Chapter 28

12 2 2
                                    

Malaki ang ngisi ko nang umuwi ako ng bahay ngunit kaagad na nabura iyon nang wala akong naabutang Noah. Sobrang aga niya namang nagpunta sa resort? Hindi nga pala siya umuwi dahil doon kami dapat tutuloy kagabi ngunit hindi niya naman ako binalikan. Wala rin siyang ka-message message kaya hindi ko maiwasang mag-alala.

Hindi ko alam kung dapat ba akong maging masaya na nauna ako umuwi or what. Tsk, buti nalang hindi niya ako mapapagalitan but at the same time, lamang ang pag-aalala ko. Paano nalang kung kung ano na pala ang ginawa niya kagabi sa kalasingan? Paano kung mapikot siya.

Napairap ako sa naiisip. Coming from you huh, Nicolei?

Silas was extra sweet earlier. He even prepared breakfast for the both of them. Parang kahapong umaga lang ay kung ano anong masakit na salita pa ang sinabi niya. Pinilig ko ang ulo ko, dapat maging masaya nalang ako dahil sa progress ng inexistent naming relationship. Siyempre, saan pa ba patungo ito diba? Hindi niya naman siguro planong gawin lang akong fubu? Hindi naman siguro siya ganun.

Iwinaksi ko nalang ang kung ano ano kong naiisip. Ayokong mag-overthink.

Tanghali na dumating si Noah, hindi na nga siya nakaattend sa online class niya. Mukha pa siyang bangag mula sa pag-iinom.

"Saan ka nanggaling?" Tanong ko sakanya na animo ay ako ang nanay niya. Mula sa laptop kung saan ako gumagawa ng powerpoint para sa online reporting ko ay nilipat ko ang tingin ko sakanya na kapapasok lang. Magulo pa nga ang kaniyang buhok at gusot gusot ang damit. Mas lalo siyang napasimangot nang animo ay may naalala.

Dumiretso siya sa akin sa may sofa at padarag na naupo roon.

"San ka natulog kagabi? Sorry hindi kita nabalikan. May bwiset na conyo kasi na sumira ng gabi ko." Halata ang inis sa boses niya. Napataas ang kilay ko at nang marealize kung sino iyon ay napangisi ako.

"Anong ginawa niyo ni Emilia?" Nakangising wika ko. Nanlaki ang mata niya at tila naeeskandalong hinampas sa akin ang naabot na unan.

"Gaga, we didn't have sex!" Tanggi niya na mas lalo kong ikinangisi. Ang isda talaga, nahuhuli sa sarili nitong bibig.

Napatakip si Noah sa bibig niya kaya mas lalo akong napangisi. Binata na siya, hindi na siya dalagita.

Nanahimik na lamang ako at pinagpatuloy ang ginagawa.

"Hindi mo sinagot ang tanong ko, saan ka natulog kagabi?" Napangisi ako nang maalala kung nasaan ako kagabi pero hindi niya na kailangang malaman iyon.

"Sa kaibigan ko-- Aray ano ba!" Napasigaw ako nang bigla na namang tumama ang unan sa mukha ko. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Teh si Silas lang at ako ang kaibigan mo, hindi na ako counted kasi kapatid mo ako ibig sabihin kay Silas ka natulog kagabi. Anong ginawa niyo? Sinasabi ko sayo Nicolei Amethyst 'pag ikaw nabuntis, naku! Maghahalo ang balat sa tinalupan. Ako talaga ang bubugbog diyan kay Silas. Wala akong pake kung sobrang pogi at hot niya, hindi ako manghihina sa muscles niya!" Mahabang litanya niya na ikinairap ko. Lumalabas na naman ang itinatagong katauhan nitong kapatid ko.

"Chill kuya, he's responsible."

"Gaga ka talaga, so inaamin mong may nangyari sa inyo? Shuta, halika rito akong kukurot sa'yo. Balak mo bang pikutin si Silas?" Halos mawala na ang itim ng mata ko sa kakairap sakanya. Hindi ko talaga siya maintindihan madalas. Hindi ko alam kung concern ba siya sa akin o kay Silas?

"Ewan ko sayo, ganyan ba ang epekto ni Emilia sayo? Wala ka na sa matinong pag-iisip."

"Eew, don't make banggit her name nga. It's disgusting." Natawa ako sa pagiging conyo niya.

"Tamo, nahawa kana sakanya."

Nang sumapit ang hapon at hindi na ganun kasakit sa balat ang sikat ng araw ay nag-pasya akong pumunta kay Silas. Wala lang, ayoko kasing mamiss niya ako. Baka manghina siya kapag hindi niya ako nakikita.

"Hi Aleng Gloria," nakangiting wika ko pagbaba na pagbaba ko ng tricycle. Nakasanayan ko na talagang dito sa tindahan niya magpababa kahit pa pwede namang magpadiretso sa tapat mismo ng bahay ni Silas.

"Blooming mo ngayon Nikol ah, kayo na ba ni Silas." Nag-init ang pisngi ko sa tinuran niya. Siya talaga ang number one supporter ng love team namin ni Silas. Siya rin ang dahilan kung bakit ako nagkagusto sa isang yun, tinukso tukso ba naman ako, natuluyan tuloy. 

"Konting giling nalang Aleng Gloria," pagsakay ko sakanya at kinindatan siya na ikinahalakhak niya naman.

Napaigtad ako nang biglang may malaking palad na kumapit sa likuran ko. Ramdam na ramdam ko ang init noon kahit pa may suot akong damit, paano pa kaya kung wala na. Charot! Stop being malandi nga Nicole.

"Ano na namang pinagsasabi mo kay Nay Gloria?" Seryosong tanong ni Silas ngunit bakas ang amusement sa mukha niya. Napangiti ako nang makita siya.

"Wala, wag kang chismoso." Pang-aasar ko sakanya na ikinangisi ko lang.

Nang ibalik ko ang tingin kay Aleng Gloria ay nakita kong mariin ang kanyang tingin sa kamay ni Silas sa bewang ko ngunit may mapang-asar na ngisi sa labi niya. Nawala lang iyon nang sabihin ni Silas na bibili siya ng coke kaya pumasok si Aleng Gloria sa loob para kuhanin iyon.

"Sa bahay ka ba magdidinner? Anong gusto mong ulam." Tanong nito habang marahang hinahaplos ang bewang ko. Nag-iwas nalang ako sakanya ng tingin dahil baka mapansin niya na kinikilig ako. It's nakakahiya if malalaman niya na patay na patay ako sakanya.

"Ikaw," marahang wika ko na ikinaigting ng panga niya.

"Alam kong masarap ako pero totoong pagkain ang tinatanong ko Nicole." Inirapan ko siya at kinurot sa tagiliran.

"Gago talaga, what I mean is ikaw na ang bahala, ikaw naman ang magluluto." Inirapan ko siya na kaagad niyang ikinatawa. Naabutan pa kami ni Aleng Gloria na naghaharutan doon kaya inulan na naman kami ng pang-aasar niya.

"Dali dalian niyo naman, gusto ko nang mag-alaga ng baby." Pahabol pa ni Aleng Gloria nang makaalis kami sa tindahan niya. Natawa nalang ako at napailing.

"Noted Nay!" Kaagad kong siniko sa tagiliran si Silas dahil baka umasa si Aleng Gloria eh wala nga kaming label.

Natawa lang ito at pinatakan ng halik ang labi ko bago nagtatakbo papunta sa bahay niya.

A Sad Sight Where stories live. Discover now