Chapter 25

8.8K 92 17
                                    

Sakit

I live a normal life, far from pain and misery. Although, that's what my future says since I have no mother and my father doesn't know my existence.

The Del Rico family welcomed me into their home, treating me like their own without expecting anything in return. Though, sinasabi ng iba na kinuha nila ako dahil kailangan ni Mommy ng bata na makapagpapabalik sa kaniya sa dati. I am still very grateful.

I promised myself before that I will never disappoint them. Wala lang ako magawa noong naging kuryuso na ako sa may mga sulat na nakikita sa akin.

The last letter I got was from Mellet. But now, I don't receive any. It bothers me because I already know their intentions for me. Mommy was a caring mother, and despite initial reluctance from Dad, who some uncles teased, he turned out to be a great role model for me. Kaya hindi ko maiwasang makaramdam ng pananakit ng dibdib kapag naiisip kong nagagawa ko silang ganituhin.

I don't know if they will understand me. Kahit pa gumagawa ako ng paraan para makilala nila si Asael, hindi mabubura noon ang katotohanan na nagkaroon ako ng relasyon sa tunay nilang anak at pinili kong manatiling tago ang tungkol sa kaniya.

Instead of loving Asael and luring him into this relationship, I should be a way for him to finally embrace the fact that he has a family. Pero ngayon, tanggap niyang hindi makilala at makasama ang mga magulang.

I am not supposed to be happy about having Asael in love with me, and I will never be happy about that even in the future. Kaya paano ko pipiliin ang manatiling kay Asael kung alam kong hindi ako magiging masaya nang buo?

Bumagsak ang tingin ko sa kamay na pumulupot sa aking baywang. Lumukob ang init sa aking likuran.

"What are you cooking?" paos na tanong niya sa aking tenga.

I smiled simply.

"Bacon," I murmured.

"Tuloy tayo ngayon?"

I nodded.

"Gusto kong puntahan iyong falls na sinasabi mo sa De Grenjas."

He hummed in my ear as he tightened the hug around me. Despite turning off the stove, I didn't ask him to let go. Pumikit ako at dinama ang pakiramdam na yakap siya.

One week, we stayed in the resort. We did a lot of activities that I will instill in my mind for a good memory. After that, we stayed in Ate Jess house only to go wherever I wanted to visit.

Mag-iisang buwan at kahit nakakaramdam ako ng saya at safety kay Asael, hindi nababawasan ang kaba ko sa nangyayari sa pamilya ko.

Hindi lingid sa aking kaalaman ang paghahanap nila Ate Dilay kay Asael. May impormasyon na silang nagtrabaho ito sa gobyerno noon kaya sinusubukan na gumamit si Ate ng koneksyon.

I believe the syndicate within the government made every effort to conceal the identities of those involved in their transactions, like Asael. Patuloy ako sa pagpapadala ng mga litrato pero hindi ko agad masabi kung nasaan ang taong hinahanap nila dahil para sa akin, tanggap ko naman na sa kanila pa rin si Asael pero gusto ko pa na makasama siya.

Para sa araw na 'to, nakahanda na ang mga dadalhin namin mula pa kagabi. Kahapon, nang tanungin kami ni Ate Jess kung saan kami pupunta, nahalata kong gusto niya na sumama pero hindi niya masabi dahil alam niya ang desisyon ko.

Ang tanging nagpapalakas ng loob ko na ipagpatuloy ang plano ko ay siya at si Tanya. Without them, baka sa tuwinang mahahalikan ko si Asael at mayayakap, mabubura ang kagustuhan kong iwan siya para sa nakabubuti.

"Malayo pa ba?" tanong ko nang huminto para makahinga nang maluwag.

Ngumisi siya sa akin, walang mababakas na alam niya kung bakit palagi kong gustong libutin ang lugar na 'to.

"Malapit na. Pero bababa pa tayo kaya may katarikan ang daan patungo sa falls," ika niya.

Hindi ko mapigilang ngumiwi doon na ikinatikwas naman ng kaniyang kilay.

"Pang-ilan na falls na 'to na napuntahan natin?"

Nagsimula na akong lumakad palapit sa kaniya na higit na nauuna sa akin.

"Alalayan mo ako, ha? Baka malaglag ako."

"Siyempre. Mauuna muna ako bago ka," aniya.

Nagdiretso kami sa paglalakad hanggang sa marating namin ang isang guard house. Tumango ito kay Asael.

"Bisita? Anak ng amo mo?" tanong agad ng lalaki.

