Chapter 44

13 2 0
                                    

"Hindi ka ba tinutulungan ng kuya mo or ng mama mo sa gastusin noong nag-aaral ka pa?" Tanong ko kay Silas na seryosong nagmamaneho dahil papunta kami ngayon sa kuya niya. I want to know more about him. Ito ang mali ko dati, hindi ako naging matanong kaya ang end up ay wala akong kaalam alam sakanya. Pero hindi ito chismis ha!

"Si Kuya paminsan minsan ay nagpapadala sa akin, siya rin ang madalas na nagbabayad ng bills sa bahay pero ayokong umasa sakanya dahil may asawa na siya dati. Hindi naman ako pupwedeng dumepende sakanya. Si mama naman, nagpapadala siya ng allowance sakin pero ni minsan hindi ko ginalaw iyon." Pagkukwento niya. Hindi ko maiwasang mapangiti. I'm so proud of him. "Ikaw? How's your real father? Is he good to you?"

Tumango ako.

"He is. He loves me and our son. Ni hindi ko siya narinig na magalit nang sabihin ko sakanyang buntis ako." Nakangiting kwento ko.

Nagpatuloy kami sa pagkwekwentuhan sa parte ng buhay namin na hindi pa namin alam at sa buhay namin noong magkalayo kami hanggang sa makarating kami sa bahay ng kuya niya.

It was a two storey modern house. Hindi kagaya ng bahay ni Silas na halos minimalist lang ang disenyo, ito ay halatang adik sa pink ang nakatira.

"Mahilig ba talaga sa pink ang kuya mo?" Natawa siya sa tanong ko habang binababa niya si Shiloah mula sa backseat.

"It's his wife's idea. Sunod sunuran lang iyon si kuya sa asawa niya." He's married to Jane? Silas' ex? Diba ay may anak sila?

"Oh Silas, 'yan na ba iyon?" Nakangiting salubong samin ng lalaking kamukhang kamukha ni Silas. Napakunot ang noo ko. Oo at kamukha nga siya ni Silas pero madidistinguish pa rin kung sino si Silas at sino ang kapatid niya. Pinilig ko ang ulo ko. There's no way that Silas will lie to me about that. Ang sabi niya ay kuya niya iyon at hindi siya, I should trust him. "Hi, I'm Simon. Kapatid ni Silas. Hey there little buddy, I'm sure magkakasundo kayo ng anak ko." Nakangiting ani nito at ginulo ang buhok ng anak ko bago nilahad ang kamay sakin.

"Nice to meet you, I'm Nicolei." I said as I accepted his hand and shook it.

"My wife," ani Silas at malaki ang ngiti. Kaagad kong siniko ang kaniyang tagiliran dahil kung ano ano ang sinasabi niya.

We stayed at the living room, noong una ay medyo naiilang pa ako ngunit pinaparamdam naman nila na hindi na kami naiiba ng anak ko kaya kaagad din kaming naging kumportable. Tuwang tuwa pa si Shiloah nang bigyan siya ng tito niya ng laruan.

"Daddy!!!!!" Sabay sabay kaming napalingon nang may tumakbong bata papasok ng bahay at kaagad na  dumiretso kay Kuya Simon. Malaki naman ang ngiti nito na sinalubong ito ng yakap at pinupog ng halik.

"Baby, look, they are your tito Silas' family. Your tita Nicolei and your kuya Shiloah." Pakilala niya samin sa anak niya. Mas lalong napakunot ang noo ko nang makitang iba ito sa batang kasama ni Jane. It's probably four or five years old. Kamukha niya ang kuya ni Silas ngunit may mga parte din na hindi.

"Shan baby, I told  you to stop running." Ani ng malambing na boses ng babae na papasok din sa bahay. Nang lingunin ko ito ay ngumiti ito sa akin ngunit mas lalo lang nadagdagan ang pagtataka ko. Mukha siguro ako ngayong natatae dahil sa pilit na ngiti ko. "Hi, you must be Nicolei. Palagi kang kinukwento ni Silas."

Hindi ko alam kung paano ko nakaya na makisalamuha sakanila gayong punong puno na ng katanungan ang utak ko. I want to know yet I'm afraid to know the answer.

Veronica, Simon's wife is so nice yet I'm still thinking about Jane. Kung may asawa ang kuya niya, ibig sabihin ay kabit si Jane? O hindi kaya, nagsisinungaling lang si Silas at siya talaga ang ama noon? I'm so confused right now.

Hanggang sa pag-uwi ay tahimik lamang ako. Mukhang napansin naman iyon ni Silas. Inabot niya ang aking kamay ngunit kaagad akong napaigtad at kaagad na binawi ang kamay. Mukhang nagulat naman siya sa nangyari.

"Baby, what's wrong? May nagawa ba akong mali?"

"Is Jane Simon's mistress?" Nanlaki ang mata niya at tila nahihintakutan sa sinabi ko.

"Oh God, no! Saan mo nakuha iyan?"

"Then what? Ikaw ba ang tatay ng anak niya? Wag na tayong mag-gaguhan please. Sumasakit na ang ulo ko kakaisip kung nagsisinungaling ka ba at binibilog mo lang ang ulo ko o talagang nagsasabi ka ng totoo."

"Oh God, I'm sorry I didn't made it clear to you. Jane is not my brother's mistress, she's married to my other brother. Sorry if I confused you."

"Tangina ilan ba talaga kayong magkakapatid ha?" Inis na tanong ko rito at hindi ko na napigilan magmura. Pano kasi puro siya my brother my brother tapos hindi man lang sinabi ng maayos kung ilan ba talaga silang magkakapatid!

"Apat baby, I'm sorry hindi ko agad nasabi. I forgot. Si Kuya Simon ang panganay, sunod si Kuya Timothy, siya ang asawa ni Jane, ako ang pangatlo at may bunso pa kami, si Tyler, he's just three. Lahat kami ay magkakaiba ng ama." Aniya.

"I'm sorry if I burst out." Bigla akong nahiya sa naging asal ko.

"No, it's okay. Kasalanan ko rin naman dahil hindi ko kaagad sinabi sayo. Come here, stop overthinking." Hinila niya ako palapit sakanya at pinatakan ng halik ang noo ko. Hindi niya naman ako kapatid pero panay sa ulo lang ang halik niya. Charot, matapos kong magalit ay pagnanasaan ko na naman siya sa utak ko. Nasaan na ang hiya ko.

"Hindi ka ba nagkagirlfriend noong wala ako?" I asked him, we're both lying down the bed and cuddling. Tiningala ko siya, hinihintay ang reaksyon niya. Tumango siya.

"I tried, I tried to forget you but I can't. Siguro ginayuma mo ako 'no? Patay na patay ako sayo na kahit iniwan mo na ako ikaw at ikaw pa rin ang mahal ko. Umalis ka man at bumalik, I'm right here, where you left me."

A Sad Sight Where stories live. Discover now