Chapter 6

4.6K 80 1
                                    


___

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni General Griffin pagbukas niya ng pinto.

Tahimik na ang buong mansion dahil malalim na rin ang gabi.

Brown out kaya naman sinabihan na niya si Nana Tacy na matulog na lamang at huwag na siyang salubungin o ipaghanda ng maiinom.

Hindi niya narin ito pinayagang magsindi ng mga chargeable lamps dahil sapat na sa kanya ang dim-lighted glass figurines na nasa ibat-ibang bahagi ng bahay.

Dumeretso muna siya sa kusina to get a glass of wine bago nagdesisyong pumanhik na sa taas.

He's about to make his way to the thirdfloor kung nasaan yung room niya nang huminto siya sa paglalakad at napalingon sa silid ni Shu.

Nag-isip muna siya nu'n bago uminom ng alak at iniwanan yung wineglass sa lamesa na naroon.

Naglakad siya papalapit sa pinto and he hesitantly opened the door.

Nakailaw ang electronic lamp kaya naman dim-lighted ang silid.

Napatiim-bagang muna siya bago tuluyang pumasok sa silid ng asawang noo'y nahihimbing na sa pagtulog.


Nakatayo lamang siya't nakapamulsa habang iniikot ng tingin ang buong silid.

"So she didn't change anything since she came here." Sambit niya ng sa wakas ay maagaw ang atensyon niya ng unan na yakap-yakap ni Shu, dahilan para utomatikong naningkit ang mga mata niya.

Napatitig siya doon saglit at utomatikong napangisi nang marealize na siya iyun, wala nga lang mukha. He's unconsciously smiling towards the pillow when a portrait from the headboard wall grabbed his attention again.

It's a portrait of a man wearing a General uniform just like his, at wala itong mukha, sa halip ay may titulo doon 'The Faceless General Demon", it says.

"Huh! General Demon," ngisi niyang sambit bago ipinukol ang tingin kay Shu.

Nagpakawala muna siya ng malalim na buntong hininga bago humakbang papalapit sa kama.


Napatitig siya sa maamo at inosente nitong mukha with so much things running in his head. "Your life could've been better when you didn't agree to this. You're too young to confine yourself in this dysfunctional marriage, D-Deanna." Seryoso ngunit may awa sa tinig niyang bulong.

Dahil sa pagtitig niya kay Shu ay napansin niya ang pagkaginaw nito at mahigpit ang pagkakayakap sa unan kaya naman ay yumukod siya upang ayusin ang kumot nito. He's hesitant at first to even grab the blanket pero ginawa niya din in the end.

Matapos niyang ayusin ang kumot ni Shu ay sunod naman niyang napansin ang posisyon ng ulo nito. "Huh, do you often sleep like that? It's uncomfortable, you might acquire stiff-nec--" Natigilan siya bigla nung akmang aayusin niya sana ito sa unan and quickly took his hands off of her head na tila ba'y nagulat sa own actions niya.

"Why so careless of everything!" Sa halip ay naibulalas niya at tumayo na ng maayos bago hinanap kung saan nanggagaling yung lamig.

When he saw the widely opened window ay napailing siya bago naglakad patungo roon to close it.

Tinitigan niya pa saglit si Shu at nagdesisyon ng umalis.


____

"Teka huwag! Huwag ka munang umali--", ito ang mga katagang sinasambit ni Shu nang maalimpungatan siya't magising.

Nagpalinga-linga muna siya sa buong silid.

"Whoah! Panaginip lang pala. A-akala ko naman totoo ng nandito siya." Matamlay niyang saad at nagdesisyon na ring bumangon.

The Demon General's Young WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon