Chapter 4

7.9K 117 11
                                    


Panyo

“Kumain ka na ba, Hope?” tanong ni Ate Jess habang ginagabayan ako patungo sa sofa.

My eyes lingered on that, thinking of whatever activities they did here. Sa huli sumagot agad ako sa kaniya.

“Hindi pa! Ate…” medyo napalakas na sagot ko para lang hindi makaupo roon.

I’m concious about things and if they’re a bit messy or dirty, I wouldn’t touch it. Pamilya ng doctor ang umampon sa akin at malinis sila sa lahat. Daddy won’t let me wear a shoe that has tiny stain. Mommy won’t let me eat food that has been sitting in the food container for awhile.

“Nagluto ako ng carbonara. At saka mayroon ding adobo diyan. Si Asael naman ang nagluto noon,” nakangiting aniya.

Umawang ang labi ko pero kaagad ding tumango. Binalikan ng tingin ko ang pintuang nilabasan noong Asael. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang totoo at harapan kong nakita ang inaakala kong gawa-gawa lamang ng imahinasyon ko sa nagdaang araw.

“Si Asael iyon,” si Ate Jess. “Nasabi ko sa kaniya na may hinahanap ka nga at ang tunay mong ama iyon. Ang sinabi ko lang ay ang tunay na pangalan niya and good news! He knew him.”

Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Ma-disappoint na sinabi niya iyon sa hindi ko kakilala o ang balitang kilala nito ang aking hinahanap. But then it already happened. Kahit mainis ako, nasabi na ni Ate Jess. Mommy said never to stress myself with something that I no longer have control with.

Bumuntong-hininga ako at saka nagtanong.

“Anong sinabi niya, Ate? May nabanggit ba tungkol sa pwedeng lokasyon ni Lunard Demeo?”

“Hindi tungkol diyan ang nabanggit niya pero bago ko sabihin, kumain ka na muna.”

At dahil sa kagustuhan kong marinig na iyon, nag-atubili akong magtungo sa kusina na siyang sinundan naman ni Ate Jess.

Nakaupo ako at iniikot ang tinidor na may pasta sa kutsara para maging mabilis iyon.

“Ang sabi ni Asael, matagal na raw nagpalit ng pangalan si Lunard Demeo dahil umalis ito sa isang grupo na tutol sa pagtiwalag.”

Nangunot ang aking noo. Grupo? Siguro ay iyong may kinalaman sa mga droga?

“Ate, alam ba ni Asael na iyon kung anong pangalan ng grupo na inalis ng tunay kong ama? Baka pwede ako roon magtanong?”

Nanlaki ang mata niya at mabilis na umupo sa tabi ko. She put her forefinger between her lips and nose.

“Hindi pwede iyon, oy! Anong akala mo sa grupong iyon? Matinong grupo? Hope, kapag sinabing grupo dito, may meaning iyon. Ibig sabihin malaki at may kinalaman sa mga kagaguhan.”

“Like drugs?” I didn’t hesitate to asked that.

Her eyes, still wide, made a certain glint. Kasagutan na sa akin iyon.

“Kaya hindi pwedeng susugod ka roon para magtanong. Kapahamakan ang sasalubungin mo. That’s why I asked Asael to guide you while you’re looking for your father.”

I licked my lower lip when my heart race in an unexpected manner. That man will help me? Somehow, rather than feeling glad, I feel like I’ll also face danger with that man. Pero hindi ko na sinabi iyon kay Ate Jess dahil baka ma-offend siya at sabihing napakaarte ko naman.

She smiled at me and held my shoulder.

“Don’t worry, Hope. Kahit na mukhang walang gagawing matino si Asael ay mabait iyon. Hindi ka noon ipapahamak. Maingat iyon sa mga babae,” aniya.

Progeny #2: Crashing Into YouWhere stories live. Discover now