Chapter 40

19 2 0
                                    

Nakahilata ako sa kama at walang planong gumalaw. Alam mo yung pakiramdam na sa sobrang lungkot mo ay mas gusto mo nalang mag-muni muni at walang gawin. It's like the sadness is sucking my energy away.

I don't want to act like this when I'm not in my own house, kailangan kong makisama ngunit ang katawan ko naman ang ayaw kumilos. I feel so drained. Mabuti na lamang at patapos na ang renovation ng bahay at pupwede na kaming bumalik roon sa isang araw. Nakakahiya rin kasi dahil sobra na kaming nakaabala kay Aleng Gloria, if that happens, hindi ko na kailangan makita si Silas. The sight of him is enough to hurt me.

Akala ko dati ay tanggap ko na na mayroon na siyang pamilya. Paulit ulit ko na iyong isinaksak sa utak ko kaya bakit ba ako nagkakaganito?

Napipilitan akong tumayo upang pagbuksan ang pinto nang may kumatok roon.

It was Shiloah.

"Are you okay mommy?" Tanong nito. Bata palang siya ngunit ang dating ng kanyang tanong ay tila isa na siyang matanda na nag-aalala sa akin. Tumango ako at inaya siya sa loob. Gabi na at siguro ay inantok na siya matapos makipaglaro kay Aleng Gloria. Pinilit kong ngumiti sakanya ngunit alam kong hindi iyon umabot sa aking mata. Hindi niya naman siguro iyon mapapansin, ayokong makita ng anak ko na malungkot ako.

"Don't be sad mommy, I love you. Daddy said to not let you be sad and that I should always protect you." Sabi niya ngunit kaagad na nanglaki ang mata niya nang tila may narealize. "Oops, that should be our secret." Napakunot ang noo ko.

"Sinong daddy? Si Kuya?" Nagtatakang tanong ko. He usually calls my brothers dadda.

"No mommy, don't mind what I said. Erase, erase!" Humagikhik pa siya at kinampay ang kanyang maliliit na kamay na animo ay nag-eerase siya ng kung ano sa hangin. Napatawa nalang ako sa kakulitan ng anak.

"Lika nga dito, kiss mommy nalang so I won't be sad." Mas lalo siyang humagikhik nang pugpugin ko siya ng halik sa pisngi.

"Asan ka? Bakit ang sabi ng mga tao dito ay hindi naman daw kayo umuuwi dito sa resort? Ano? Nagpapakarat kana naman ano, ay nako baka mamaya mabuntis kana naman ng hinayupak na yan. Aba, sumagot ka Nicolei." Napairap ako nang ratratin ako ni Noah pagkasagot na pagkasagot ko ng telepono. Ilang linggo siyang hindi tumawag tapos ngayon ganyan ibubungad niya sakin.

"Paano ako makakasagot eh parang armalite yang bibig mo Kuya? At saka hindi ba ay sinabi ko naman sayo na kila Aleng Gloria muna kami tutuloy dahil madalas ay fully book ang resort, ayaw naman namin na may makumpurmisong guest para lang sa amin. Teka, kelan ba ang uwi mo?" Napaangat ako ng tingin sa naglalarong si Shiloah, nang mapansin niyang nakatingin ako sakanya ay ngumiti siya. He really looks like his dad.

"Malapit na kami diyan. Susunduin ko na rin kayo, ang sabi ng engineer ay patapos na rin daw ang renovation. Gusto niyo bang sunduin ko na kayo pagkadating namin o diyan na muna kayo?"

"Dito nalang kami muna dahil gustong gusto ni Shiloah rito kay Aleng Gloria."

"Oh sige, mag-iingat kayo. Bye, love you." I heart someone tsked on the background but I care less.

"Okay, love you too. Ingat. Pasalubong namin please." Ani ko.

"Pakausap muna saglit kay Shiloah." Ani nito kaya nilapit ko sa anak ko ang telepono.

"Dadda, buy me some toys please."

Saglit pa silang nag-usap na dalawa kaya hinayaan ko nalang ngunit kaagad akong natigilan nang masalubong ko ang nag-aalab na tingin ni Silas na nakasandal sa hamba ng doorway na patungong kusina. Inirapan ko na lamang siya at hinintay ang cellphone ko na gamit ni Shiloah.

"Mag-usap tayo." Napaigtad ako nang biglang magsalita ito sa may sa tabi ko.

"Para saan? I believe wala na tayong dapat pang pag-usapan. Pitong taon na tayong tapos."

"Mag-usap tayo sa labas, huwag sa harap ni Shiloah."

"Sige, doon tayo sa labas, sa harap ng mga chismosang kapitbahay." Nakita kong umigting ang panga niya, tila inis na hanggang sa namalayan ko na lamang na hila hila niya na ako paakyat sa second floor ng bahay. Ngunit bago iyon ay nagpaalam muna siya sa anak ko at kumaway lang ang anak kong walang kaalam alam.

Halos mapaigtad ako nang padarag niyang sinara ang pinto at nilock iyon. Dito kami sa kwarto niya  pumasok!

Napahakbang ako patalikod nang maglakad siya papalapit sakin. Mabibigat ang kanyang hininga habang ginagawa iyon. Hindi ko maiwasang matakot para sa sarili ko dahil alam kong marupok ako.

"Your son said he has no father." Panimula niya. Nagtaas ako ng kilay upang itago ang kabang nararamdaman ko. Hindi ko gusto kung saan patungo ito. "I... Am I his father?" He asked, almost begging me to say yes. Napakunot ang noo ko at walang emosyon na natawa.

"You are not his father. At nagkakamali ka, may ama ang anak ko. Dalawa pa. My brothers are enough, he doesn't need another one." I said firmly.

"Nicole please, I want an honest answer. Gusto kong manggaling mismo sa bibig mo." Nag-iwas ako ng tingin. I hate the look on his face. It makes me weak seeing him this weak. Bumuka ang bibig ko ngunit walang salitang lumabas doon. May parte saking gustong sabihin na oo, anak mo siya ngunit meron parin na sinasabi sa akin na huwag na dahil hindi  niya deserve si Shiloah.

"Bakit pa? He doesn't need a father, especially if it's you." Nanlaki ang mata niya. "Ayokong makihati ang anak ko sa tatay ng iba. Bakit hindi nalang iyong mag-ina mo ang atupagin mo?"

"Wala kaming anak ni Jane! Hell, ikaw lang ang gusto kong anakan." Napaiwas ako ng tingin. Ayokong mahipnotismo sa mata niya at kaagad na maniwala. Nakita ko, I saw everything yet he's trying to deny that.

"Cut all your lies Silas. I'm so fucking exhausted, hindi ka namin kailangan ng anak mo. At oo, he's your son. Masaya kana? So pwede ba, tantanan mo na kami dahil nakuha mo na ang sagot na gusto mo. Just forget about the existence of my son, tutal kayang kaya naman iyong punan ng anak ninyo ni Jane."

A Sad Sight Where stories live. Discover now