Chapter 43

14 1 0
                                    

"So, kayo ni Kuya?" Ani ko kay Emilia nang maiwan kami sa sala dahil lumabas sa garden ang dalawa para mag-usap. Nag-iwas siya ng tingin at tumango. "How?" I know how much he hates girls. He hates the idea of marriage, ano kayang nakapagpabago sa isip ng magaling kong kapatid?

"Wala akong choice," nanlaki ang mata kong tiningnan siya. Did my brother forced her to come here? Oh gosh!

Emilia told me everything ngunit mukhang wala namang pagsisisi sa mukha niya nang sumama siya sa kuya ko. Mukha ngang tuwang tuwa pa siya. I don't understand her. Ayoko nalang makialam, sasakit lang ang ulo ko. As long as masaya si Noah at hindi niya ito sasaktan.

Napangiwi ako nang makita ang hitsura ni Silas nang bumalik silang dalawa ni Noah. Ang mataray kong kuya ay inirapan pa ako bago siya dumiretso ng upo sa tabi ni Emilia at yumakap sa bewang nito.

"Why did you punch him, Noah?" Tanong ko ngunit inirapan lang niya ako. Naramdaman ko naman ang paghawak sakin ni Silas.

"It's okay," malambing ba aniya na lalong kinakunot ng noo ko. Kaagad kong tinaas ang kamay ko upang punasan ang dugo sa gilid ng labi niya na malamang ay sinuntok ng magaling kong kapatid.

"Dadda, why did you punch my daddy?" Ani Shiloah na kanina pa pala nagmamasid. Pinanglakihan ko ng mata si Kuya. Sana pagalitan siya ng anak ko.

"Just because Shiloah, don't worry hindi naman mamamatay yang daddy mo sa suntok. Aww, babe!" Napasigaw siya ng maagap na kinurot ni Emilia ang tagiliran niya. Deserve!

"Bakit pumayag kang suntukin ka ni Kuya?" Pauwi na kami galing sa bahay ngunit hindi pa rin maalis sa isip ko. Gusto kong malaman kung anong pinag-usapan nila. Tulog na rin si Shiloah sa backseat.

"I deserved it. Wala pa iyon sa sakit na naramdaman mo noon sa pagbubuntis at panganganak na wala ako. At sa mga panahong umiiyak ka dahil sa akin."

"But it's my fault that I didn't let you explain before. I feel so stupid." Inabot niya ang kamay ko at pinatakan iyon ng halik.

"Kahit pa, kung mas nagpursige lang ako na mag-explain sayo, kung naging makulit lang sana ako, kung sinundan lang sana kita edi sana hindi nasayang iyong pitong taon na magkalayo tayo. I should've been there for you and Shiloah."

"But I think, hindi din tayo magwowork kahit pa hindi tayo naghiwalay noon. Kahit pa nalaman ko ang totoo noon ay may possibility na maghiwalay pa rin tayo dahil aalis at aalis ako para sumama sa kapatid ko. It'll only make us both suffer."

"Hmm, maybe you're right. I hope this is the right time for us."

Napangiti ako.

Binuhat ni Silas si Shiloah papasok ng bahay dahil tulog na tulog ito. Mukhang napagod dahil nakipaglaro ito maghapon kay Noah. Namiss ata nila ang isa't isa dahil may katagalan din na nawala si Noah.

Pinatakan niya ito ng halik nang mailagay niya ito sa kama. Wala sa sariling napangiti ako. He really looks hot. A hot daddy.

Naabutan niya ako roong parang tangang nakangiti. Lumapit siya sakin at pinatakan ng halik ang noo ko.

"Tulog na, we're going to meet my family tomorrow." Tumango ako at pumunta sa kwarto ko ngunit kaagad akong napatigil nang mapansing nakasunod siya sakin.

"Sa kabila ang kwarto mo." Pinagtaasan ko siya ng kilay.

"I'll just send you to bed." Aniya kaya hinayaan ko nalang. Nang makarating sa kwarto ay halos mahigit ko ang hininga nang bigla niya akong hapitin palapit sakanya at kaagad na siniil ng halik. Napapikit ako at kaagad na tinugon iyon.

Akala ko ba hindi ako easy to get?

I felt him lifting me up from the ground making me encircle my hands on his neck. Humakbang siya papasok sa loob ng kwarto ko at namalayan ko nalang na nakalapag na ako sa kama at mas tumindi ang aming paghahalikan.

Marahan kong tinulak ang kaniyang dibdib dahilan upang mapatigil siya sa paghalik sakin at kunot noo akong tiningnan.

"Nanliligaw kapa lang." I said, matter of factly. He chuckled. Akala ko ay maiinis siya dahil sa pagkabitin ngunit natawa nalang siya at gumulong pahiga sa tabi ko.

"Damn, I forgot. I'm sorry." Aniya kahit na hindi ko alam kung ano ang kinaka-sorry niya. "Can we cuddle tonight?" He looks so cute while asking for permission so I just nodded. Cuddle lang naman.

Saludo ako sakanya dahil nakaya niyang pigilan ang pagnanasa at respetuhin ang desisyon ko kahit pa gustong gusto ko rin sana iyon. I have to show him that I'm not that type of girl, na hindi pupwedeng iyon lamang ang importante sa relasyon namin.

Nagising ako kinabukasan na wala na siya sa tabi ko. Nag-ayos lang ako saglit bago tuluyang lumabas.

Naabutan ko silang dalawa ni Shiloah sa garden, he's teaching him how to ride a bicycle. Silas is topless while pushing the bike that our son is riding. Napuno ng hagikhik ni Shiloah ang buong hardin.

Napatigil sila nang mapansin nila ang presensya ko. Kaagad na bumaba mula sa bike si Shiloah at tumakbo papalapit sa akin. Kaagad akong umupo para lumebel sakanya.

"Mommy! Ang tagal mo po mag wake up kaya nag bike nalang kami ni Daddy. Konti nalang po, kaya ko na magbike without training wheels." Masayang kwento niya sakin. Tumango tango ako habang malawak ang ngiti sa labi dahil sa ka-cute-an niya at pinanggigilan ang kanyamg pisngi.

"Ang galing naman ng baby ko na yan,"

"Good morning." Bati sa akin ni Silas. Halos mag-init ang pisngi ko nang mag angat ako ng tingin sakanya ay abs niya kaagad ang bumungad sakin. Ang halay halay niya naman sa umaga. Penge nga ng kape!

Tumayo ako dahil baka abs niya ang makiss ko habang binabati siya ng good morning. Charot, puro kalandian, ang aga aga!

"Morning," bati ko pabalik at tumingkayad upang halikan siya sa pisngi na ikinangiti niya.

"Yiee, kilig si daddy." Pareho kaming napababa ng tingin sa sinabi ng anak at sabay na napatawa.

A Sad Sight Where stories live. Discover now