Chapter 2

11.3K 143 7
                                    

Crashing Into You
Chapter 2
Malikmata

“Really? You’re overqualified. Pwedeng mataas na posisyon agad. Ayaw mo talaga?” maaliwalas ang mukha ng babae habang tinatanong iyon.

Nakangiti akong tumango.

“Gusto ko po kasing… magsimula sa mababa. I want to earn my position if ever,” pagtanggi ko sa alok nito.

Lumawak lalo ang kaniyang ngiti, animo’y hindi inakalang maririnig iyon sa akin. The truth is, I can’t do a full time job. Nagtungo ako rito hindi upang magtrabaho talaga at mamuhay na normal. I want to find my biological father. The one who keeps on leaving note to me. Ibig sabihin nais niyang hanapin ko siya.

I really don’t understand why can’t he just meet me? Bakit hindi niya ako harapin na lang kaysa iwanan ako ng mga mensahe? Maybe he wants to play? I’m not sure.

“Naku, hija. Matutuwa talaga ang taas nito kapag nalaman nila na narito ang unica hija ni Mr. Del Rico. Your father was an investor in this Resort.”

Tumango na lamang ako at nagpatuloy sa pagngiti. Soon, we left her office. Dinala niya ako sa isang lugar kung saan maraming nagtatrabaho doon. More likely…ang washing area. Katabi noon ang imbakan ng mga uniform.

“Here. Bago iyan. Hawaiian style kasi ang uniform dito.”

I opened the the tiny box and saw two pairs of uniform. Isang hawaiian style na blouse, burdado ng magagandang bulaklak at ang pang-ibaba ay kulay puting palda na one inch above the knee.

“Pahingi nga ako ng bagong apron!” ani babaeng nasa harap ko at tumingin sa akin. “Kailangan mo iyon para hindi mabilis madumihan ang palda mo. Puti, e. Huwag kang mag-alala, mula naman iyon sa baywang hanggang sa kalahati ng palda. Hindi matatakpan noon ang ganda mo.”

I have nothing against the uniform here. Pero sa halip na magsalita, tango na lamang ang isinagot ko.

“You can start tomorrow?” she asked.

Umiling ako.

“W-wala naman ho akong gagawin ngayon. Kung… okay lang po at hindi magiging labis sa tao, nais ko po sanang magsimula agad,” tugon ko.

Maiinip lamang ako roon at hindi ko naman pwedeng guluhin si Ate Jess. Mas mabuti ‘to. Sa unang linggo, kailangan kong i-familiarize ang sarili sa lugar, mga tao at mga kaugalian dito. Hindi pwedeng biglain ko ang paghahanap. Isa pa, naisip kong baka trabahante rin dito ang tunay kong ama o baka dati siyang nagtatrabaho rito. Kailangan kong malaman iyon at kunin ang tiwala ng mga narito para mas mapabilis ang lahat.

“Sige. Pwede ka ng mag-start. May kasal bukas kaya maraming aayusin.”

Hinatid niya ako sa restaurant at doon, kita agad ang sobrang busy na mga katulad kong waitress.

“Siya nga pala, tatlo ang restaurant dito. Gusto kasi noong ikakasal ay may pika-pika event kaya dito ka muna. Sa main kasi naroon ang mga ibang bisita at kumakain. Baka mabigla ka bilis ng kilos doon.”

“Ah… wala pong problema sa akin. Okay po ako rito.”

She nodded.

“Jona!” tawag niya sa babaeng nasa dulong bahagi ng restaurant at nagmamando sa mga nag-aasikaso ng lamesang mahaba. “Paki-assist ang bago nating kasama. Ituro mo lahat ng kailangan malaman.”

The woman went to us.

“Sige, Ma’am! Masusunod.”

Jona looked at me and motioned me to follow her.

“Good luck, Miss Del Rico,” ani babaeng nag-interview sa akin.

“Salamat.”

Sumunod na ako sa babae. Huminto rin kami doon sa mga nag-aasikaso ng mesa. She elaborate what we do.

Progeny #2: Crashing Into YouWhere stories live. Discover now