I glanced at Asael. Umiling ito.

"Girlfriend ko."

The guy looked like he's shock to her that.

"Aba! May nobya ka na rin pala. Iyong kaibigan mong si Leon ay wala pa. Babaero pa rin," dinig ang pagbibiro sa boses nito.

"Hindi na kami masyadong nagkikita noon. Tumigil na ako sa ganoong trabaho."

Somehow, when Asael brought up the word "trabaho" naunawaan ko na kung ano ang pinag-uusapan nila.

Sumulyap sa akin ang lalaki. I tried to smile at him.

"Huwag na kayo magbayad," anito.

"Huh? Why?" confused na tanong ko.

Tinuro ng lalaki si Asael.

"Kilala ko naman 'to." Kumumpas siya na tila pinatutuloy na kami. "Sige na."m

Nagdadalawang-isip ako kung susunod pero nang kuhanin ni Asael ang kamay ko at hilahin na ako para makaalis, wala na rin akong nagawa.

The journey to the falls is not only lengthy but notably uphill. Sa taas noon, kahit wala akong fear of heights ay nanginginig na rin ang tuhod ko. Hindi siya sobrang slanted at animoy parang hagdan sa langit. Isang maling tapak lang ay sa falls ka na pupulutin.

"Mabuti walang tao," ani Asael.

I pouted at that.

"Bakit? May plano ka?"

He glanced at me, his face carrying an amused expression.

"Magsusuot ka ng bikini, 'di ba? Kahit maghubad ka rito, walang makakakita sa iyo," pagtatanggol niya sa sarili.

"Anong tawag mo sa iyo?"

"Anong ako? Nag-sex na tayo kaya nakita ko na lahat iyan" mayabang na aniya.

I glared at him. Why did I forgot he's this kind of person when I first met him? Bulgar at diretso. Minsan naman talaga ay ganito siya sa akin. Hindi ko na lamang masyadong pinapansin dahil nasa loob naman kami ng kwarto o 'di kaya ay kami lang sa bahay. But right now, I feel like maririnig iyon ng mga lamag lupa rito at nahihiya ako.

"Shut it, Asael!" asik ko sa kaniya.

His thundering laugh echoed in the whole forest. Talagang napapalibutan 'to ng puro puno at nag-iisang sentro ay ang falls.

"Where does the water come from?" turo ko.

"Sa sibol?"

Hindi siya sigurado sa tanong niya. Inalis ko ang suot kong cover up at saka umapak sa tubig, iniwan siya sa roon sa bandang gilid. Nakaupo siya at nakatanaw lang sa akin.

"Malalim ba?" medyo takot kong tanong.

"Marunong ka lumangoy?"

Lumabi ako.

"Konti yata?" I'm not sure.

I'm not into pools. Kapag may party, mostly ay nasa tabi ako, hawak ang laptop at panaka-nakang nililingon ang mga pinsan ko. I am more studious than doing activities such as swimming. Sa dagat, nakakalangoy lang din ako kapag alam kong nakakapa ko pa ang buhangin.

"Subukan mo. Sasagipin kita kapag 'di mo na kaya," aniya sa mababa at normal na boses.

Nagkibit-balikat ako at sinubukan nga iyon.

Malamig ang tubig nang lusungin ko ito. I was so confident na may tatapakan pa ako kapag tinigilan ko ang paglangoy pero nang subukan ko, wala akong matapakan at halos lumubog ako sa gulat. Gayunpaman, kinalma ko ang sarili habang nasa ilalim ng tubig at saka nagbalak lumangoy ulit sa tabi.

I succeeded in doing that.

"Ang lalim!" I told him.

A keen smile crossed his lips.

"But you know how to swim."

Tumayo siya at tumingala para lang maramdaman pa mismo ang araw. I thought he's just going to do that but when he touches the hem of his shirt, I know he'll swim now with me.

Watching Asael undress for a swim, his well-toned body drew my attention, the changes in his upper body evident under the sunlight. He resembled a piece of art. Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung alam niya ba na maganda ang katawan niya at na iyon ang gustong-gusto ng mga babae sa kaniya.

"Want to see me dive?" he asked.

I nodded because I was torn between believing he can do that and expecting he really does know how to.

Sumipol siya at saka nag-dive.

I didn't know he can do that. Siguro ang 'di lang nito alam gawin ay kumanta o 'di kaya sumayaw o umarte? I giggled at that.

Nakalapit siya sa akin at mabilis na nagpunta sa likod ko.

