Chapter 13

3.3K 66 3
                                    

Kaagad ng tinapos ng Heneral ang pag-uusap nila nung babae at nilisan na ito.

Kaagad siyang lumabas para hanapin ang kanyang asawa na noo'y nawala na kaagad lalo na't kaliwa't kanan ang mga tao.

"Where did she go? What does she think she's doing? The resort is so wide!" He asserted as he walked left and right to find his wife.

Noong hindi niya ito mahanap around the hotel's perimeter, ay tinungo naman niya ang tabing dagat kung saan marami ding tao enjoying morning swim.

"Where is she?" Tanong niya pang muli nang mapako ang tingin niya sa babaeng nakaputi na mag-isang nakaupo sa gilid ng dagat kung saan hindi masyadong matao Nakatanaw ito sa malawak na karagatan.

Napatingin na siya doon kanina, hindi niya lamang napansin na yung asawa niya pala iyun.

Kaagad siya lumapit dito.

"Hey Deanna(dey-ya-na)! What do you think you're doing?" Masungit ngunit sosyalin niyang tawag kay Shu na noo'y nagulat naman ngunit utomatiko ding napangiti noong malingunan siya

"N-nandito ka? Omg! Akala ko talaga umuwi ka na!" Masaya nitong sambit at dali-daling tumayo at deretso siyang niyakap.

Napahinto naman n'un ang Heneral at nanlaki lamang ang mga mata dahil sa ginawa ni Shu.

"Ah-- umm, m-maraming taong nakatingin." Maya-maya'y seryoso nitong saad kaya naman ay bumitaw na siya.

"Eh anu naman ngayun?" Kapagkuwa'y sutil niyang mungkahi dahilan para hindi makasagot ang Heneral.

"Teka, anu ba kasing nakain mo at lumabas ka?" Kapagkuwa'y usal nito.

"Hinahanap ka? Akala ko kasi tinakasan mo na naman ako eh!"

The General just let out a smirk because of what she said, "tatakasan ka?" Sarkastiko pa nitong saad.

"Oo, talent mo yun eh. Tapos ako naman talent kong maghintay sa'yo!" Pagdadrama niya ngunit sa iba na nakatingin ang kausap.

"Oyyy, nakikinig ka ba?" Pukaw niya pa dito.

"Umm, there is a caffee over there. We should go and have some coffee." The General just said at naglakad na kaya naman inismiran na lamang niya ito bago sumunod.



Tahimik lamang silang naglalakad nang may makita siya sa di kalayuan. Binilisan niyang maglakad para makarating agad doon.

"Oyyy ang gaganda! Ang swabe naman ng mga paintings! Gusto ko rin!" Masaya at namimilog ang mga matang bulalas niya. Napatigil siya sa harap ng isang painting stall sa mismong tabi ng caffee na pupuntahan nila.

Napako ang mga mata niya sa sample paintings na nakahelira sa buhanginan.

"Wowww ang gaganda!" Sambit niya pa. Noon naman may lumapit na foreigner. Sa tingin niya ay american ito.

"Yes, sweetheart, do you want one for yourself?" Nakangiti nitong masiglang saad bago naupo sa stool kaharap ang painting stand.

"Ah kayo po ang painter? Wow, nice! Gusto ko po, ah-- I mean, yes! Yes! I like! I like!" Masaya niyang saad ngunit nagpatuloy lamang sa paglalakad ang Heneral. "No." Saad naman nito at tinungo ang isang table sa labas ng caffe mga tatlong metro lamang ang layo sa pwesto ng painter.

"Gezz, ito naman!" Busangot naman ni Shu at susundan na sana ang asawa ngunit meron siyang naisip na kalukuhan at bumalik doon sa painter.

Napansin naman n'ung foreigner ang suot na singsing ni Shu at ang suot ng heneral na singsing noong sundan niya ito ng tingin kanina.

"Is that your husband?" Kapagkuwa'y  tanong nito. Nag-isip naman muna siya at nilingon ang heneral bago tumugon.

"Ah yes, yes! We ah-- ah husband and wife." Tugon niya kaya kusang nagsalubong ang mga kilay ng heneral na nakaupo patalikod ngunit active ang tenga.

The Demon General's Young WifeDove le storie prendono vita. Scoprilo ora