Chapter 31

4.7K 93 36
                                    

Crashing Into You
Chapter 31
That’s it

Those words…it shatters me just enough to clear all my thoughts and focus on the pain.

My brother’s wife. Brother, it hurts. Wife, it hurts. Everything about him still hurts me and no one knows. None of them who’s here knows how I’m feeling.

“Uh…” hindi ko alam kung paano magre-respond sa kaniya.

“She’s Hope. Hillary Ophelia,” ani Asael sa likod. “Here’s the cashew nut,” sabay marahang abot nito sa asawa.

Kinalabutan ako sa pagbanggit niya ng aking pangalan. Kailan ko nga ba huling narinig na tawagin niya ang pangalan ko? Seven years. It’s been seven years.

Sumasakit ang puso ko kapag naiisip na pitong taon, nakaahon na siya habang ako, hindi pa rin. Nasasaktan pa rin at ngayon ang sakit na iyon ay hahaluan pa ng inggit ngayong nasa harap ko ang asawa niya.

“You have a lovely name,” she said.

Asael snorted. Pinanlamigan ako. Alam kong galit siya sa akin, inamin niya iyon. Pero hindi ko alam na hindi niya itatago ang galit na iyon miski sa asawa.

“I’ve been wanting to meet my husband’s sister. Apat na taon na kami kaya…” lumawak ang ngiti ng babae.

Kumurap siya nang tignan ako ng mata sa mata. She looks scared so I shut my eyes because I am probably glaring her at without me knowing it.

“Rina, magluluto na ba?”

Mommy’s voice was echoing as she enters the room. She gasped when she saw the three of us. Si Asael, nakabaling sa sink at tila iniiwasang makita ako ngunit sumusulypa din, si Rina ay sa akin naman nakatingin.

“Oh my god! Ang mga anak ko, kumpleto,” she exclaimed and chuckled afterwards.

Sinubukan kong ngumiti para hindi maging awkward ang sitwasyon namin pero nauwi sa pilit iyon.

“Let’s take a picture later, hmm?” Mom said and glanced at Dad.

I nodded immediately.

“Nice meeting you,” I uttered weakly before I took big steps towards the fridge.

I want to drink coffee but since I feel like I’m heating up, I only want to drink water now. Ilang lagok ang ginawa ko, nakikinig lang sa biro ni Mommy pero tahimik na nasasaktan.

“Kayong mag-asawa na ba ang magluluto?” ani Mommy.

“Pwede naman po, Mom. Magaling si Asael magluto,” iyong Rina na mahinhin ang boses kahit pa natutuwa.

“Really?”

“Opo. Hindi naman po pwedeng magaling lang siyang kumain,” sabi nito sabay bumungisngis.

I rolled my eyes before I even knew it. Natutop ko ang labi sa naging reaksyon. This isn’t good. Hindi pwedeng iirapan ko na lang siya bigla dahil mukha namang mabait nga ito. She looks like an angel. Maraming nagsasabi na maamo ang mukha ko at tanging ang mata lang ang nagpapasungit sa akin habang si Rina…

I stopped myself when I realized what I’m doing. Bakit ikinukumpara ko ang sarili ko sa kaniya? Sa buong buhay ko, wala namang gumawa noon sa akin. Mom and Dad never did that and even though Papa has Tanya, he didn’t compare the two of us too tapos ako…ganito?

“Lola…” I heard my son’s voice.

Dali-dali akong lumingon doon na siya rin namang ginawa nilang apat. Asian stood there, looking clueless of who’s the man facing him. Thank God, Asian and Yoris has my face. Hindi nakuha ang kay Asael maliban na lamang sa mga mata nila. Pero pwede namang sabihin kong sa ama nila nakuha iyon, ‘di ba? At hindi pa rin malalaman ni Asael na kaniya ang mga bata?

Progeny #2: Crashing Into YouWhere stories live. Discover now