Chapter 38

14 2 0
                                    

Pareho kaming tahimik ni Silas sa loob ng sasakyan niya habang bumabiyahe pauwi kila Aleng Gloria nang magtangka siyang basagin ito.

"How are you?"

"I'm fine thank you," sarkastikong wika ko, hindi kami close para magkamustahan. Mahina siyang natawa. Sana naman magets niya na ayaw ko siyang kausap, matalino naman siya.

Bakit ba ang tagal tagal namin makauwi? Akala ko ay wala pang ten minutes ang biyahe patungo roon. Hindi ko na ata kinakaya kahit lumanghap lang ng kaparehong hangin ng sakanya.

"Is it tough?" Mayamaya ay tanong niya muli.

"No, it's bottom."

"Damn, kailan ka pa naging ganyan ka-witty?" Natatawang tanong nito.

"Simula noong niloko moko." Wala sa sariling wika ko na ikinatigil niya. Nakita kong umigting ang panga niya sa sinabi ko.

"Hindi kita niloko, ikaw nga, iniwan mo ako. Nakipag-break ka sakin through phone  call." Puno ng hinanakit na aniya. Napaiwas ako ng tingin.

"Magsusumbatan ba tayo dito? That's all in the past Silas. Learn how to move on, kung gusto mo, send ko pa sayo ang link ng 101 ways on how to move on easily." Naiinis na wika ko. Natahimik siya. Saktong natanaw ko rin naman ang bahay nila aleng Gloria kaya nang huminto siya roon ay nagmamadali akong bumaba. Nakalimutan ko pang dalahin ang mga pinamili ko sa kagustuhang makalayo sakanya.

Nasa loob na ako nang maalala ko ang mga iyon at babalikan ko sana ngunit pumasok naman na siya na bitbit ang mga iyon.

"Don't you dare leave me like that again." Inirapan ko siya.

"Who you po?"

Doon siya nag-dinner sa bahay ni Aleng Gloria. Tuwang tuwa naman si Shiloah sakanya dahil panay ang kwentuhan nila. I hate to admit it, but I guess, Shiloah's been looking for a father. Siguro ay naramdaman niya iyon kay Silas. Siguro ito ang tinatawag na lukso ng dugo?

Kahit naman kasi sabihin na pinupuno naman ng mga kuya ko ang posisyon ng isang ama sakanya, siguro ay kulang pa rin talaga iyon.

Matapos ang dinner ay inaya siya ni Shiloah na mag-chess na hindi niya naman tinanggihan. Dumiretso nalang ako sa kusina upang mag-hiwa ng prutas para sakanila. Gusto pa nga sana ni Harriet na siya ang gumawa noon para sa akin  ngunit kaagad ko siyang tinanggihan dahil kaya ko naman.

"Mommy join us, talunin po natin si Lola Gloria and Tito Silas." Masayang aya sakin ni Shiloah.

"I'll just wash up baby, bababa ako after." Wika ko at nilapitan siya upang halikan.

Hindi sinasadyang nasinghot ko ang amoy ni Silas dahil magkalapit lamang sila. He smells expensive. Mabango din naman siya dati ngunit ibang iba na ang amoy niya ngayon, amoy bachelor na pinipilahan ng maraming babae. Napairap ako sa naisip.

Kaagad akong umakyat para maligo at nang matapos ay bababa na sana ako nang mapatigil ako nang makita si Silas na nakatayo sa labas ng kwarto na tinutuluyan namin.

"Hindi kita niloko." Bungad niya.

"Oo, at lumilipad ang aso. Pwede ba, tantanan mo na ako."

"I just want to clarify things between us Nicole. I don't want you to think that I cheated on you when I clearly did not. Hinding hindi ko iyon magagawa sayo."

"What's the point of explaining yourself Silas? Matagal na tayong tapos. Naka-move on na ako. May pamilya na ako, may anak na, at siguro ay ikaw rin. Itigil mo na yan. I'm not a fan of infidelity." Tatalikuran ko na sana siya nang bigla niya akong pinigilan sa pamamagitan ng pagyakap sa likuran ko.

"How did we end up here? I had our future planned out, bakit ganito yung kinahantungan?" Nanghihinang sabi niya habang mahigpit na nakayakap sa akin.

"Get off me, baka makita tayo ng anak ko." I shrugged my shoulder. Dahil siguro sa panghihina ay kaagad na nakalas ang pagkakayakap niya sa akin. Mabilis akong umalis mula roon at pinuntahan ang anak ko sa sala. Naabutan ko silang nag-lalaro ni Aleng Gloria habang kumakain ng prutas.

"Mommy, where's Tito? Sabi niya ma-wiwi lang daw siya, did you see him?" Tanong ng aking anak. Nginitian ko lang siya.

"I'm here, nag-wiwi lang ako. Miss mo na naman ako." Pang-aasar niya sa anak ko.

Nakita ko pa ang pamumula ng mata niya dahilan upang mag-iwas ako kaagad ng tingin. I can't stand the sight of him. Naaalala ko lang kung paano ako nasaktan.

I'm now unsure of what to do. A part of me wanted to introduce Shiloah as his son pero lamang parin iyong kagustuhang itago iyon. Paano pala kung totoong may pamilya na siya at hindi niya matanggap si Shiloah bilang anak niya. I'm afraid of rejections. Ayokong maranasan iyon ng anak ko, ang maging anak sa labas. Ayokong matulad siya sakin na halos isuka ng totoong asawa ng papa ko.

Tulog na si Shiloah sa kwarto ni Aleng Gloria dahil nakiusap ang matanda na doon ko ito patulugin, gustong gusto naman iyon ng anak ko dahil matagal na nitong gustong maranasan na magkaroon ng lola kaya naiwan ako sa kwarto.

Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa ng libro tungkol sa medisina nang biglang umilaw ang cellphone ko at nakitang mensahe iyon mula sa isang unknown number. Hindi ko nalang sana papansinin dahil baka isa na naman iyon sa mga scammer na nagsasabing nanalo raw ako sa kung ano anong raffle at nanghihingi ng five hundred pesos gcash para ma-claim ngunit nacurious ako kaya binuksan ko iyon.

Unknown:

Ellow po, gud eve.

Napakunot ang aking noo. Ibablock ko na sana ito ngunit muling pumasok ang mensahe mula dito.

Unknown:

Where's the link?

Napakunot lalo ang aking noo dahil hindi ko alam ang sinasabi niya. Hindi maalis alis ang kunot ng noo ko nang magsimula akong magtipa ng reply, kung gusto niya akong pagtripan ay pagtitripan ko rin siya, swerte niya bored ako. Tutal maeexpire na rin naman ang load ko at hindi man lang nagamit. Kaagad akong nag-search ng malaswang video sa pornhub at iyon ang sinend sakanya.

Gusto kong matawa sa kalokohang pinaggagawa ko ngunit ang tawang iyon ay kaagad na nabura nang muling magmessage ito.

Unknown:

Damn it woman, why did you send me that? Do you want to try that? I'm always available. You can come to my place you know.

It even has a wink emoji. What the hell?

Me:

Bastos!

I said as I block his number. Why the hell did I do that anyway?

A Sad Sight Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon