Chapter 32

14 2 0
                                    

Sumama ako kay Noah nang umalis siya patungo sa Paris para ipursue ang fashion designing. Dito ko rin pinagpatuloy ang pangarap kong maging doctor. May mga pagkakataon din naman na umuuwi kami sa Pilipinas ngunit saglit na panahon lamang iyon at kaagad kaming bumabalik sa  Paris.

Pareho naming hindi kayang magtagal sa lugar na iyon. Lugar na punong puno lamang ng mapapait na alaala.

Ang mga unang taon namin sa Paris ay napakahirap. Hirap na hirap kaming mag-adjust, sa klima, sa mga pagkain, sa lahat. May mga pagkakataon pa na umiiyak nalang kaming pareho dahil wala kaming maintindihan. May pagkakataon pa na sinigaw sigawan kami ni Noah ng isang Pranses at tuloy tuloy ngunit wala kaming maintindihan. Nang nag-laon nalang namin nalaman na minumura niya na pala kami.

Ngunit unti unting nagbago ang buhay naming dalawa nang malaman namin na buntis ako kay Shiloah, ilang linggo mula nang dumating kami sa Paris. Pinilit naming kayanin kahit sobrang hirap. Hindi naman tumigil si daddy sa pagsuporta sa amin kahit pa sinabi niyang itatakwil niya si Noah kapag umalis ito ngunit ang mapride kong kapatid ay hindi iyon tinatanggap. Ako ang tumatanggap at kaagad kong ibinibili ng mga kailangan namin sa bahay. Wala na siya roong magagawa, kung ayaw niyang makikain, edi wag.

May mga pagkakataong gustong gusto ko nang umuwi ng Pinas upang sabihin kay Silas na buntis ako. Buntis din ako. Kailangan din namin siya. Ngunit ayoko naman siyang papiliin, ayaw kong masaktan. Baka hindi niya lang din magustuhan ang anak namin kaya wag nalang.

Sobrang saya ni Daddy nang malaman niyang buntis ako at gusto na sana kaming pauwiin ngunit tumanggi kami dahil hindi kami pwedeng umalis sa kalagitnaan ng school year.

Habang malaki ang tiyan ay matiyaga pa rin akong pumapasok. Nagkaroon din ako ng mga kaibigan sa eskwelahan, lahat sila ay mababait kahit minsan ay hindi ko sila naiintindihan.

Hindi kagaya sa Pilipinas na halos wala akong naging kaibigan, dito ay parang naging natural nalang sa akin na makipagkilala sa ibang tao. Parang binuksan ko ang sarili ko sa iba, bagay na hindi ko nagawa dati.

Nang mag winter vacation ay kaagad kaming umuwi ni kuya, nag-ilang araw din kami sa probinsya at nang dalawin ko si Aleng Gloria ay nalaman kong nasa Maynila na daw si Silas at hindi na umuwi. Ang sabi niya rin ay hindi ito nag-take ng board exam.

Ang pinagpasalamat ko na lamang ay kahit gaano ka chismosa si Aleng Gloria ay hindi niya ako kinwestyon sa pagbubuntis ko. Hindi niya kwinestyon kung bakit hindi na kami ni Silas at tila napakabilis ko itong palitan, kahit hindi naman totoo. Tinanggap niya parin ako kagaya ng pagtanggap niya sa akin noon.

Akala rin ng ibang tao ay asawa ko si Noah dahil nakita nilang sinundo ako nito at buntis pa ako. Hindi ko nalang tinama iyon dahil wala naman akong kailangang ipaliwanag sakanila. Malamang rin ay nakaabot iyon kay Silas ngunit nawalan na ako ng pakialam. Hindi naman namin siya kailangan ng anak ko. Hindi niya din naman mararamdaman na wala ako at ang anak namin dahil mapupunan naman iyon ni Miss Magnaye at ng anak nila. Baka nga hindi na iyon Miss Magnaye, baka Mrs. Zabala na.

Ilang taon din kaming nanatili sa Paris at nang makapagtapos ako ng pagdodoctor ay umuwi rin kami dahil na rin sa madalas na pagkakasakit ni daddy at kailangan na ni Noah na mamahala sa kumpanya.

Napangiti nalang ako ng mapait nang maalala ko ang lahat ng iyon sa saglit kong pagkatulala.

Kaya  mas gusto kong nagtatrabaho eh, wala akong panahon para mag-isip ng kung ano ano. Kapag ganitong bakante ako ay marami akong oras para alalahanin ang mga nangyari sa nakaraan na pilit ko nang tinakasan.

"Hayup na Silas yan, biglang nagquit. Kung kelan mag-uumpisa na ang renovation saka pa umayaw at nagpadala nalang ng ibang engineer." Pabagsak na naupo si Noah sa katabi kong upuan. Pinanglakihan ko siya ng mata dahil baka marinig siya ng anak ko.

"Baka busy," simpleng sabi ko ngunit inirapan niya lang ako.

"Wag mo ngang ipagtanggol yang ex mo. Ang unprofessional niya." Inirapan ko nalang siya. Hindi ko gustong tinawag niya ng unprofessional si Silas. Isa siya sa pinakamagaling sa field.

Pero hindi nalang ako magtatalk dahil aasarin niya lang ako na hindi pa nakakamove on. No way!

Bukas na ang simula ng renovation ng bahay kaya sobrang kalat ngayon sa baba dahil may mga truck na nagdadala ng materyales na kakailanganin.

Ang unang aayusin ay ang labas, ipapayos ang gate dahil kinakalawang na iyon at delikado na lalo na at malikot pa naman si Shiloah, baka matetano.

Napakunot ang noo ko nang mag-message sa akin ang engineer na nagsasabing iba na raw ang pupunta rito para sa renovation bukas dahil sa ibang lugar daw siya pinadala ng boss niya. Pumayag nalang ako dahil wala naman akong magagawa.

Ano bang meron sa mga engineer dito sa probinsya at ang gugulo ng mga utak nila?

Siguro ay may malaki na rin ang anak ni Silas at Miss Magnaye. Baka panganay lamang iyon ng ilang buwan kay Shiloah.

Nasasaktan ako para sa anak ko. Deserve niya din magkaroon ng tatay pero ayoko namang makihati siya. Mas lalong hindi niya deserve yun.

Kahit pa may dalawa siyang dadda sa katauhan ng dalawa kong kapatid ay hindi parin iyon sapat dahil may pagkakataon na hinahanap niya ang tunay niyang papa ngunit wala akong masabi kung bakit wala ito at hindi namin kasama.

Kaya ayoko rito, nag-ooverthink lamang ako.

Kinabukasan ay maaga akong gumising para maasikaso ang mga trabahador at ang engineer. Naabutan pa nga ako nila Noah at Shiloah na nagluluto ng almusal. Sinobrahan ko na iyon para kung sakaling dumating na sila ay may maihain ako.

Matapos ang almusal ay umalis na rin naman si Noah, sinama niya pa ang kanyang pamangkin dahil sabi niya, ito raw ang magmamana ng lahat.

Saktong pag-alis ni Noah ay siya namang pagpasok ng isang Aston Martin sa garahe ng bahay. Napataas ang kilay ko lalo na nang bumaba roon si Silas na fresh na fresh sa umaga. Tsk, edi siya na ang gwapo.

"Anong ginagawa mo rito?"

"Ako ang engineer para sa project na ito."

A Sad Sight Where stories live. Discover now