Chapter 14

7.9K 130 30
                                    


You Like me

“May sasabihin ka?” dinig ko mula sa likuran ko.

Pumikit ako nang ma-realize na hindi niya ipinagpatuloy ang pagtulog kundi sumunod sa akin sa kusina.

Tumikhim ako.

“Uh… wala,” mabilis kong tugon.

Sinubukan ko pa siyang lingunin habang kinukuha ang kakailanganin para sa kape.

“You want coffee?” alok ko para lang maibsan ang pagtataka niya kung bakit ko siya pinagmamasdan.

But Asael, someone who won’t let such things pass, nodded at me but continued asking me afterwards.

“May problema ka ba? Pwede kang magsabi. O…kung may kailangan ka…” nananantiyang sambit niya.

I tried to smile at him but I was caught off guard when I saw sincerity in his eyes. I swallowed hard.

This man is indeed handsome. Hindi dahil kamukha siya ng mga pinsan ko. O baka dahil nag-iba ang tingin ko sa kaniya? Noon, ikinukumpara ko siya sa kanila pero ngayon…iba na ang paraan kung paano ko siya tignan.

I supposed to always see my cousins face in him but right now, si Asael lang ang nakikita ko. It’s only his face. Ni hindi mag-krus sa isip ko ang pangalan ng mga pinsan ko. Hindi tulad noon na napapaisip ako palagi kapag natititigan siya.

Bumagsak ang tingin ko sa coffee maker. He turned it on. Nakalimutan ko pala iyon.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga siya.

“May problema ka sa boyfriend mo?” medyo matigas niyang tanong.

I bit my lower lip and shook my head slowly. I don’t have one. And even if I do, it was supposed to be someone I like, right?

Do I really like Asael? Kung gusto ko siya…gusto ko rin ba siyang maging boyfriend?

Ramdam ko ang pagtaas ng balahibo ko nang maramdaman ang malakas na pagtambol ng aking dibdib. To think of calling him sweet names just like my high school and college friends do before, to kiss him and wave him goodbye…

But then Asael has a lot of women. He’s a playboy. Kaya nitong makuha sino man ang gusto nito. I remember what he thought of me the first time he saw me. He called me “maarte”.

Sumaksak sa isip ko ang babaeng kasama niya. He brought her here, for what? Kailangan ba o dahil gusto niya? But he sleep in the living room. Pero pwede ring nahihiya lang siya sa amin ni Ate Jess, hindi ba? At baka hindi siya makakapagtimpi kung magkasama sila. There’s a possibility, right?

I heard the click of the coffee maker again.

“May problema ka,” hindi na tanong iyon sa pagkakataong ito.

I heave a sigh. Tinignan ko siya.

“Asael?” tawag ko sa kaniya.

“Hmm?” tumikwas ang kilay niya.

Kinagat ko ang loob ng pisngi bago sinambit ang tanong na mayroon ako.

“Kung may kakilala kang babae at umamin sa iyo na… uh… gusto ka niya? What are you going to do?” humina ang dulong tanong ko.

Nangunot ang kaniyang noo.

“May umamin ba sa taong gusto mo?”

My face crumpled with his question.

“Just answer me. What will you do? If that woman asked you to kiss her, would you? If she asked you to be her boyfriend, are you going to say yes?”

Sa haba ng tanong ko, halos hingalin ako roon. Nagtutumindi ang pintig ng puso ko sa paghihintay.

Progeny #2: Crashing Into YouWhere stories live. Discover now