"Doon tayo," turo niya sa binabagsakan ng tubig.

"Sige."

Nauna ako sa paglangoy kahit na hindi naman ako sigurado kung aabot ako roon. Nang umahon ako, nahawakan ni Asael ang kamay ko para manatili akong nakalutang. Nauna pa rin siya sa akin.

"Gusto mong umakyat at tumalon?" tinuro niya iyong taas.

Nalukot ang mukha ko.

"Are you joking?" sabay irap ko sa kaniya.

Bumakas ang pagtataka sa mukha niya.

"Ayaw mo?"

"Ayaw, siyempre! Edi masakit iyon kung babagsk ako!"

Nginisian niya ako. Humawak pa siya sa dibdib niya.

"Ako na lang. It doesn't hurt," wika niya.

I grimaced at that.

"Kapag tumama ka sa mga bato."

Puro bato ang paligid noon tapos malalim na sa bandang gitna.

"Hindi. Ako ang bahala."

Hindi ko na siya napigilan dahil kahit papaano, curious nga ako kung talagang marunong siya.

Asael ascended to the top of the falls, took a deep breath, and leaped into the water in a graceful circular motion.

"Marunong ka noon?!" gulat at manghang tanong ko but I don't think he heard that since he continued swimming to the other side.

Sumunod ako at nang makatabi sa kaniya ay muling nagsalita.

"Bakit marunong ka noon?" natutuwang tanong ko.

Pinasadahan ng kamay niya ang buhok kaya lalo kong napansin na bagay na bagay sa kaniya ang mahaba. He exudes a manly, playboy charm, coupled with an air of affluence and coziness. If he were a book, I'd love to always read him with a coffee in my hand.

"I just know how. Marami akong nasamahan na tropa noon na nagpapayabangan."

I chuckled at his words. How could he say that? Ganoon naman talaga ang mga bata, 'di ba o binatilyo? Ganoon kasi ang mga nasa paligid namin doon nila Ate Jess. They tend to boast about what they can do and surely, one of their friends will claim that they can do better.

Umatras ako nang umatras, sinusubukan kung saan ang hangganan ng batong natuntungan. Pero noong magtapos naman iyon, pababa kong hinila ng tubig.

Asael caught me and brought me up. Mabilis akong kumapit sa balikat niya habang hinahabol ang hininga.

Amused na amused siyang nakatingin sa akin habang naiinis naman ako dahil hindi ko inaasahan na hindi ko makakabig ang sarili.

"Akala mo, ah..." tudyo niya sa akin.

Sa inis ko, mas diniinan ko ang pagkapit sa kaniya at nagpapabigat pa. Tuwnag-tuwa siya roon sa pagganti ko, hindi ko naman makitaan ng paghihirap.

Lumapit siya sa akin para magnakaw ng halik na umani ng hampas sa akin.

"Shut it, Asael. Baka may makakita sa atin."

Nagtangka akong lumangoy palayo pero nahawakan niya agad ako sa baywang at kinabig palapit sa kaniya. My back hit his chest so hard.

"Asael!" I hissed his name.

I felt his breath on my ear.

"Sex tayo," malisyosong bulong niya.

Nanlaki ang mata ko at pinaghahampas ang kaniyang brasong nasa sa aking tiyan.

"Shut up! Paano kung may makakita sa atin dito? You'll risk it?!" I was so annoyed.

"Wala. Sinabihan ko si Matias."

"What the?!" inis ko siyang nilingon pero 'di ako magtagumpay. "Sinabi mong gagawa tayo ng ganoon dito?"

Inaatake na ako ng hiya at pakiramdam ko, hindi ko kakayanin na dumaan pa sa harap noong lalaki.

Humalakhak siya, umaalog ang katawan kasabay ng akin. Kinurot ko siya sa gigil ko.

"Sinabi kong walang papapasukin na iba," aniya, bakas pa rin ang tuwa sa boses.

"Ayaw ko pa rin! It would be impossible to do that in water," usal ko.

"It's not. I promise..."

I was so steady in rejecting Asael's idea but when he kissed me after an hour, ganoon din nauwi ang halik na iyon. Takot ako pero nakakaramdam din ng excitement. I didn't know you can have sex underwater.

I was amazed by that. Pero hindi na ako uulit pa.

We stayed on that until dawn came, we both decided to go home. Nakapagpalit na ako ng damit at walang naging problema.

Kaming dalawa lamang ang narito at si Ate Jess ay nasa boyfriend niya na halos nananatili.

Pagod kami pareho ni Asael at nagbalak na matulog agad, pero hindi pa man kami nakakahiga ay tumunog na ang cellphone niya na alam kong ginagamit niya sa trabaho.

"Don Rivero," anito matapos sagutin ang tawag.

Naupo ito sa tabi ko, boxer lang ang suot at walang pang-itaas.

"Mayor Lucina?"

Kumunot ang kaniyang noo at nagsalubong ang kilay.

"Bakit daw ho?"

Tahimik akong naglalagay ng facemask sa mukha para sa paghiga ko pero nakikinig pa rin.

"Ngayon ho? Hindi ho ba pwedeng ipagpabukas?"

Nilingon ako ni Asael. Through my stare, I am asking him what's up. Lalo pa noong naging tuwid ang porma ng labi niya.

He sighed heavily.

"Pupunta ho ako."

Nang ibaba niya ang cellphone ay nanatili siyang nakatingin sa akin.

"Hinahanap ako ni Mayor Lucina. Kailangan kong pumunta," pagpapaalam niya.

"Hindi raw pwedeng bukas na lang?"

He shook his head. I nodded weakly.

"Sige. Mag-iingat ka, ha?"

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko para patakan ako ng halik sa labi.

"I love you. Babalik ako agad," wika niya.

"Hmm. I love you, too."

Nagbihis siya agad at nang umalis ay nakatanaw ako sa pinto. Hindi ko na inaasahan na makakabalik siya ngayong gabi dahil ilang beses na nangyari 'to. Minsan madaling araw o umaga ang uwi, minsan matapos ang dalawang araw bago makauwi.

Papasok na ako sa kwarto ko nang biglang mapansin ang pagpasok ni Tanya. She looked flustered and in a hurry. Walang kolorete sa mukha.

"Nakahanda ka na ba?" marahas na tanong niya.

I looked at her, confused.

"Handa saan? Hindi ko pa iiwan si Asael ngayon-"

"Tanga!" she spat at me. "Wala ka bang alam, huh? Your parents are with Mayor Lucida! Nalaman na nila na ang party noon na dinaluhan ni Asael ay siya ring dapat daluhan ni Mayor. Proxy si Asael at ngayon, naghahangad silang makausap 'to! But Dad was supposed to be Mayor's proxy. Kapag nalaman ng magulang mo na si Dad ang amo ni Asael, what do you think will happen?"

Parang huminto ang mundo ko sa sinabi niya. Hinila niya ang kamay ko papasok sa kwarto habang naglo-loading sa utak ko ang sinabi niya.

"Alam kong humihingi ka pa ng isang buwan pero hindi na pwede. Unless you want your parents to know that you and Asael are a thing! We need to hurry up!"

Nanginig ang kamay ko.

"Why didn't you know? I'm sure your parents told you."

Sa sinabi niyang iyon nagmamadali akong tumungo sa drawer para kunin ang cellphone kong pinatay ko kanina para walang makaistorbo sa amin ni Asael.

Binuksan ko iyon, agad na naghanap ng cignal para makita kung meron nga. Sunod-sunod ang pasok ng mensahe sa akin, miss calls at chat.

Mommy:

Anak, we're coming to Tierra Marea. Can you come with us?

Daddy:

Hope, where are you?

Sa chats ay hirap akong pumindot.

Isy:

So, hindi siya talaga nagparetoke lang?

"Ano ba! Hope, dalian mo! Kunin mo ang kailangan mo!" Tanya hissed at me.

Pero hindi ko magawang kumilos habang binabasa pa rin ang chats.

Dilay:

He's not. I guess he's the triplet's illegitimate son.

05:55 PM

Tarian:

Aalis sila Tita Eve at Tito Tyron kasama sila Tito Tross. Mom and Dad can't come. Hindi pwedeng maiwan si Allen. Nagkalat pa rin ang scandal.

Tumulo ang luha ko. They found him. They will never let this slide. Ang isang buwan kong makakasama pa siya...mauuwi sa wala. I need to leave him so he wouldn't do this.

Isy:

You won't come, Kuya Eros? You should come, Kuya!

Eros:

We can't. They need to know who's son he is. Para mabilis maiwasan ang problema. Huwag muna tayong makisali.

"Hope!" Hinaltak ako ni Tanya.

Nanlalaki ang kaniyang mata sa galit.

"Dad's men will help you-"

"H-hindi ko pa alam kung saan ako pupunta..."

"Of course Dad arranged it for you! Iwan mo lahat ng cards mo, Hope. Mag-iwan ka rito ng sulat o sa magulang mo."

"H-hindi pwedeng hindi ako magpapaalam sa kanila ng personal-"

"So, tanggap mo na malalaman nilang tinago mo si Asael? Kasama na nila si Asael niya. Kaya siya pinatawag dahil doon. Ano? Sabihin mo? Uuwi ako at iiwan kita rito at ikaw na ang humarap sa lintik na problema mo!" putol niya sa akin.

Humagulhol ako sa sinabi niya. Hindi ko alam ang gagawin. Tumunog ang cellphone ko. She took it from me.

"Allen needs someone to go with her when she left the country tomorrow. Can you come with us, Hope?" Tinigna niya ako habang ako, tulala. "Tita Rolly ang nakalagay."

Dumapo ang kamay niya sa aking balikat.

"Leave everything here! Even the credit cards! We can use this one to lure Asael. Na emergency ang pag-alis mo at ganoon din ang mga magulang mo. Sasabihin mong sasama ka kung sino man 'tong Allen na 'to, Hope!"

Nawalan ako ng lakas nang 'di kayanin ang lahat. Tanya cursed.

"Tangina! Ang hina mo!" bulong niyang dinig ko pa rin.

I know I'm weak one. Hindi ko pa nararanasan ang sakit na ganito dahil walang nakapananakit sa akin noong nasa puder ako ni Daddy. Hindi ako palaiyak dahil hindi naman ako nasasaktan ninoman o natutukso.

"Sandali..." she uttered under her breath.

Dinig ko na rin ang pagod niya at kawalan ng maiisip na paraan pero sinusubukan.

She took her phone and called someone.

"Help me here, jackass!"

Pinilit akong itayo ni Tanya.

"Aalis tayo, Hope. Katulad ng plinano mo."

"Pero..." sumigok ako.

Nagtitipa siya sa cellphone ko. When she clicked on the button and turned it off, she then faced me.

"Sinabi ko na. It's now or never, Hope. Now or never..." pinal ang boses niya habang sinasabi iyon, animoy isang iling ko, isang pagkakamali, iiwan niya ako rito.

"Saan mo ako d-dadalhin?" I asked breathily.

"Dad has a private island in Edinburgh. We can go there. You can stay there..."

Nararamdaman ko ang pangangatal ng buong katawan ko at ang mga ngipin kong nagngingitngit.

Tinakbo ko ang damit na alam kong paboritong isuot ni Asael. I hugged it.

We heard a car honk outside.

"Shit! Let's go! Nandito na ang mga tauhan ni Dad!"

Dahil sa kawalan ng lakas, pagkabigla at kaguluhan ng isip, natangay ako ni Tanya hanggang sa labas. The man assisted me into the car, and as we drove away from the house, I suddenly realized it, sending shivers through my body. Papaalis na kami. Aalis na kami.

Umaakyat ang lamig sa aking batok, nahihirapan akong huminga, ang buong katawan ay unti-unting tinatamaan ng manhid at pakiramdam ko buong mukha ko ay lumalaki miski ang ulo ko.

We're leaving. My mind struggles to accept it, causing intense pain inside my chest. I don't want to go, yet I also don't want to hold Asael back from reuniting with his family. He belongs with them, not with me. Pero ang sakit. Sobrang sakit na pakiramdam ko, matindi pa ang pagwarak ng puso ko ngayon kaysa sa butong nababali.

Ngayong iiwan ko ang Pilipinas na walang pasabi, wala lahat, ano ang kahihinatnan ko. Na mag-iisa ako at walang direksyon? Na puno ng pagsisisi at takot ang puso ko? Magiging ayos ba ako?

"Hope..."

A faint voice, seemingly Tanya's, reached my ears, and though I could see her in my peripheral vision, it was as if she were shouting. I attempted to shift my body to face her, eager to express what I was feeling. Pero huli na at 'di ko iyon magawa.

Naramdaman ko na lamang na nawawalan ako ng lakas at ang imaheng huling pumasok sa imahinasyon ko ay ang aking mga magulang, disappointed sa akin at si Asael...na galit.


Crashing Into You is now completed on VIP Group with 40 Chapters. If you're interested to join, we have a February promo that you can grab. 


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Message Nefeli Exclusivee on facebook for the details. Advance happy Valentines to all of you!

Progeny #2: Crashing Into YouWhere stories live. Discover now