Chapter 51

1.9K 33 3
                                    

Kinabahan si Shu noong pumasok siya sa venue ng celebratory party sa function hall ng isang private na hotel. It's a celebration for the project that has been finally signed by the the investors including Mr. Chang. Ayun sa kaalaman niya, it's a development project for Batanes.

Si Lt.Carber  ang sumundo sa kanya sa mansion dahil abala na ang Heneral at hindi maharap umuwi.

Nagbilin na lamang ito kay Nana Tacy to prepare the right and accurate clothes for Shu to wear.

It's a white plain straight-cut dress na hanggang sakong. It's an Egyptian style long-sleeved off-shoulder. She partnered it with her straight flowy hair na naka hawi lamang sa magkabila niyang tenga to emphasize her roundish-diamond earrings na kasama nung dress which was given by the General.

Dahil saan saang direksyon siya tumitingin, nauna ng ilang metro si Lt. Carber kaya naman nang masalubong ito ng heneral ay hindi siya nito napansin.

"General, good evening." Agad namang bati ni Lt. Carber sa heneral.

"Where's my wife?"

Agad namang tanong ng heneral as he glanced behind him and automatically spaced out as soon as he laid eyes on his wife in white dress.

He let out a lil smile when Shu finally smiled at him and made her way to him.

"Beautiful, ain't I?" Pilya pa nitong saad nang makalapit.

Pasimple naman siyang nagkibit balikat upang itanggi iyun kaya inismeran siya ng asawa, "to' naman, pakipot pa!" Saad pa nito bago sila tumawa pareho ng marahan.

"You are!" Kapagkuwa'y pilyong sambit niya in between their laughter kaya nalito si Shu. "Eih?" Sambit pa niyo ngunit ngumisi lamang siya at naglakad na.

"Han anu yun? What did you say?" Pangungulit pa ni Shu bago siya sinabayan sa paglalakad ngunit ngiti lamang ang itinugon niya.

___

So far, ito palang ang pangalawang pagkakataon na isinama siya ni Dhark sa pagsasalo na may kaugnayan sa gobyerno.

As usual, Dhark is too busy talking to different people in the venue. Kung hindi politiko ang kausap nito, investors, kung hindi naman ay mga opisyal ng AFP and different government agencies na dumalo sa celebrasyon.

Nakaupo lamang naman siya sa gilid habang sinusundan ng tingin ang kanyang asawa.

Naroon lamang naman si Lt. Carber ngunit naubusan na sila ng usapan kaya nakatunganga na lamang sila parehas while enjoying some drinks on the table.

Habang pinagmamasdan ang heneral na noo'y nasa di kalayuan lamang together with bunch of rich people ay napapaisip siya.

Dhark is definitely leading a life opposite to hers. Nagsink-in muli sa kanya how prominent Dhark is and what really kind of job and life he has. And definitely, she's not keeping up with it.

Napapaisip tuloy siya sa mga ex-wives ng heneral, lalo na yung pangalawa. She's been so curious about her. Wala siyang alam na kahit na anu tungkol dito, bukod sa patay na ito matapos maipanganak si Elly.

But knowing just that, alam niyang naging seryoso ang naging relasyon nito sa heneral dahil nagkaroon sila ng anak.

Nako-curious tuloy siya kung anu kayang itsura nito, kung maganda ba, kung paano ito manamit, paano kaya nito pinakikisamahan ang heneral noon, paano kaya ito magsalita, saan kaya ito magaling, matalino ba ito, anu kaya ang trabaho nito, nagbobonding kaya sila ng heneral, napapangiti kaya nito madalas ang heneral, and do they act just like normal couples at home before? She has a lot of questions that she's dying to know. Pero paano, hindi naman makausap ang heneral tungkol sa ganoong mga bagay, si Nana Tacy naman, tikom din ang bibig.

The Demon General's Young WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon