Chapter 2

22 2 1
                                    

"Kelan mo huling pinarenovate itong bahay?" I asked Noah curiously while glancing at the ceiling. May mga bakas na sa kisame na tumutulo na roon tuwing maulan.

Kahit sa labas ay halata ring hindi na naaalagaan ang bahay at mukha na iyong luma. Siguro ay sobrang busy ng kapatid niya na hindi na ito nagawang alagaan.

"Hindi ko alam kay Kuya, alam mo naman iyong isang iyon, walang pakialam sa mundo at puro trabaho lamang ang inaatupag." Wika niya at naupo sa upuan sa harapan ko at binaba ang iniinom niyang kape. Sumimsim din ako sa hawak tasa ng kape na nasa harapan ko at nangalumbaba. "Do you want to have someone renovate it? You're the boss," my eyes lit up when he said that.

"Really? Can I decide with the designs?" I said with full of enthusiasm making him chuckle. He knows how much I love renovating and decorating the house. It just gives me a lot of peace of mind.

"Sure, I'll find a good engineer to help with the renovation."

"Yes please."

Totoo sa sinabi niya, kinabukasan ay may dumating kaagad na engineer na mag-rerenovate ng bahay. He asked me what I would like to change and so on and so forth.

Malakas ang loob kong mamahala sa pagrerenovate nitong bahay na ito dahil alam kong hindi naman dito uuwi ang pamilya niya. Kumbaga ay isa lamang ito sa mga property nila na hindi naman talaga tinitirahan dahil nasa Manila ang buhay nila. Tanging si Noah at kuya niya lang ang tumira rito dahil silang dalawa ang madalas na nandito at namumuno ng branch ng resort nila dito sa probinsya.

Habang wala si Noah ay nakipaglaro na lamang ako kay Shiloah. It feels so weird when my body's used to working then suddenly, I'm idle. But I kind of like it. Nagagawa kong makipaglaro sa anak ko na matagal ko nang hindi nagagawa dahil sa trabaho.

I want to introduce Shiloah to Aleng Gloria. Pero natatakot ako sa sasabihin ni Silas. Bakit kasi andito siya? Akala ko ba ay okay na ang buhay niya sa Italya? Bakit bigla bigla siyang umuwi?

Pinilig ko ang ulo ko. Sa tagal ng panahon na lumipas hindi ko pa rin mapigilan na sumagi siya sa isip ko?

I suddenly craved for seafoods when the night came so I texted Noah, who's still in the resort that we will go there so he'll wait for us. Doon na lamang kami sa restaurant sa resort nila kakain.

It's been years since I last ate there. Probably when I'm still pregnant with Shiloah and craving a lot of weird foods. Good thing Noah owns the restaurant and even if it's already midnight, I got my cravings.

Binihisan ko ng damit si Shiloah bago kami nag-tungo sa resort. May kalayuan din iyon mula sa bahay kaya kinailangan pa naming sumakag ng tricycle para magpahatid doon.

Manghang mangha ang kasama kong bata dahil first time niyang makasakay ng tricycle. Nilagay ko ang kamay ko sa ulo niya dahil muntik na siyang mauntog sa sobrang kakulitan.

Nang makarating kami sa resort ay kaagad na nagtatakbo siya papasok habang nagbabayad ako ng pamasahe namin.

Hinayaan ko na lamang dahil malamang ay aalalayan siya papunta kay Noah kapag may nakakita sakanyang staff dahil kilala naman ni si Shiloah. Madalas itong dinadala rito ni Noah simula nang dumating kami.

Matapos kong magbayad ay kaagad na akong pumasok upang sundan ang batang makulit ngunit kaagad akong napatigil nang makita kung sino ang kaharap niya.

Nakaluhod sa harapan niya si Silas at pinapagpagan ang kamay niya.

Tila natuod ako sa kinatatayuan ko at hindi ko namalayang nasa harapan ko na silang dalawa. Seryoso ang mukha ni Silas habang hawak hawak ang kamay ni Shiloah. Napaiwas ako ng tingin.

"Mama! Look po! He's tito Silas po! He helped me nung nadapa po ako!" Masayang wika ni Shiloah at tumatalon talon pa.

"Okay baby, let's go na. Say bye na to him, baka naghihintay na si dadda." Wika ko sa anak ko, muntik pa akong mabulol dahil sa intensidad ng pagtingin niya sa akin.

"Bye tito Silas!" My son said happily as he waved to Silas na mariin din ang pagkakatingin sa amin.

"Bye kiddo."

"Bat busangot ang beshy ko na yan?" Bungad ni Noah nang makarating kami sa table na kinauupuan niya. Nakahanda na rin sa lamesa ang mga pagkain na sinabi ko sakanya sa telepono.

"Gago ka talaga, I'm your wife not your beshy, remember?" Inirapan ko siya na ikinatawa niya. Inayos ko ang table napkin kay Shiloah bago ko muling hinarap si Noah na nakangisi.

"Of course, you're my wife. I won't forget that." Natatawang aniya.

We started eating but this dimwit just won't stop his mouth. Ayaw na ayaw niyang napapanis ang laway at palaging daldal ng daldal.

"Have you seen Silas on your way here?" Tanong nito ngunit bago pa ako makasagot at makapagsinungaling ay nauna nang mag-salita ang anak ko.

"You know Tito Silas po dadda?" Shiloah said while his attention is on the scallops that he's eating.

"Tito Silas?" Tanong nito at nanlalaki ang mata sa akin. Mahabang paliwanagan na naman ito malamang.

"Opo dadda, he said I should call him that. He's my mama's friend daw po eh."

"Ah yeah right, he's mama's friend." He even laughed without humor after he emphasized the word friend. Grabe talaga 'to. Sabi ko namang past is past, never discuss unless otherwise stated. Tsk.

At tama nga ako, pagkauwing pagkauwi ng bahay ay kaagad akong ininterview ni Noah. Nakapamewang pa siya habang pinagtataasan ako ng kilay.

"Anong sinabi niya sayo nang makita si Shiloah?"

"Ano bang dapat niyang sabihin? Hindi naman kami nag-usap."

"Sus, lelang mo talaga. Sige na, diba walang lihiman sa pamilyang ito. You can tell me, wag ka nang mahiya." Pamimilit niya na inirapan ko nalang at tinulak ang mukha niya palayo sa akin.

"Wala nga, oo nga pala, anong ginagawa niya sa resort?" Pagbabago ko ng topic na hindi naman bumenta sakanya. Muli niya lang akong tinaasan ng kilay ngunit sinagot pa rin naman ang tanong ko.

"He's in charge of the renovation of the resort."

A Sad Sight Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon