Chapter 6

6.8K 109 5
                                    


Meryenda

“How are you, anak?” tanong ni Mommy nang tawagan ako.

May pasok ako sa araw na ‘to kaya nagbibihis ako habang kausap siya.

“Maayos naman po ako rito, Mom.”

“Uhuh. May progress na ba ang paghahanap mo?”

Natigil ako sa pagsara ng zipper ng suot ko nang maalala iyon.

“Sa ngayon po wala pa. Wala po iyong kaibigan ng tunay kong ina. Pinetisyon po siya ng barangay para mapaalis siya.”

Narinig ko ang singhap ni Mommy. Kinuha ko naman ngayon ang hikaw na gagamitin at inilagay ko iyon sa aking tainga.

“Bakit naman siya pinitisyon?” takang tanong ni Mommy.

I remember what the boy said. That woman sold women and almost half of them didn’t return to their families. Ang ilan sa mga pamilya ng mga iyon ay ikinonsidra na silang patay.

“May malaki po yata siyang kasalanan sa mga kabarangay niya,” mas pinili kong isagot iyon.

Mommy heaved a sigh.

“I miss you, anak. Gusto ko sana na mapadali ang paghahanap mo. Ayaw mo ba talagang si Ate Dilay mo na ang gumawa ng paraan?” mag tunog ng pag-aalala sa kaniyang boses.

“But Mommy, Ate Dilay is too busy. Sa tingin ko naman po ay kaya ko,” maingat kong tugon.

The truth is, I just don’t want any of them to ask me why I am looking for my biological father. Kapag sinabi kong dahil sa mga misteryosong sulat, sigurado ako na hindi papayag si Dos.

Sa mga pinsan ko, iyon ang sobrang malapit sa akin nang lumalaki kami. Si Ate Dilay ay busy palagi sa training niya kaya ako ang halos maging ate na ni Dos. He’ll be so protective of me. Kaya tago kay Ate Dilay ang tungkol dito. Nagpapasalamat na lamang ako na busy si Dos at hindi ako hinahanap.

“Anak, mag-iingat ka palagi, huh? We miss you so much here. Ang lungkot ng bahay,” dinig ko ang pagliit ng boses niya.

I smiled at that. She’s really Daddy’s baby. Mommy’s so soft that we, surrounding her doesn’t want her hurt.

“Buti po hindi ako hinahanap nila Tito?” tanong ko.

“Anong hindi? Hinahanap ka. Miski nila Tito Zohan mo at sinasabi na lamang namin na nagbabakasyon ka. Alam mo naman ang mga iyon. First baby ka nila.”

Humagikgik ako roon.

“Nami-miss ko na rin sila Mommy. Sa pasko po mamasko ulit ako,” biro ko.

I heard her snorting.

“Lagi naman may regalo sa iyon, ‘nak.”

Nakangiti kong sinipat ang sarili sa salamin.

“Oh sige na, ‘nak. Baka ma-late ka pa,” ani Mommy sa kabilang linya.

Dinampot ko ang cellphone.

“Mommy, I miss you and I love you. Same as Dad,” malambing kong sinabi.

I heard her chuckles.

“I miss you and I love you too, anak.”

When the call ended, mabilis kong inayos ang bag sa aking likuran at saka dinampot ang payong. Plano kong maglakad ulit dahil malapit lang naman dito ang employees entrance.

“Good morning, Ate,” bati ko kay Ate Jess kahit hindi ko pa naman ito nababalingan dahil inaayos ang salamin.

When I looked at her, I saw Asael beside her, fixing a wall painting.

Progeny #2: Crashing Into YouWhere stories live. Discover now