Chapter 15

9.1K 105 38
                                    


Assume

Walang tigil ang pagtibok ng puso ko pero sinusubukan kong maging normal sa pag-akto. Ang pisngi ko, siguradong namumula. Ni hindi ako makapag-angat ng tingin. Ang tahimik ng paligid habang kami’y kumakain.

“Can you hand me that dish, Asael?” his visitor, Tanya, asked.

I took a glance at them. Asael gave her what she asked for. Si Ate Jess naman ay napakatahimik lang mula nang pumasok rito.

“Asael, sasamahan mo ba ako mamaya? I want to buy some bikinis. Mag-swim ako sa beach later,” maarteng sinabi nito.

Si Ate Jess na medyo tulala ay parang natauhan.

“Oh, magbi-beach kayo? I have some bikinis here. Hindi nagamit iyon. Padala lahat ng grandmother ko,” anito sa aking tabi.

I sipped on my juice, my eyes passed through Asael who’s eating in front of me. Tahimik lang siya pero sa akin ang tingin. Kaya nag-iwas ulit ako dahil hindi kayang tagalan iyong titig niya.

“Gusto mo bang sumama?” ani Asael sa kalmadong boses.

Si Ate Jess agad ang unang sumagot.

“I have some plans, e. Si Hope na lang.”

Nilingon ako nito.

“Samahan mo sila Hope. Wala kang work ngayon, hindi ba?”

Binitawan ko ang utensils na hawak at kumuha ng tissue para punasan ang labi.

“May plano rin ako ngayon, Ate. May kikitain po akong importante.”

Ngumiti ako sa kaniya, tapos kay Tanya at kay Asael.

“Well, that’s good. Kami na lang ni Asael para solo namin,” nakangiting pahayag ng babae, kita ko ang galak sa mga mata.

Parang may malamig sa sikmura ko ang natapon. Kay Asael agad ako tumingin.

“Sinong kikitain mo?” tanong niya, malayo sa usapan namin ang isip.

I wanted to pout with his question but that is not a good reaction when I’m surrounded with Ate Jess and Tanya.

“A friend. May importante lang kaming pag-uusapan,” mahinahong tugon ko.

I heard a tiny snort coming from him.

“Iyong Ruis?” dinig ko ang anghang sa tanong niya.

“Ruis? Who’s that? Your boyfriend?” Ate Jess asked.

Mabilis akong umiling, ang mga mata ay bahagyang nanlaki at napatingin agad sa unahan ko. I just told Asael I like him. Tapos ngayon maririnig niya iyong komentong iyon. He might think I’m playing with him!

“So, you have a boyfriend?” pagsingit noong Tanya.

I looked at her. Her eyes looks innocent but I can see through that. Ganiyan si Ate Dilay. Hindi man ngumingiti, mukhang inosente, but she bears the traitor’s smile. Through her chinky innocent eyes, it hides.

“Wala siyang boyfriend,” matigas na sagot ni Asael doon.

Nakita ko ang pagkurap ni Tanya, tila hindi inaasahang si Asael ang magsasabi noon.

Progeny #2: Crashing Into YouWhere stories live. Discover now