nagkita ay mas lalo lang lumalim ang nararamdaman ko gayong inasahan ko na mawawala na iyon. Ewan ko ba, I just can't stop thinking about him while I'm away. Hindi pa nakatulong ang minu-minutong pang-aasar ni Noah ng tungkol kay Silas.

Sa tuwing sinusubukan kong magkagusto sa iba ay pinapaalala niya na naman sa akin ang crush ko raw dito sa probinsya.

"Tanga ka kasi," napanguso ako sa sagot ni Noah. I just told him that Silas is mad at me.

"Grabe ka kuya, kung maka-tanga? Baka gusto mong magbilangan pa tayo dito ng awards at medal para makita natin kung sinong tanga." Inirapan niya ako bago pinitik ang noo ko na ikinasimangot ko naman.

"Gaga ka talaga, I'm just saying na ang tanga tanga mo sa part na hindi mo pa sinuyo, eh andun kana. Konting himas lang diyan, bibigay na yan." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at kaagad siyang hinampas sa braso. Umaakto pa kasi siya na animo ay may hinihimas. Napakahalay!

"Bakit ba binubugaw mo ako kay Silas ha? Gusto ko lang maging magkaibigan kami ulit." Pagsisinungaling ko na hindi naman bumenta sakanya.

"Kaibigan ng lelang mo. Ka-ibigan pa kamo, maniniwala pa ako. Wag mo nga akong paglolokohin Nicolei Amethyst Verano. Kaya kung ako sayo, sundin mo nalang ang advice ko para maging masaya ka naman kahit papano."

Napailing nalang ako. Ibang klase din kasi itong si Noah. Hindi kagaya ng ibang mga kuya na sobrang protective sa kanilang nakababatang kapatid na babae, ito ay halos ibugaw pa ako sa lalaki. But I don't know, I still love him even if he's kind of annoying sometimes. And I found him really cool, sobrang magkasundong magkasundo kami. Advantage rin talaga na naging mag-bestfriend kami bago namin malaman na magkapatid pala kami.

"Pero paano kung may girlfriend na siya?" Nag-taas siya ng kilay.

"Edi agawin mo!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ko ngunit kaagad niya akong kinurot. "Gaga, naniwala ka naman. Siyempre back out na. Girl code beh ha. Marami namang iba diyan. Pero what if kayo pala ang para sa isa't isa? Tapos free trial lang pala gf niya?"

Buong gabi ay hindi maalis ang utak ko kay Silas at kung paano mawawala ang galit niya sa akin. Dapat pala talaga tinanggap ko na ang alok niyang kasal noon kasi tama naman si Noah, na baka over time ay matutunan niya din akong mahalin. Pero hindi ba ay parang mas magiging miserable naman ako nun?

Kinabukasan ay muli akong nagtungo sa tindahan ni Aleng Gloria upang magsiyasat ng tungkol kay Silas. Siyempre, dapat magkaroon ng background study at proper planning bago magkaroon ng implementation.

"Good morning Aleng Gloria."

"Aba, aba, ang aga mo ah. Saan ka pala tumutuloy Nikol? Gusto mo bang dito nalang sakin o kay Silas? Yiee, siyempre kay Silas." Tinawanan ko lang siya.

"Doon po sa bayan, may bahay ang pamilya ni papa doon. Kasama ko po si Kuya." Nagpatuloy siya sa pang-aasar sakin na tinatawanan ko lang hanggang sa maalala ko ang pakay ko sakanya. "Aleng Gloria, may girlfriend na po ba si Silas?" Mas lumaki ang ngisi niya sa tanong ko. Kahit may harang at medyo madilim sa loob ng tindahan niya ay kitang kita ko parin ang pagkislap ng mga mata niya sa tanong ko.

"Meron, kapag naging kayo." Nakangising aniya. Bigla naman akong nagkaroon ng pag-asa.

"Pabili nga Nay ng sardinas." Napatigil kami sa pag-uusap nang biglang dumating si Silas. Seryoso ang kanyang boses. Narinig niya kaya ang itinanong ko kay Aleng Gloria?

"Naku 'nak, magkaka-kaliskis kana niyan kakasardinas mo." Tumabi siya sa may sa akin dahil malapit ako sa bintana ng tindahan. Umusog naman ako palayo para magkaspace siya.

Nanatili ang tingin ko sa mukha niya, hindi niya naman ako nililingon kaya malaya kong napagmamasdan ang gwapo niyang mukha.

"Wala na ho akong oras para magluto, masyado akong abala sa pagtatrabaho para magluto pa." Sagot nito. Saglit na umalis doon si Aleng Gloria at pumasok sa loob.

Rinig na rinig ko na ang huni ng mga kuliglig kahit umaga pa dahil sa biglang pagtahimik ng kapaligiran. Aba, gusto ko siya pero bukas ko nalang siya kakausapin, magpaplano pa ako. Sa buong durasyon na nasa harap ko siya ay hindi niya man lang ako nagawang lingunin. Napanguso ako.

Mayamaya lang ay lumabas na si Aleng Gloria na dala dala ang binili ni Silas.

Nakanguso pa rin ako nang biglang lumingon siya sa akin at bumaba ang tingin niya sa labi ko. Nag-iwas siya ng tingin bago tuluyang umalis ngunit bago siya makalayo ay nagsalita siya.

"Wala akong girlfriend."

A Sad Sight Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang