Chapter 4

5.2K 85 2
                                    

Sa school backyard gate na dumaan si Shu pagpasok sa school dahil alam na niya kung anung klaseng senaryo ang makikita niya sa main gate ng University.

Medyo napaaga kasi siya ng pasok kaya nakasabayan niya ng dating ang dalawang campus crush mula sa palasyo, si Khallib at Dhark. The main reason kung bakit nagmukhang concert venue na naman ang main entrance ng University.

Crush niya si Khallib pero ayaw niyang makipagsiksikan kaya deretso na siya sa likod.

She's enjoying her walk when a sudden 'beep' from behind her shocked her dahilan para muntikan na siyang matumba ngunit mas nagulat siya sa sumunod na nangyari.

Isang bisig mula sa lalaking sakay ng motor ang kumabig sa kanya mula sa bewang dahilan para hindi siya tuluyang matumba.

Naka full blown black ang lalaki at nakahelmet ngunit kilala niya na kung sino ito.

"D-Dhark?!" Naibulalas niya noong sa wakas ay makabawi siya at agad ding tumayo ng maayos.

"Eyyy weirdow! Good morning!" Mapang-asar nitong mungkahi matapos magtanggal ng helmet.

Ngumiwi siya dahil doon. "Ikaw! Sinadya mo na naman akong gulatin nuh? Hay!!!" Nanggigigil niyang usal at pepektusan sana ito ngunit bigla lamang ipinasa sa kanya ni Dhark yung helmet bago siya kinindatan at tumalilis na ng takbo.

"Hoy! Aanhin ko ito?!" Naguguluhan naman niyang habol na sigaw.

"Keep it! Gonna find you later!" Pasigaw naman nitong tugon na noo'y tumigil saglit para lingunin siya.

"Sa basurahan mo nalang hanapin!" Singhal naman niya.

"Do it and you'll see..." pilyo lamang nitong usal bago mag-iwan ng nakakalokong ngiti kaya bahagya siyang natigilan at ngumiwi na lamang.

"Hay, hibang ba siya?"

"Sinong hibang?" Walang anu-ano'y anaman ni Pao na noo'y galing sa likod niya kaya nagulat siya.

"Pao naman, ginulat mo naman ako!"

"Eh sino bang tinitignan mo dyan?"

"Wala, isang taong hibang na araw-araw nalang akong pinagtritripan!" Biglang busangot niyang saad.

"Si Dhark na naman?"

"Sino pa ba? Siya lang naman ang nang-aasar sakin!"

"Baka kasi gusto ka niya?" Kapagkuwa'y turan ni Pao kaya napa-ilag siya.

"Ako gusto niya? Hoy, imposible naman yun! Trip niya lang talaga akong pagtripan dahil sa nangyari noon. Remember, ako yung dahilan ng unang pagkakaguidance niya dahil pinagkamalan ko siyang manyak noong aksidente niya akong yakapin sa hallway sa CR. Yun pala, may sakit pala siya nun at nahihilo lang kaya bumagsak sakin nung saktong mapadaan ako sa kanya."

"Ang tagal tagal na nun ah! Anu yun, di marunong magpatawad? Kung sabagay, nasira nga naman ang image niya n'un dito sa school lalo na sa Department natin sa senior high. Akala talaga nila, manyak siya." Ngingisi-ngisi nitong pahayag.

"Hays, sa dami ng tao sa mundo, bakit ba kasi ako pa ang naroon sa hallway n'ung time na yun. Yun tuloy, isang taon na akong punagtitripan ng lalaking iyan!"

"Feeling niya yata siya si Jun Pyo tapos ikaw naman si Gum Jandi ng Boys Over Flowers! Haha, cute!" Walang anu-ano'y nakatawang komento ni Pao kaya napangiwi siya.

"Anu kami, nasa drama?"

"Haha, yaan mo na. Gwapo naman siya tapos mayaman din, nakatira sa palasyo, at parang idol kung pumorma! Dream guy nga ng halos 80% ng population dito sa school diba? Malay mo, may twist kayo!" Pagpapatansya nitong pahayag kaya lalong nagsalubong ang kilay niya.

The Demon General's Young Wifeजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें