Chapter 9

6.4K 106 2
                                    


Mother

Kinabukasan, maaga akong gumising at ang una kong tinungo, ang manok sa labas. Hinatinggabi na ako ng tulog katitingin doon dahil hanggang ngayon naa-amaze pa rin ako rito.

It’s really beautiful and I took countless picture of it. Nakalimutan kong…may lakad pala ako ngayon.

I can feel my body still wanting to sleep but of course, wala akong magagawa. Sasamahan na nga lang ako ni Asael tapos ipo-postpone ko pa? And besides, hindi ko alam kung bukas ay matatawagan kami dahil baka raw bukas matuloy ang party ng may-ari. Malaki rin iyon at kailangan nang manpower.

Kaya naman dobleng pagmamadali ang aking ginawa. Mabilis lang akong naligo at ang buhok, hindi pa tuyong-tuyo ay tinigilan ko na. If Mommy is here, she would tell me my hair would probably go sticky after my whole day.

Naiiling na lamang ako kapag naaalala sila. I miss this so much. Uuwi ako sa Huwebes at babalik dito ng Sabado ng umaga. May pasok ako ng alas dose noon kaya aabot pa.

Ang aking agahan ay kape at toasted bread lang. Nag-iwan na lamang ako ng note kay Ate Jess sa may fridge.

Saktong paglabas ko ng kwarto, nakita ko ang pagpasok ni Asael. Si Ate Jess ay gising na rin pero hindi ko iyon napagtuunan ng pansin.

Tumango si Asael sa akin. I smiled at him. Pero kahit na inilalapag ko ang gamit kong bag, hindi ko maiwasang punahin ang kaniyang kasuotan. Asael loves cargo, I see. He looks good in it. Dark grey iyon at ang pang-itaas na t-shirt na nakatupi pa ng dalawang beses ang manggas ay kulay puti naman.

Magkasalungat ang suot namin kung tutuusin. I am wearing a lavender floral skirt, my top is pink and my cardigan is also in shades of purple.

His black hair is on a slick back. My chocolate brown hair, reaching mid length, is styled in Khaleesi braid. He is tall, his skin is not that dark but also couldn’t be considered white. Habang ako, maputing-maputi naman.

We’re the opposite of each other. He looks dangerous with his hooded eyes, his bold tattoos on his right arm showing, his aura, could tell he’s really a bad boy. While me, I looked soft on my outfit and makeup.

Tumama ulit ang mga mata ko sa tattoos. I asked Kuya Eros if his tattoos has meaning. Sabi niya lahat naman daw mayroon. Tinanong ko rin kung anong tattoo ang kay Asael, I described it and he said it's trival. Sikat daw iyon.

I sighed.

I watched as he sat on the sofa and his shirt hugged his physique. Nag-iwas ako ng tingin at binalingan si Ate Jess na kalilingon naman kay Asael.

“Gwapo ni Asael, ‘no? Akala ko may date siya, e. Dinaanan lang ang manok,” ani Ate Jess.

“Sasamahan ko siyang magtanong-tanong tungkol sa kaniyang ina,” si Asael.

Ate Jess smirked at him.

“Ang bait mo naman,” tudyo nito.

“Nagmamagandang loob lang, Ate. At pumayag na ako kasi baka maligaw ako sa La Suerte,” paliwanag ko.

Ate Jess nodded, still her face with a smile.

“Mag-ingat kayong dalawa. Malawak ang La Suerte, Hope. Pinakamalawak iyon sa buong Afortunados. Hati iyon. Mayaman at mahirap. Dito kasi bilang lang ang mayaman, e. Sa Tierra Solera halos puro mayaman. Sa De Grenjas naman kampanta ang buhay doon. Puro haciendero’t haciendera.”

When I heard the word “haciendero’t haciendera” naging curious na ako sa sinabi niya. I have always love people who owns a massive land and has plantations of fruits or vegetables. Sa amin kasi, puro building. Kaya nai-imagine ko kaagad ang magandang tanawin at malamig na hangin.

Progeny #2: Crashing Into YouWhere stories live. Discover now