Chapter 10

17 1 1
                                    

The night of our acquaintance party came. Kagaya ng madalas na ganap namin ni Silas ay magsasabay kami papunta sa eskwelahan.

Nag-offer pa nga si Noah na susunduin pa ako ngunit mariin kong tinanggihan dahil hindi naman na kailangan.

Ang mama ay madalas rin akong pinepeste tungkol kay Noah simula noong pumunta ito sa bahay. Lalo na ng makita ang mamahaling damit na binili nito para sa akin.

Naaalala ko pa kung paano nagningning ang mata niya nang makita ang mga iyon. Ang mga kislap ng mata niya ay tila nagsasabi na tama nga ang hinala niya na mayaman ito.

Muli kong pinasadahan ng tingin ang sarili ko sa salamin. The black dress fits my body perfectly. Kahit simple lamang ang design noon ay hindi mo maipagkakailang mamahalin talaga iyon.

I applied a little bit of makeup. Ang pangit naman kasi kung ang ganda ganda ng damit ko ngunit hindi naman bagay sa mukha ko, hindi ba?

Nang makuntento ay lumabas na ako ng bahay. Wala si mama ngunit alam naman na niya na ngayon ang party kaya hindi na iyon maghahanap pagdating niya.

Ang usapan namin ni Silas ay sa parada na lamang ng tricycle kami magkikita.

Medyo nahirapan pa ako sa suot suot kong heels dahil hindi na ako sanay mag-suot ng ganun.

"Ganda naman, baka lalong mainlove si Silas sayo niyan," wika ni Aleng Gloria nang mapadaan ako sa tindahan niya. Napailing na lamang ako dahil sa matanda. Madalas niya talaga akong iship kay Silas kahit pa paulit ulit kong sinasabi sakanya na magkaibigan lamang kami.

"Saka nalang ako sayo makikipagchikahan Aleng Gloria, baka malate na kami." Ani ko at kinawayan siya bilang tanda na aalis na ako.

"Oh siya sige, kanina pa naghihintay si Silas diyan sa parada. Hay nako, ang pogi pogi ng alaga ko, dapat mainlove kana sakanya." Hirit niya pa na tinawanan ko lang.

Tama nga ang sinabi ni Aleng Gloria dahil pagdating ko sa parada ay nandoon na ang gwapong gwapo na si Silas. Hindi niya pa napapansin ang pagdating ko dahil kausap niya ang tricycle driver na madalas naming masakayan.

May binulong sakanya si kuya driver at unti unti siyang humarap sa kinaroroonan ko. Our eyes met. Nahigit ko ang hininga ko.

It's not everyday that you'll get to see him this formal, and damn it, it suits him.

He's wearing a simple button down white long sleeve and a pair of pants but he still looks downright handsome.

Bigla naman akong na-conscious sa ayos ko.

"Uh, tara na?" Naiilang na ani ko nang ilang minuto na ang nakalipas ngunit nakatitig parin siya sa akin.

Tahimik kaming pareho sa loob ng tricycle, langhap na langhap ko ang bango niya. Parati ko naman iyong naaamoy ngunit iba ang dating noon ngayon.

Shuta, tama na ang kapupuri sakanya. Oo na, gwapo na siya.

"You look gorgeous," maya maya ay ani niya.

"Uhh, thanks. Ikaw din."

And then the awkward silence filled us. Hindi ko na alam kung papano pa dudugtungan ang usapan namin.

Hanggang sa makarating kami sa campus ay wala kaming imikan.

Naghiwalay kami nang makapasok sa function hall dahil magkaiba ang space ng first year sa fourth year.

"Text me if you already want to go home," aniya at tumango ako at nagpaalam.

Nakarating ako sa table na nakalaan para sa block namin at nakita ko roon si Noah. Tinaas pa nito ang kamay niya at tinuro ang katabi niyang upuan.

Hindi ko alam kung bakit andito 'to kahit na sa minor subject lang naman namin siya kaklase at nasa kabilang banda pa ang department nila.

Naupo ako sa tabi niya at nakipagkwentuhan sakanya.

"That dress really suits you, mabuti na lamang pala at iyan ang pinili ko."

"Thank you ulit dito, it's really pretty."

Natigil kaming dalawa sa pagkukwentuhan nang biglang magsalita ang MC ngayong gabi.

It was Miss Jane Magnaye with another professor.

She looks really gorgeous, no wonder Silas fell in love with her.

Kahit malayo ay nahuli ko ang titig ni Silas sa stage. He looks really proud.

Everyone in the campus thinks that I am his girlfriend. Hindi ko dineny at hindi ko rin ni-confirm dahil na rin sa pangako kay Miss Magnaye. Para naman tuloy akong nainvolve sa mga celebrity. Hayst.

Parang ang big deal big deal sakanila kung may karelasyon na ba si Silas o wala.

When the program ended, nagsimula nang magserve ng pagkain at iyong iba naman ay pumunta na sa dance floor.

"Do you want to dance?" Tanong ni Noah ngunit dahil sa lakas ng tugtog ay hindi ko maintindihan ang kanyang sinasabi.

Nilapit ko sakanya ang tenga ko at halos pangilabutan ako nang tumama ang hininga niya sa tenga ko nang bumulong siya. Wala sa sariling napatango ako kahit na hindi ko talaga narinig iyon.

Nagulat nalang ako nang bigla niya akong hilahin patayo at dinala sa gitna ng dancefloor.

Kung kanina ay medyo upbeat pa ang tugtog, ngayon ay napalitan iyon ng malamyos na tugtog. Pati ang mga ilaw ay naging mapaglaro rin at bagay na bagay sa ganitong atmospera.

"Ang ganda mo tonight," he said, out of nowhere.

"Tonight lang?" I tried to crack a joke and he chuckled.

Did I already said that Noah is also downright handsome. Unlike Silas, who has a fierce and strong facial features, Noah is angelic making him look like a soft boy. He also has a chinky eyes and chubby that makes him look like a hamster sometimes.

"No, always naman. Hindi ko ito sinasabi dahil magkaibigan tayo ha, pero parang ganun na nga." Pang-aasar niya kaya kaagad ko siyang hinampas sa braso.

Nang matapos ang malamyos na musika ay napalitan naman iyon ng mas upbeat na naman kaya nagsipuntahan lahat dahil kumpara kanina na puro magkakapartner lamang ay mas naeenjoy nila ito dahil tila talaga nasa party. Habang nageenjoy sila ay kaming dalawa naman ni Noah ay naupo na dahil nagrereklamo na ako na masakit ang paa.

"Let's go outside." Biglang aya niya na tinanguan ko lang dahil medyo mainit na nga rito sa loob.

Tahimik lamang kami pareho nang makalabas kami hanggang sa basagin niya iyon.

"Nicole, do you want to marry me?"

A Sad Sight Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon