Chapter 58

1.5K 33 3
                                    


Tulala lamang si Shu habang nakaupo sa kama sa loob ng kanilang silid.

Wala siyang ibang kasama sa bahay n'un dahil umalis na si Dhark, nagpunta naman sa center si Claire at Elly, tapos si Nana Tacy naman ay pumunta muna ng palengke.

Dahil mag-isa lamang ay nagkulong na lamang siya sa silid nila. Subalit hindi siya makatulog kaya nakaupo lamang siya habang sapo ang noo dahil naalala niya ang mga pinagsasabi niya kay Khallib noong nakaraang gabi.


(....

"Alam mo Khallib, masarap pala talaga ang alak kapag may mabigat kang dinadala anu?"

"Mabigat na dinadala? May problema ka ba or should I say, may problema ba kayo ni Dhark?" Maingat nitong curious na tanong.

"Huh, hindi naman kami nawawalan eh," Ngingisi-ngisi niya namang tugon.

"What do you mean?"

"Ang sabi ko, lagi naman kaming may problema. P-pero alam mo, parang ako lang ang may problema k-kasi siya, he's really numb and tight-lipped to the highest level! Ganito oh! Ganito kataas!" Sambit niya pa at nataas ng kamay sa taas ng kanyang ulo bago tumawa ng tila wala sa sarili.


"Shu, are you okay?"  Nag-aalala namang turan ni Khallib.

"Hah? Sana? Sana oo."

"Pardon?"

"Alam mo, pinipilit ko naman, pinipilit kong magtiwala nalang sa kanya at huwag ng mag-isip ng kung anu-ano, k-kaya lang may bagong bagay na naman na dumagdag sa iniisip ngayun!"

"Dumagdag?"


Tumango-tango muna siya bago tumugon, "Khallib, pakiramdam ko may babae siya. O mas tamang sabihin na may ibang babae sa puso niya." Nasamid naman si Khallib dahil sa sinabi niya.


"S-sa tingin mo ba Khallib, posibleng gawin iyun ni Dhark? Matagal na kayong magkasama at parang magkapatid. Tingin mo? M-may iba ba siya?" 

Hindi agad nakasagot si Khallib sa tinuran niyang iyun.


"What made you think and feel that way?" Sa wakas ay naitugon nito.


"Ewan ko din! Hindi ko nga alam kung saan o kelan nagsimula. Hindi ko din alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Girl's instinct siguro? Alam mo yun, yung basta isang araw nalang iba na yung pakiramdam ko. I feel like there's something wrong going on and it's something related to a woman."

"Are you perhaps pertaining to Ms. Quin?" Khallib concluded, which caused her to smirk.

"Ah, that b!tch! Kasama na siya doon. P-pero feeling ko may iba pa. Someone who is more important. An old love maybe? It feels that way." Tila malayo ang isip na saad niya kaya nangunot ang noo nito.


"What do you mean?"

"Ewan ko. Gusto ko ngang sabihin na siguro kasi mahal na mahal niya pa yung ex-wife niya. A-alam kong patay na ito p-pero pakiramdam ko nasa bahay parin ito. Isa pa, kamukha daw ni Elly ang nanay niya. Maybe Dhark sees and remember his ex-wife everytime he sees his daughter. Kaya mas lalo niya itong hindi makalimutan. But then again, patay na siya. S-siguro may ibang babae talaga. A new one, or maybe an old love na ngayun lang ulit nagpakita."


"That's so specific." Ngisi na lamang na usal ni Khallib bago lumagok ng alak.


The Demon General's Young WifeWhere stories live. Discover now