Chapter 5

7K 114 8
                                    


Hahanapin

Bumalik na ako sa loob at nagpatuloy sa paglilinis. Lumabas si Ate Jess sa kusina, hawak ang cellphone.

“Si Asael ba napansin mo?” tanong niya.

I nodded.

“Nasa labas, Ate. Naghahakot daw siya.”

Her eyes widened so bad that I am afraid her eyeballs will pop out of its socket. She smashed her palm on her forehead.

“Gosh! I forgot about that! Wala pala akong pang meryenda at pantanghalian,” kunsumidong sambit niya.

May tatlong sunod na messenger tone sa cellphone niya. Mas lalo siyang nagmukhang stress. Kinamot niya pa ang kaniyang noo.

Knowing she’s facing a simple problem, I offered a hand.

“Ate, ako na lang ang gagawa ng meryenda,” sabi ko at mabilis na pumasok sa isip ang brownies.

She looked at me like she’s contemplating what I said. Para bang ayaw niya akong gawin iyon dahil hindi niya ako utusan pero wala na siyang choice. I smiled to make her feel better. I am offering naman.

“Hope, sigurado ka ba? Wala ka bang ibang gagawin?”

“Wala, ate.”

Her lips puckered and she went to me and gave me a quick hug.

“Thank you. Kahit anong ulam din ang ihanda mo. Hindi maselan si Asael,” aniya. “Mag-aasikaso lang ako. “

Tumango ako at hinayaan siya. Niligpit ko na ang mga ginamit bago tinungo ang kusina at nag-umpisang mag-asikaso ng pang-brownies.

This is my favorite sweets. Sana lang ay magustuhan iyon ni Asael. Ito lang ang madali kong magagawa na hindi sobrang makabubusog sa kaniya. Kakain pa kasi ng tanghalian.

Sinimulan ko naman ang pagluluto ng steak para sa lunch ni Asael. He’s doing something hard so I think this would be a better reward. Minsan lang naman kumakain ng ganito ang mga mahihirap kaya mas magandang ganito ang iluto ko.

Paluto na ang steak nang marinig ko si Ate Jess sa may pintuan ng kusina.

“Hindi na raw pala rito magtatanghalian si Asael. Tinawag pala kanina ni Melinda.”

Umawang ang labi ko. The steak is almost done. I put a lot of effort in this because he deserves to it a good food after a tiring work. Lumabi ako pero tumango kalaunan. Wala naman akong magagawa.

I took a deep breath.

“Brownies na lang ang ilalabas ko, Ate,” mahinang usal ko.

“Oo. At saka pakisamahan na rin ng juice. Thank you.”

“Sige po.”

Ate Jess left and I was just there, staring at the steak. Maybe we can eat this later at night? Marami kasi ‘to at pwedeng pantatlong tao. Just in case he’s too hungry and wants more. But he won’t eat here, so.

Hinintay ko na lang tuloy matapos maluto iyon bago lumabas bitbit ang brownies at ang juice.

Inilapag ko ito sa mesa sa labas, may dalawang upuan doon. Siguro dito na lamang siya kakain. Nilibot ko ang tingin at baka may mga batang hihingi, marami naman ito at talagang sinadya kong dagdagan.

Wala si Asael dito. Siguro ay naghahakot pa.

I waited for him. Ang mga mata ko ay nakatuon agad doon sa eskinita. Ilang minutong walang lumilitaw na Asael doon at nang makita ko siyang lumabas mula sa ibang eskinita, walang bitbit katulad kanina, naunawaan ko na.

Progeny #2: Crashing Into YouWhere stories live. Discover now