Chapter 13

6.4K 113 0
                                    


Like

Mabilis lumipas ang ilang araw. Busy sa work, busy sa paghahanap at minsan ay tambay sa kwarto ko o ‘di kaya ay pinagmamasdan ang manok.

At sa nakalipas na araw na iyon, madalang kong matagpuan si Asael sa bahay kahit na sa likod lang ang silid niya. Mas madalang kaysa noon.

Minsan ay nararamdaman ko lang ang pagdating niya pero pagkatapos noon ay hindi ko rin dadatnan sa umaga.

When Kuya Lucian’s birthday came, nagpaalam ako kay Ate Jess na doon ako matutulog sa amin. We visited him on his museleo and stayed with him for the whole day.

My cousins dropped of just to pray for him and gave him flowers. Si Mommy, hindi ulit namin makausap dahil naroon lang siya sa harap, nakatitig. This is normal to Daddy and I. Tinanggap namin pareho na ang araw na ‘to, walang puwang ang kahit na sino kay Mommy maliban kay Kuya.

Nang matapos kami sa museleo, sa bahay ay nagpahanda si Mommy ng pagkain, may isang upuan doon na may kandila, may nakahandang bulaklak din. Just to feel like this once, in his birthday, he’s with us.

The next morning, kinailangan ko nang bumalik sa Tierra Marea dahil may text akong natanggap for the holiday. May kailangan pasukan dahil mas maraming bisita.

“Are you sure you want to work today?” tanong ni Daddy.

Si Mommy nakakapit sa aking kamay. I kissed him on the cheek.

“Yes, Dad. Kailangan po,” sambit ko.

When I looked at Mommy, she’s pouting at me.

“Mag-iingat ka, anak, hmm? I want you home safe. Call us when you’re home.”

I nodded with a smile.

Tumalikod na ako at naglakad patungo sa sasakyan. Alas siete ako nang umalis sa bahay, alas diyes akong nakauwi. Two to ten ako ngayon kaya hindi naman ako masyadong nagmamadali.

Wala ulit akong nadatnan sa bahay at dahil naiinip, medyo maaga akong pumasok. Sinalubong agad ako ni Mellet.

“Kamusta bakasyon mo?” nakangisi niyang tanong.

Nailing naman ako.

“Ayos lang. Medyo mahabang pahinga.”

Ganoon ang palagian kong naririnig sa mga kasamahan ko kapag tinatanong kaya naman iyon na lamang din ang aking isinasagot. Mayamaya pa, habang naghihintay sa tambayan, nakita na namin sila Ate Marie na paparating. Si Andrei at dalawang lalaking bago lang yata siguro.

“Dapat wala kamong pasok, ‘no?” biro ni Ate Marie.

“Wala ring kita? Gusto mo iyon?” si Andrei.

“Pahinga rin kasi iyon.” Tinuro ni Ate Marie si Andrei. “Ikaw hindi ka pwedeng magpahinga at limang babae ang pinag-uubusan mo ng pera.”

I was so shocked to hear that. Does that mean Andrei is also a playboy? Minsan ay nasasali sa usapan si Asael at puro talaga paninira sa pagiging babaero nito ang maririnig mo sa kaniyang labi. Iyon naman pala…

“Hope!” panggugulat nito sa akin.

I was startled, of course. Kaya medyo iritado ako nang tignan siya.

“Bakit?”

Nanlaki ang mata niya.

“Bad mood ka?”

Umiling ako.

“May iniisip lang at nagulat,” simpleng tugon ko.

I can feel that he wanted to pry more about what I’m thinking. Mabuti na lamang at nasa loob na kami at kitang-kita ang dami ng kailangan gawin kaya hindi na siya nakapagsalita pa at doon natungo ang komento at atensyon.

Progeny #2: Crashing Into YouWhere stories live. Discover now