Chapter 69

2K 43 13
                                    


[FLASH NEWS]

Kapapasok lamang na balita, tuluyan ng binawian ng buhay si Congresswoman Hillary Villarialle sa Laurel Medical Centre nito lamang oras na ito ng hapon. Ayun sa pamunuan ng hospital, mabilis na kumalat ang lason sa katawan ng Congresswoman na naging dahilan ng heavy blood clotting na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.

Isinugod si Congresswoman Hillary Villarialle sa Laurel Medical Centre, kahapon ng madaling araw matapos nitong mag-commit ng suicide sa pamamagitan ng pag-inom ng nakalalasong likido.

Ayun sa kanyang personal assistant na siyang nakikita dito, nasa sahig na raw ito at wala ng malay nang maabutan nila ito ng Vice-president na noo'y kakauwi lamang ng bahay ng mga oras na iyun.

Kaagad nilang dinala sa hospital ang Congresswoman ngunit critical na ang kondisyon nito at binawian na rin ng buhay.

Wala naman daw foul play sa naganap na insidente sapagkat matagal ng nakakaranas ng melancholia at depression ang Congresswoman at mas lumala pa ng magwithdraw ito sa pagtakbo bilang Presidente dahil sa karamdaman nito. Dumagdag pa pagkakakulong ng anak nitong si General Griffin na kanina lamang ay nasawi rin sa nangyaring pagsabog...."

____




Hindi mapakaling nagpapalakad lakas si Claire matapos ang ilang oras nitong pag-iyak dahil sa nabalitaang naganap kay Dhark. Dumagdag pa ang balitang patay na si Hillary na noo'y nilalamayan sa mansion nito sa Batangas sa pangunguna ng Vice-president.



"Claire, uminom ka muna ng tubig oh. Kanina ka pa umiiyak at hindi kumakain." Maya-maya'y wika naman ni Nana Tacy na noo'y inalalayan siyang maupo kasunod ng pag-abot nito ng baso ng tubig.

Imbes na uminom ay napahikbi lamang muli siya. "A-anu ba itong mga nangyayari? Bakit kailangang mangyari ng mga bagay na ito, Nana?"

"Anak, hindi ko rin alam p-pero hindi natin kontrolado ang mga bagay-bagay dito sa mundo, alam mo yan.

"Tapos dumagdag pa po ako sa problema ni Dhark. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari sa kanya, sana-- sana hindi nalang ako dumagdag pa sa mga isipin niya. Sana sinarili ko nalang ang damdamin ko, e-edi sana nagkaroon pa sila ng panahon ni Shu at ni Elly na maging masaya sa kahit kunting panahon. But I was selfish. Pinuntahan ko pa talaga siya sa hotel para sabihin ang mga bagay na lalong nakapagpabigat sa kanya, sa sitwasyon."

"Pinuntahan mo siya sa hotel?" Taka namang usal ni Nana Tacy kaya tumango-tango siya bago magpunas ng luha. "O-opo. Dalawang beses, nitong mga nakaraang araw habang nasa school si Elly." A'niya bago magpunas ng mga luha.

"A-anung ginawa mo d'un? Tsaka anung sinabi mo sa kanya?'"

Hindi siya kaagad nag-salita at sa halip ay lumuha siyang muli nang bumalik sa kanya ang pangyayari sa hotel.


___

"Shuntal, I have already told you simula palang, you should do your best not to let your guard down or else you'll stumble down, me too."

"Eh bakit ba kasi hindi nalang maging tayo ulit! Your marriage with Shu is a null! I can file a petition to terminate its legality, ikaw, you can use your influence to make it possible! Dhark, I know that you still love me, k-kaya nga hindi mo matrato ng tama si Shu kapag nasa harap ko kayo diba? Because you don't want to hurt me."


Matapos bumuntong hininga ay tumugon na rin sa wakas si Dhark.

"Aside from Mom, you're the first woman I've learned to love and I still do, so you are right, I still care about you. I don't want to cause you pain, I don't want to let you suffer any, as well. But, I'm sorry because that's the only thing I could do for you now since I'm married to another woman. I can only care about you."

The Demon General's Young WifeWo Geschichten leben. Entdecke jetzt