Chapter 25

23 3 2
                                    

Napanguso ako habang panay ang sermon sa akin ni Noah. Ngunit kahit ganun ay panay din naman ang asikaso niya sakin.

"Yan, maglalandi kana nga lang nagpapasakit ka pa. Sabi ko naman sayo pag landi, landi lang, walang uuwi nang may lagnat." Aniya at itinapal ang cool fever sa noo ko kahit pambata naman iyon.

Napatigil naman siya sa pagdadaldal nang yakapin ko siya sa bewang. Napabuntong hininga nalang siya.

"Wag ka nalang kaya doon sa Silas na yun? Ni hindi ka man lang nagawang bigyan ng payong. Saka, hindi man lang ba iyon nag-offer na doon kana magpalipas ng gabi dahil masyadong delikado at maulan pa?" Pagsermon niya parin ngunit kaagad din iyong binawi nang marealize. "Well, on the other hand, mabuti na rin palang umuwi ka dahil baka kung ano pang gawin mo kay Silas." Mas lalong humaba ang nguso ko dahil iyob din ang naisip ko. Magkapatid nga kami.

Dahil sa aking pagpapaulan kagabi ay nagkasakit pa ako. Hindi tuloy ako makakapunta kay Silas dahil baka mahawa ko pa siya ng lagnat. Balak ko pa naman siyang ikiss, emz.

Yamot na yamot na ako sa bahay. Halos tatlong araw na ngunit hindi pa rin bumababa ang lagnat ko. Ganito talaga ako, mabilis magkasakit ngunit matagal gumaling. Halos hindi na nga mapakali si Noah at gustong gusto na akong dalahin sa ospital ngunit kaagad ko siyang pinigilan. I hate hospitals. I hate waking up inside the hospital. Naaalala ko lang ang nangyari noon kung saan muntik na akong magahasa. Pero siyempre, hindi ko na sasabihin pa ang parteng iyon kay Noah, baka makarating pa kay papa.

Kaya naman nang ikaapat na araw at nawala ang lagnat ko ay kaagad akong pumunta sa bahay ni Silas kahit hindi pa nagpapaalam kay Noah. Kapag nakita niya naman akong wala roon ay paniguradong alam niya naman na kung saan ako nagsusuot.

Napatigil ako sa pagpasok sa bahay ni Silas nang makitang hindi nag-iisa ang tsinelas sa may pinto. At hindi lang iyon, pangbabae pa iyon.

Napanguso ako,  baka si Aleng Gloria?

May pumipigil sa akin na pumasok ngunit may sariling utak ang katawan ko at pinagpatuloy pa rin ang pagpasok na kaagad ko namang pinagsisihan.

I saw Miss Magnaye and Silas kissing. Halos mabato ako sa kinatatayuan ko. Imbes na umalis ay nanatili pa ako roon at pinanood kung paano maglaban ang dila nila na animo ay sabik na sabik sila sa isa't isa.

Napaigtad ako nang biglang nagtama ang paningin ni Silas. Nanlaki pa iyon at kaagad na naitulak si Miss Magnaye palayo sakanya.

Pilit akong ngumiti sakanya. Nakita ko naman ang pag-irap ni Miss Magnaye. What if tusukin ko mata mo?

"Nakakaistorbo ba ako?" Tanong ko at kinapalan ang mukha na dire-diretsong pumasok. Paano pala kung sila na? Pero sabi naman ni Silas wala siyang girlfriend. Pero naghahalikan sila. Baka naman naging sila ulit sa tatlong araw kong pagkawala.

Nagtatalo ang isip ko kung dapat bang umalis na ako o hindi. Iniisip ko palang ang gagawin nila sa oras na umalis ako ay nanlulumo na ako. Gagawin din ba nila iyon? O nagawa na nila?

Biglang tumayo si Silas at hinila ako paalis dun, palayo kay Miss Magnaye at palabas ng bahay niya. Mas lalong nalukot ang mukha niya.

"What are you doing here?"

"Bakit ba parati mo nalang akong tinatanong niyan? Ayaw na ayaw mo ba sa presensya ko ha? Saka anong gagawin niyo ni Miss Magnaye kapag umalis ako? O kung hindi ako dumating? Bakit sabi mo wala kang girlfriend, bakit kayo naghahalikan?" Sunod sunod na tanong ko. Napapikit nalang siya ng mariin dahil doon.

"Look, ano naman sayo? You're not even my girlfriend for fuck's sake so don't act like a jealous one." Inis na sabi niya na ikinatahimik ko. Oo nga naman.

"I like you." Mahinang bulong ko.

"Walang patutunguhan iyang pagkagusto mo. Pinapakisamahan lang kita dahil dati tayong magkaibigan." Bumagsak ang balikat ko dahil doon. Lalo akong napayuko, nagpipigil na maiyak. Masakit pala masabihan ng ganun, lalong lalo na at galing pa sakanya.

Nanatili lamang ako roon habang pinapanood siyang maglakad pabalik sa bahay niya. Nakita ko pa siyang sinalubong ni Miss Magnaye sa may pinto kaya mas lalo akong nanlumo.

Noon palang naman talaga ay alam ko na kung gaano niya kamahal si Miss Magnaye na nagawa nilang ilihim at ipagpatuloy ang kanilang relasyon kahit pa masyadong delikado iyon lalo na at professor niya si Miss Magnaye.

Mas lalo lang akong nawalan ng pag-asa.

Awit.

Bagsak ang balikat ko na naglakad patungo sa terminal. Nadaanan ko pa ang tindahan ni Aleng Gloria ngunit hindi ko nalang siya pinansin kahit pa tinatawag niya ako.

Gustong gusto ko nang makauwi at magmukmok. It's the first time that I ever felt this hurt. Mas masakit pa sa pagpapalayas sa amin ni papa.

Nagawa kong bayaran ang tricycle driver ng para sa apat na tao dahil ako palang ang sakay niya at hindi ito aalis kung hindi puno. Ayokong umiyak dito sa tricycle.

Mabuti na lamang at wala pa si Noah nang makauwi ako, at least hindi niya makikita ang pag-ngawa ko.

Bakit kailangan pang kakabit ng pagmamahal ang sakit? Di ba pwedeng huwag na iyong kasali? Ayokong maramdaman ito. Hindi ako handa sa ganitong sakit nang simulan ko siyang mahalin.

Meron bang tutorial kung paano maka move on in thirty seconds?

Hindi ko alam kung ilang oras akong umiiyak hanggang sa nakatulugan ko na lamang iyon. Nagising nalang ako nang yugyugin ni Noah ang balikat ko.

"Inom tayo bakla." Aya niya na akala mo ay tropa niya lang ako at hindi kapatid. Shuta, ganito pala siya kacool maging kuya. Hindi ko lang iyon maaappreciate ngayon dahil nasasaktan parin ako.

Tumango ako agad dahil tamang tama ang oras na ito para doon.

Doon kami nagpunta sa resort at naglatag ng picnic blanket sa may buhanginan. Naupo ako roon at dinama ang lamig ng hawak na beer. Maging si Noah ay tahimik sa tabi ko, hindi niya man sabihin ay alam kong malaki rin ang problema niya base sa lalim ng buntong hininga niya. Palubog na ang araw at kitang kita ang ganda noon mula sa kinaroroonan namin. Napangiti ako ng mapait at muling napasimsim sa hawak na beer.

Hindi naman lahat ng goodbye ganyan kaganda.

A Sad Sight Where stories live. Discover now