Chapter 31

16 2 0
                                    

May tiwala ako kay Silas.

Iyon ang paulit ulit kong binabanggit sa utak ko ngunit patuloy paring naglalaro ang nakita ko.

Hindi naman mawawala ang posibilidad na may nangyari nga sakanila bago pa man maging kami, noong mga panahong wala ako dahil naging sila naman talaga bago pa ako dumating sa buhay ni Silas. Saksi rin ako kung gaano niya ito kamahal.

"Hey, sorry hindi ako nakatawag kagabi. Nagkayayaan yung mga kaklase ko dahil birthday. Hindi na ako nakatanggi dahil kailangan ko sakanilang makisama." Mahinahon na wika niya. Tumango nalang ako ngunit ang utak ko ay lumilipad sa kung saan.

"Buntis ba si Miss Magnaye?" Wala sa sariling tanong ko. Nakita ko siyang tila natigilan ngunit ilang segundo lang ay bumalik rin sa dati ang ekspresyon niya at nagkibit balikat.

Napunta ang usapan namin sa kanyang papalapit na board exam, kahit pa lumilipad ang utak ko ay sinubukan ko paring gawin ang lahat upang intindihin ang sinasabi niya.

"Sa makalawa ay luluwas kami diyan ni Kuya, baka pwede kitang bisitahin." Ani ko, tumango naman siya ngunit tila wala sa sarili na nakatingin sa kung saan at akmang magsasalita ngunit kaagad na napakunot ang noo ko nang may magsalita sa background. Medyo malayo iyon sakanya at hindi ko maintindihan ang sinasabi ngunit mayamaya lang ay lumapit ito at nakumpirma na tama nga ang hinala ko.

"Check up ko bukas, sasamahan..." Hindi ko na narinig pa ang sinasabi nito nang walang pasabing pinatay ni Silas ang tawag.

Magkasama sila.

Niloloko niya ba ako?

Kung totoo ngang buntis siya at ito ang ama, paano naman ako? Wala na akong laban doon. Hindi naman pwedeng sarili ko lang ang isipin ko, kawawa ang bata.

Kawawa rin ako.

Tangina.

Hindi ko namalayan na usod usod na pala ang pagtulo ng luha ko hanggang sa naging hagulhol iyon.

Suot suot ko tuloy ang shades ko habang bumabiyahe kami pabalik ng Maynila. Nilagyan ko na ito ng concealer ngunit halatang halata pa rin ang pamamaga ng aking mata.

Mabuti nalang at hindi na nagtanong pa si Noah kung anong nangyari, nahalata niya sigurong ayaw kong pag-usapan iyon.

Gusto kong kumpirmahin mismo mula sakanya. Kung sasabihin niyang papanagutan niya ito ay hindi ako magdadalawang isip na pumayag. Hindi dahil hindi ko siya mahal kundi dahil ayaw kong may batang lalaki na walang ama. Ang nararamdaman ko ay hindi na importante. Masasaktan ako ngunit pansamantala lang iyon. It's not that I'm invalidating my feelings, it's just that, walang kasalanan ang bata, hindi siya pwedeng madamay.

"Andito na tayo," wika ni Noah nang makarating kami sa bahay nila dito sa Maynila. Napabuntong hininga nalang ako. Sana umuwi kami kaagad sa condo niya dahil hindi ko yata kakayaning huminga ng parehong hangin kagaya ng sa mama niya.

Mabuti nalang at nang makarating kami ay wala ito.

Umuwi lang naman kami ni Noah para pumunta sa eskwelahan at magcomply ng ilang project at magtake ng exam. Babalik din kami sa probinsya pagkatapos.

Hindi ko alam kung saan tumutuloy si Silas ngunit alam ko kung saan siya nag-enroll na review center kaya doon ko nalang siya aabangan. Plano kong surpresahin siya. Halos dalawang linggo na rin kaming hindi nagkikita. Kahit pa nasasaktan ako ay mas lamang pa rin iyong kagustuhan na makita siya at mayakap.

Miss na miss ko na siya to the point na sobrang sakit na. Isipin palang na hindi niya sakin sinabi ang totoo ay parang hinihiwa na ang puso ko.

Pero hangga't hindi napapatunayan, hindi ko siya pagdududahan. Kailangan ko lang sakanyang magtiwala.

A Sad Sight Where stories live. Discover now