Chapter 29

11K 142 91
                                    

Cruel

Kumabog ang dibdib ko roon. Pupunta rin dito si Asael? Ang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil doon. Pinagpapawisan ako nang malamig. Nagpapasalamat na ako kanina na wala siya at sila Mommy at Dad lang ang pumunta. Hindi ko pa kakayanin na makaharap si Asael. Taliwas naman doon ang nararamdaman ni Mommy.

“May ipakikilala kami sa iyo, anak,” aniya sa magiliw na tono.

Hindi ko maibalik ang ngiti ni Mommy. Mas nagtumindi ang aking kaba nang makarinig ng panibagong dating na sasakyan. Indeed, Asael is with his parents now, just like what I want before.

Tumayo sila Mom at Dad at ako ay hindi magawang kumilos. Tumigil ang tunog ng sasakyan at ilang minuto ay tila napakabilis lang na segundo.

Nakarinig ako ng mga yapak at ang pagtawag ni Mommy.

“Dito, anak. Narito ang kapatid mo,” excited ang boses ni Mommy.

Bawat yapak ay katumbas ng tibok ng puso kong nagpapasakit ng aking dibdib.

“Hope, I want you to meet someone, anak.”

Mommy went to me and took my hand. I was trying to control my emotion when I faced the other side where Asael was standing.

Nakita ko agad siya, tila noong unang beses kong nakilala, ganoon pa rin ang kaniyang aura. Kung may nag-iba roon ay ang kaniyang kasuotan lamang. Suot niya ang buttoned long sleeve at kulay puting pantalon. May hikaw pa rin ang kaniyang isang tenga at masungit pa rin ang mukha.

He still looks handsome and more presentable now. Hindi na iisipin na dumanas siya ng hirap. Asael’s features became more evident and sharp and his body, it looks good now and more defined. This kind of man won’t be vacant for so long, right?

Ngayon, mas sigurado ako kung sino ang nakikita ko sa kaniya. Si Dad, dahil ito ang kaniyang ama. Hindi nawala kay Asael ang aura ng pagiging bad boy pero ngayon, sa malinis na paraan iyon.

He’s having his life that he was supposed to have before. I should be happy. I am happy. I smiled at him but what hurts me is…he didn’t return my smile.

“Anak, this is your sister, Hope.” Sa akin naman bumaling si Mommy na kitang-kita na masaya siya. “And Hope, this is your brother, your Kuya Lucian’s twin, Asael.”

Masaya ang pagkakasabi ni Mommy ngunit ang dating sa akin ng salita ay malamig. Umaabot pa iyon sa kaibuturan ng aking pagkatao. Ramdam ko ang pagsakit ng lahat sa akin dahil…ang salitang kapatid ay hindi ko yata kailanman makakayanan kahit noon pa man ay sinubukan ko na iyon.

“H-hi…” pagsubok ko, para lang hindi mapansin nila Mommy ang kaibahan niya sa akin.

Again, my heart constricted in pain when he just gave me a short nod and a frown.

“Nakapasok na ho kayo?” tanong niya kay Mommy.

“Oo.”

He nodded.

“Papasok ho muna ako,” aniya.

Hindi ko alam kung bakit napakabilis sa akin ng lahat animoy minamadali ako ng tadhana. Ni hindi ako nabigyan ng pagkakataong maluha sa kaniyang pagtalikod. Ang alam ko lang, kung pwedeng magdugo ang puso, ganoon ang nangyayari sa akin ngayon.

“He’s just like that but he’s good, anak,” alo ni Mommy sa akin.

Doon lamang muling tumulo ang luha sa aking mga mata at kunwaring tumatango at naiintindihan iyon.

Asael is different now. He doesn’t even acknowledge me. Maybe, he hated me so much. Baka nga galit na lang ang nararamdaman niya sa akin dahil trinaydor ko siya noon. Pero hindi ba dapat at mapatawad niya ako sa tagal ng panahon? Dahil ngayon ay maganda ang buhay niya sa piling nila Mommy? Now, he has a family he can call his own.

Progeny #2: Crashing Into YouWhere stories live. Discover now